00:01At sa likod ng bawat headline, may batang dapat alagaan at protektahan.
00:06Ito ang naging sentong panawagan ng bata sa likod ng balita, a forum on child-sensitive reporting
00:12sa pangunguna ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department o PASD
00:19at Philippine Children's Ministries Network o PCMN.
00:23Tinalakay sa naturang pagtitipon ang karapatan ng mga kabataan laban sa nakababahalang pagtaas ng kaso ng online sexual abuse and
00:31exploitation of children o OSEC.
00:34Ayon sa tala, 80% na batang Pilitino ang nanganganib na maging biktima ng online child abuse.
00:40Kaugna ito sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2024 na kung saan tinawag niyang Our Nation's Shame
00:48ang lumalalang kaso nito sa bansa.
00:51Bukod pa rito, imulat din ang nakakaalarmang kaso ng mga school shooting incident kamakailan.
00:57Kaugnay rito, may panawag naman si journalist at child advocate na si Jackie Manabat.
01:02Sa bawat problema, sabi ko nga, hanapan natin ang solusyon.
01:06Kahit isang solusyon lang yan.
01:10And whether you are part kayo ng anumang sektor dito, ito ang panawagan ko sa inyo.
01:17Bago nyo i-post, bago nyo i-sulat, bago nyo gawin ng anuman na para sa inyong mga anak, para
01:25sa inyong mga pamangkin at kung sino man mga bata.
01:28If this were your child, would you permit their identity and grief to become public record?
01:34Gusto nyo ba na nasa homepage na umiiyak yung itsura ng bata, ng anak ninyo?
01:41Gusto nyo ba na mukha siyang kawawa?
01:42Paalala naman ang mga nagsusulong sa karapatan ng mga kabataan na ingatan at pangalagaan ang kanilang mga karapatan.
01:50Azir Roberto, Para sa Bayan!