00:00Ultimo dagat sa paligid ng Batanes ay inaangkin na ng China ayon po sa Philippine Coast Guard o PCG
00:07batay sa huling pahayag ng Chinese Embassy.
00:10Sa Kalayaan Island Group naman, maitinaboy na Chinese fishing boat ang PCG.
00:15At nakatutok si Chino Gaston.
00:22Sakay ng isang rubber boat, pinatulugan ng wang-wang at nilabitan ng Philippine Coast Guard sa Kota Island.
00:28Sa Kalayaan Island Group, ang Chinese fishing boat na ito tanghali kahapon.
00:33Lumapit kasi ang mga Chino sa isla sa distansyang tatlong daang yarda.
00:37Pagkatapos ay nagbaba ito ng 24 na sampan o maliliit na bangka na pumalibot sa isla.
00:45Hindi sila umalis kahit inaalis na at ni-radio challenge ng Philippine Coast Guard.
00:56Nang isa-isang lapitan ang mga sampan ay dalidali silang bumalik sa kanilang mothership.
01:07Pagkasampan ang mga sampan ay umalis na ang fishing boat.
01:10Duda ang PCG kung nangingis dalang ang mga Chinese, lalot inaangkin din nila ang Kota Island.
01:17Yes, there will also be a possibility to survey what are the activities that we're doing in Kota Island
01:24to document the personnel who are also staying sa Kota Island.
01:29Hindi naman sila nag-lay ng net, hindi rin naman sila kumuha ng nagbagsak ng mga fishing gears nila.
01:35It was just intentionally designed na paikutan nila ang kabuuan ng Kota Island.
01:42Sa ilalim ng United Nations Convention on the Loss of the Sea o Ungklos,
01:47itinuturing ang Kota Island na isang rock na lumilikha ng sariling 12 nautical miles territorial sea.
01:54Sa loob ng territorial sea, pwedeng dumaan ang mga dayuhang barko,
01:57pero hindi sila pwedeng mangisda, mag-scientific research o magmalagi ng walang paalam.
02:03Kahapon din, pinuntahan ang BRP Teresa Magbanwa ng PCG ang isang Chinese Coast Guard vessel
02:09at tatlong Chinese warship may 35 nautical miles ang layo mula Cabra Island sa Mindoro.
02:15Nakaalis na ang mga Chinese roon, kaya papunta naman ang BRP Teresa Magbanwa sa Batanes,
02:22kung saan namataan ang isang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7.
02:28May 38 nautical miles mula sa isla ng Itbayat.
02:31Sa isang statement, sinabi ng Chinese Embassy na sakop ng jurisdiction ng China
02:36ang lugar kung saan nakita ang Jia Hai Ke 7.
02:40Yan ay kahit pa 38 nautical miles ang layo nito mula sa isla ng Itbayat
02:46at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
02:50Ayon sa PCG, ang pahayag na ito ng Chinese Embassy,
02:54kumpirmasyong inaangkin din ng China ang dagat malapit sa Batanes.
02:59This is the first time that they are actually confirming and claiming
03:05na they have legal jurisdiction daw dito sa Karagatan ng Batanes.
03:13They responded with my post na sinasabi nila,
03:17this is in adherence to unclose this poll within their own sovereign rights.
03:24Itinuturing ng PCG na critical ang Karagatan ng Itbayat
03:28dahil dito dumaraan ang mga undersea cables mula mainland Asia
03:33na bahagi ng communication infrastructure ng Pilipinas.
03:38Chino Gaston Nakatutok 24 Horas.