Skip to playerSkip to main content
Rep. Martin Romualdez, ikukulong na sa New QC Jail; PGH: ‘di niya kailangang ma-confine sa ospital 


Pinakukulong na sa New Quezon City Jail si dating House Speaker Martin Romualdez na kinasuhan ng plunder dahil sa flood control project kickbacks.


Nagpasya ang Sandiganbayan matapos lumabas sa medical examination ng Philippine General Hospital na hindi na kailangan ng arestadong kongresista na manatili sa ospital.


Tiniyak naman ng Bureau of Jail Management and Penology na sapat ang kanilang kakayahan para sa pangangailangang medikal ni Romualdez.



24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi, Ruzon, Visayas at Mentanao.
00:04Pinakukulong na sa New Quezon City Jail si dating House Speaker Martin Robualdez
00:08na kinasungan ang plunder dahil po sa Flood Control Project kickbacks.
00:13Nagpa siya ang Sandigan Bayan matapos bumabas sa medical examination ng Philippine General Hospital
00:18na hini na kailangan ng arestadong kongresista na manatili pa sa ospital.
00:23Tiniyak naman ang Bureau of Jail Management and Phenology na sapat ang kanilang kakayahan
00:28para sa pangangailangang medikal ni Robualdez.
00:31Nakatutok si Maki Pulido.
00:36Hiniling ni dating Speaker Martin Robualdez sa korte na payagang patuloy na manatili sa ospital
00:42dahil sa kanyang medical condition.
00:43Pero sa findings ng Philippine General Hospital na nagsagawa ng independent medical examination sa kanya,
00:49hindi raw ito kailangan.
00:51Ang resulta nga raw ng mga test ni Robualdez ay resulta ng isang normal na pasyente.
00:55At ang health condition ng arestadong kongresista ay kaya ng alagaan sa labas ng ospital.
01:01Bawat isa sa mga problemang ito, mga eksperto natin sinabi nila,
01:05totoong may problema na tuloy-tuloy pero hindi siya mga kailangan gamutin sa ospital.
01:11Pero hindi na inaalis na merong mga medical na kondisyon na kailangan gamutin pa rin.
01:16Kaya matapos ang hearing, inutos na agad ng Sandigan Bayang 3rd Division na ilipat na si Romualdez
01:22sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.
01:26Tiniyak naman ang BJMP Male Dormitory na sapat ang kanilang kakayahan,
01:30pati agarang paglipat ng pasyente sa pinakamalapit na ospital kung may emergency.
01:35Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder,
01:37kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback mula sa mga flood control projects.
01:41Ayon kay UPPGH Medical Director Gerardo Legazpi, base sa kanilang findings,
01:47walang agarang risk sa heart attack si Romualdez.
01:50Wala rin daw agarang risk ng stroke.
01:53Kontrolado na raw ang kanyang blood pressure, pati ang diabetes at hypothyroidism.
01:57May major depression at anxiety man ang dating speaker,
02:01wala raw indikasyong sasaktan ang sarili.
02:03Maari po mangyari yun kasi nga nakapahinga siya ng limang araw.
02:08Kung babasihan namin sa kwento ng mga events,
02:11sa Cardinal, pumasok siya na mahinang mahina
02:17dahil hindi nakakatulog, hindi nakakain
02:20at malaking bagay yun para sa isang kagaya niyang may heart condition.
02:25Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na ginagalang niya ang desisyon ng korte.
02:29Giit ng dating speaker, inosente siya
02:31at haharapin niya ang kaso at sasagutin ang mga paratang.
02:35Sa lumabas naman na impormasyon na habang nasa PGH
02:37ay nananatili ito sa presidential suite,
02:40sinabi ni Dr. Ligaspi na wala silang gano'ng kwarto sa PGH.
02:45Lahat din daw ng mga medical exam na ginuha kay Romualdez,
02:48sagot niya.
02:49Ang pinakadulo ng hospital ang pinakasecure,
02:53ang dulo ng isang koridor.
02:54Pangalawa, hindi siya mag-i-storebo ng mga pasyente.
02:57So definitely hindi siya pwede sa ward
02:59dahil magugulo ang ward.
03:02Pangatlo, dapat ma-accommodate yung mga security personnel.
03:06Nakipulido na katutok, 24 oras.
Comments

Recommended