00:00Pahirapan ang commute kanina dahil sa tigil pasadang ikinasan ang iba't ibang grupo.
00:05Panawagan nila 2 pisong dagdag pasahe, lalot may taas presyo na naman sa petrolyo bukas.
00:13Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:17May dagdag presyo na naman sa petrolyo bukas, kaya pila na naman ang naghabol magpagas.
00:23Hanggang 5 pesos at 68 centavos agad sa litro ng gasolina, at hanggang 4 pesos and 31 centavos naman sa
00:31diesel.
00:35Kaya nag-strike na naman ang manibela, grupo ng mga driver at operator ng mga jeepney, TNVS, pati grupo ng
00:42mga motorcycle taxi.
00:44Paaray kami sa tagdag na presyo ulit ng diesel at gasolina.
00:49Kulang-kulang na po ang kinikita namin.
00:52Kulang na raw ang 12 pesos per liter na fuel subsidy sa mga qualified jeepney at UV express driver.
00:58Kaya hirit nila, payagan na ang 2 pisong dagdag pasahe.
01:03Yung mga ahensya ng gobyerno, daan-daang bilyon ang hinihingi.
01:07Kami po, 2 piso lang. Pantawid lang po sa pang-araw-araw.
01:10Pero nataon ang protesta nitong umaga sa Monday rush hour, kaya maraming nahirapang sumakay.
01:16Palilate na po talaga ako sa school.
01:18Si Francis nga, isang oras nang nag-aabang.
01:21Bawas sa sweldo, kaltas, slate, ganun.
01:23Ano tayo makagawa?
01:24Habang si Arya, kabado nang hindi aabot sa job interview.
01:28Sana po, iniisip po nila yung mga nagbabiyahe po kasi grabe po kasi yung abalab din po.
01:34Bukod sa mga pampublikong sasakyan, nahihirapan na rin maging mga pribadong motorista.
01:39Halos araw-araw ang biyayin namin. Ramdam talaga.
01:43Medyo mura po dito sana sa Commonwealth. Kaya yun, tatsagayin namin yung pila dito.
01:47Inaasang makaka-apekto pa sa presyo ang patuloy namang pagsadsad ng piso kontra dolyar na halos umabot na sa 63
01:54pesos kada dolyar.
01:56Ngayong araw, nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa 62 pesos and 86 centavos.
02:02Apektado rin ang mga negosyong nagaangkat na imported na produkto tulad ng grocery ring ito.
02:07Tumaas po yung bigay sa amin ng produkto. Kaya kailangan din po namin magtaas ng presyo.
02:13Katulad ng tinapay, noodles, dilata. Dahil po yun sa pagtaas ng dollar.
02:19Bernada Trejas, Nakatutok 24 Oran.
Comments