00:02Nagtanim na lamang ng sitaw ang magsasakang si Dionisio sa kanyang gulayan sa baragay Riverside, Kalinandavao City.
00:08Ito ay bilang paghahanda kung sakaling walang ma-harvest sa kanyang sakahan dahil sa epekto ng El Niño.
00:15Ang bukid din na ito ang kanyang tanging inaasahan bilang kabuhayan.
00:20Kaya umaasa siyang mabigyan ng pansin ng gobyerno ang kanilang sitwasyong ngayong nararamdaman na nila
00:27ang epekto ng matinding init ng panahon sa kanilang pagsasaka.
00:40Umaasa rin ang magsasakang si Pilipe na sana ay matulungan sila hinggil sa irigasyon o daanan ng tubig patungo sa
00:49kanilang palayan.
00:57Iputang ang planta, pagsiminto na, maglisod.
01:02Hayo naman sa Department of Ag Air Region 11 na naglaan na sila ng higit P729M na budget upang matukunan
01:11ang epekto ng El Niño sa agrikultura.
01:14Kung saan, higit P678M ang inilaan para sa mga pagpaparami ng produksyon sa non-vulnerable areas,
01:24higit P9M para sa pagligtas ng produksyon sa mga vulnerable areas,
01:29at higit P40M para sa mga preparatory activities.
01:34Ayon sa DA11, isa sa kanilang mga hakbang ay ang pagpapalakas ng produksyon na mga non-vulnerable o less vulnerable
01:42na mga tanim
01:43na hindi gaanong naaapektuhan ng tagtuyot.
01:47Layonin din ng ahensya na masigurong may sapat na supply ng pagkain sa gitna ng posibleng epekto ng El Niño.
01:54Para sa mga vulnerable areas na tatamaan ng tagtuyot,
01:58pinaplano rin ang pagtatanim ng mga pananim na kakayanin ang matinding init ng panahon.
02:05Ang pinaka-priority po namin na na-focus kayo is yung sa rice po.
02:11Kasi yun yung pinaka-number one na dapat mamaintain natin yung para sa staple food na rice.
02:16So, bulk of the project po is naasa distribution of rice seeds and fertilizers.
02:22Kabilang din sa mga interbensyon ang pagbibigay ng mga binhi, abono, plastic drums, feeds at iba pang farm support.
02:30Naasahan na posibleng magpatuloy ang epekto ng El Niño hanggang sa unang quarter ng 2027.
02:38Jay Tayanes, Para sa Bayan.