00:02Aminado si Lola Bing. May namimiss daw siya sa kanilang maliit na dating fishing resort sa Magalang Pampanga.
00:09Ang kanyang pet na si Lolong na mahigit isang dekada niyang inalagaan.
00:15Cute na cute raw ito na may sukat lang na mahigit dalawang pie o two feet.
00:20Ito ang kulungan ni Lolong. Pinagawa namin ito para nga sa kanya safety siya dito.
00:26So, ayan, malalim siya o dun siya. Marami mga bato-bato dyan. At saka pinapasukan ng tubig.
00:34Pero sa edad daw niyang 82, wala na raw sapat na lakas si Lola Bing para alagaan si Lolong.
00:41Na nasa mahigit tatlong metro na ang haba.
00:44Si Lolong kasi, isang saltwater crocodile o buwayang alat.
00:56Sa laki ni Lolong ngayon, unti-unti na rin daw nabubuhay ang pangamba sa kanilang lugar
01:01dahil sa patuloy na paglaki ng buwayang si Lolong.
01:07Mula doon, yung ano yun, sa dulong yun, hanggang dito.
01:14Dito, sumaha parin.
01:17Kahit nahirap daw sa kalooban ni Lola Bing, handa na raw siyang bumitaw kay Lolong.
01:26Dito lang Hulyo, inilipat ni Lola Bing sa Department of Environment and Natural Resources o DNR Pampanga
01:34ang pangangalaga kay Lolong.
01:38Sa Clark Safari and Adventure Park muna, pansamantalang ilalaga ang buwayang si Lolong
01:44na binigyan pa ng bagong pangalang Galang.
01:49Sa pag-aalaga rito kay Galang, mamamonitor din daw kung may kakayanan pa itong mabuhay sa wild
01:56o ilang sakaling muling pakawalan.
02:01Ang nakatoka kay Galang, ang zookeeper na si Jenrick.
02:05Ang una ko pong napansin is si Galang agad na lumangoy po agad sa pond niya eh
02:12kasi first time niya yung maka-experience ng malaking pond at the same time malalim.
02:18Hindi raw pakakampante si Jenrick sa pag-aalaga kay Galang.
02:22Kailangan pa rin daw na laging may distansya sa pagitan nila.
02:28Ito po yung mga crocodiles dati dito sa Clark Safari.
02:31Kung makikita niya po, hindi sila aggressive.
02:33Kasi hindi po natin na-invade yung personal space nila.
02:37Kapag binigla po natin sila at nilapitan ko po, magugulat po yan sila.
02:41May stress at matatakot.
02:43Doon na po sila magre-react niyan, magiging aggressive.
02:46May mga ligtas na paraan naman daw sa pag-aalaga ng mababangis na hayop tulad ng buhaya.
02:52Halimbawa ay hindi natin sila laging ikukulong lang.
02:58Kapag natiyak na ang tunay na lagay ni Galang,
03:01saka palang madedesisyonan kung ibabalik pa ito sa ilang para malayang mabuhay.
03:08Paalala naman ng DNR, bawal ang pag-aalaga ng mga wild animal gaya ng buhaya.
03:14Unang-una, bailo bawal kasi illegally acquired.
03:17Second, paano kung lumaki ito ng 8 feet, 10 feet na mas malaki na sa akin?
03:23Na kahit sabihin natin sanay sa tao, pwedeng maging aggressive or mga gat or maka-aksidente,
03:29anong gagawin ko?
03:30Siyempre nakaka-miss, nakaka-ano, parang kulang.
03:33Parang ayaw mo nang malisan, no?
03:35Kau lo!