00:00Mark, dito naman sa Pilipinas, aminin natin ha, minsan eh, extra challenge.
00:05Yung pagtawid sa pedestrian lane.
00:07Nako, sinabi, ikaw may personal experience dyan.
00:12Nakaranas ako nyan, Mark.
00:13Kasi naman, marami talaga, yung iba, ibang mga motorista, dead ma talaga sa pedestrian lane eh.
00:20Ngayon, lagot kayo sa LTO.
00:23Here's what we know so far with Von Aquino.
00:27Ipinababalangkas na nilang transportation office chief Marcos Lakanilaw
00:31ang kautusan upang bawiin ang lisensya ng mga motorista
00:34na masasangkot o sangkot sa mga aksidente sa mga pedestrian lane.
00:38Makailang beses nang may nasa sa pool kahit pa nasa pedestrian lane na mismo.
00:44Gaya ng mga estudyanteng ito sa Makati, grupo silang naglalakad na nga sa tamang tawiran.
00:49Biglang inararo ng humaharurot na jeep.
00:52Isa ang namatay, anim naman ang nasugatan sa insidente ng nangyari 6 years ago.
00:57Namatay rin ang isang estudyante sa Oriental Mindoro matapos masagasaan ang pickup truck sa pedestrian lane noong January 11.
01:05Kumatawid din sa pedestrian lane naman sa Quezon City ang isang gina
01:08ng mabangga at magulungan pa ng truck nitong June 15, patay ang biktima.
01:13Isa pang insidente sa pedestrian lane ang nahulikam sa Infanta Quezon noong July 12,
01:19kung saan nabundol ng van ang isang senior citizen.
01:22Sugatan din ang isang babae sa Quezon City noong August 11 matapos mabangga habang tumatawid.
01:28Mga estudyante namang tumatawid ang nasa pool sa Cotabatos City at San Mateo Rizal.
01:34Habang mag-ina naman ang sugatan sa pedestrian lane incident sa Pangasinan.
01:37Ayon kay ASEC lang kanilaw, dumarami raw kasi yung mga pedestrian na namamatay
01:42na tumatawid sa mga pedestrian lane.
01:45O di naman kaya yung pangaharas sa kanila tulad ng pagbusina o pagpupok ng mga sasakyan
01:49habang sila ay tumatawid.
01:51Yan ang hindi ko maintindihan sa ating mga Pinoy na parang hindi nila nire-respeto yung pedestrian lane.
01:58Parang ang pakiramdam nila, sila yung may kotse, sila yung may authority sa kaaliyan.
02:03Huwag nilang kalimutan, ang may karapatan sa pedestrian lane ay yung pedestrian.
02:08Mahigtit na paalala ng LTO, pagdating po sa mga pedestrian lane,
02:12ang mga pedestrian o yung mga kaong tumatawid po ang prioridad at hindi yung mga motorista.
02:18And that's what we know so far. Ako po si Fona Quino ng GMA News.