00:00May wage increase o umento sa minimum wage sa Metro Manila efektibo ngayong araw.
00:0660 pesos pong umento.
00:08At dahil dyan, mula sa 695 pesos, magiging 755 pesos na
00:13ang arawang sahod ng mga non-agricultural workers sa NCR.
00:18718 pesos naman para sa mga nasa sektor agrikultura
00:21at sa maliliit na retail, service at manufacturing establishments.
00:26Alinsunod ito sa wage order number 28.
00:30Iba yan sa wage order number 27 na unang inaprobahang umento sa Metro Manila
00:34pero ipinahinto ng Pasig City Regional Trial Court
00:38matapos magpetisyon ang ilang construction firm.
00:41Sa ipinahinto wage order, 85 pesos ang umento na hinati sa dalawa.
00:4660 pesos sa Hulyo at 25 pesos sa Enero ng 2027.