00:00Humingi ng temporary restraining order sa Korte Suprema si dating Executive Secretary Vic Rodriguez
00:05laban sa naging desisyon ng impeachment court kahapon sa magiging batayan ng two-thirds vote para makapag-convict.
00:13Ayon kay Rodriguez, walang kapangyarihan ng Senado bilang impeachment court man o legislative body na baguhin ang konstitusyon.
00:20Nakasaad daw sa saligang batas na two-thirds ng lahat ng membro ng Senado ang voting threshold
00:26o katumbas ng 16 kung bibilangin ang lahat ng 24 na Senador.
00:31Pero sa desisyon ng impeachment court kahapon,
00:34pwedeng hindi isama ang mga Senador na wala sa araw ng butuhan dahil nakakulong, nagtatago o may sakit.