00:00Namataan ng isang Chinese warship sa pagsasanay ng Pilipinas
00:03at anim na iba pang bansa sa dagat na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:09Pero sa halip na iradyo challenge, tila inimbita pa ang Chinese warship na lumahok sa kanilang exercise.
00:16Nakatutok si Chino Gaston.
00:21Mula himpapawid, kita ang pinagsanib na puwersa ng Pilipinas,
00:25US, India, New Zealand, Singapore, Japan at Australia.
00:30Habang naglalayag sa dagat ng Zambales sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas,
00:35agaw pansin ang dambuhalang destroyer na ginawang helicopter carrier na JSEC ng Japan
00:42at ang kakaibang hugis ng Littoral Combat Ship ng US na USS Canberra.
00:47Pinangunahan ng Guided Missile Frigate na BRP Jose Rizal ang pagsasanay na layong hasain
00:53ang interoperability, sailing tactics, communication, refueling at resupply,
00:58pinagsanib na search and rescue at pagtugon sa mga oil spill at mga maritime incidents.
01:05Nagsagawa rin ang cross-deck landing kung saan salitang nag-landing ang mga helicopter sa deck ng iba't ibang barko.
01:11Ang pagsasanay na kabilang sa mga aktibidad ng ASEAN Defense Minister's Meeting Plus,
01:17ginawa 45 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc na okupado at inaangki ng China.
01:23Labing isang barko mula sa iba't ibang bansa,
01:26kabilang na ang helicopter carrier na ito ng Japan ang nakilahok sa Joint Maritime Cooperative Activity
01:33na pinangunahan ng Pilipinas sa karagatan ng Zambales.
01:36Hindi lamang ito pagsasanay kontra sa mga posibling mangyaring sakuna,
01:41kuni pagpapakita din ng diwa ng pagkakaisa sa pagtaguyod ng kaligtasan at kayusan sa karagatan.
01:49Habang nakalinya at naglalayag ang mga warship ng mga magkakaalyadong bansa,
01:54papalapit ng exercise area, lumitaw ang isang Chinese warship pero hindi na ito lumapit.
02:00Pero imbis na ipukol ang karaniwang radio challenge,
02:04tila inimbita ng exercise task force na sumali sa formation ang mga Chinese.
02:09This is not more of a challenge but rather asking them to continue participating in our exercise
02:16because we know from the start that they are part of the ASEAN and the PLUS countries for this particular
02:22ADMM.
02:23Hindi na sumagot ang mga Chinese na imbitado naman bilang membro ng ADMM Plus
02:28pero piniling hindi magpadala ng mga barko o dumalo sa opening ceremony.
02:33Ang ADMM Plus ang regular na pagpupulong ng labing isang bansa ng ASEAN
02:38at walong ibang partner nations gaya ng US, China, Russia, New Zealand, Australia, India at iba pa.
02:45Chilo Gaston Nakatutok, 24 Horas.
Comments