00:00Lumutang ang isang liham umano ni Vice President Sara Duterte kay Senate President Sherwin Gatchalian
00:05tungkol sa pagkain ng kanyang defense team.
00:08Nakasaad ang hiling ng OVP na sagutin ng Senado ang gastos sa pagkain ng defense team, staff at testigo
00:15habang gumugulong ang paglilitis.
00:17Dahil sa umano'y security concerns, nakasaad na dapat magmula ang pagkain sa accredited caterer ng OVP.
00:25Natanong dito si defense team's spokesperson, Attorney Michael Poa.
00:29Anya, hindi niya makumpirma ito dahil hindi raw siya bahagi ng OVP.
00:34Pero sa pagkakaalam niya, hindi raw sagot ng Senado ang kanilang pagkain.
00:39Ang OVP raw ang dapat sumagot sa tanong tungkol sa sulat.
00:43Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng OVP.
00:48Well, I can confirm na wala namang pinapayagan yata na ganun as far as I know.
00:54But I cannot dwell on the details kasi that is an OVP letter.
00:59And the defense team has no participation in that letter.
01:03So baka best directed to the office of the vice president kasi hindi naman kami kasama dun sa pagpupulong.
01:13Kinumpirma ni Sen. Panfilo Lacson ang sulat.
01:16Hindi niya raw ito supportado dahil posibleng malabag ang government procurement law.
01:21Anya, may sariling caterer ang Senado na dumaan sa regular bidding.
01:25Tingin din niya ang hiling na gamitin at bayaran ng Senado ang caterer ng OVP
01:30ay masasabing kwestyonable at irregular.
Comments