00:04Mga kapuso, nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Queenie.
00:10Namataan po yan na pag-asa mahigit sang libong kilometro silangan ng Northern Luzon.
00:14Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour.
00:18Base sa pinakahuling forecast, mananatili sa hilagang bahagi ng Philippine Sea ang nasabing bagyo
00:24bago ito lumiko pahilaga sa darating na weekend.
00:27Hindi ito magla-landfall sa bansa at hindi inaasahang hahatakin ang hanging habagat.
00:33Pero nagpapaulan na ang trough o extension ng Bagyong Queenie sa may Bicol Region,
00:39Eastern Visayas, Dinagat Island, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
00:44Makakaasa muli sa maayos at maaraw na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa
00:49pero posible pa rin po ang mga local thunderstorm.
00:53Nakataas ang thunderstorm advisory hanggang 12.23 ngayong tanghali sa malaking bahagi ng Metro Manila
00:59pati sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Tarlac at Zambales.
01:05Pinaalerto ang mga residente mula sa banta ng Baja o Landslide.
01:09Aabot naman mamayang 12.20 ang kaparehas na Babala sa ilang panig ng Cebu at Bohol.
01:16Hanggang alas 10 ng gabi naman nasa ilalim ng thunderstorm watch ang Metro Manila,
01:21Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Bicol Region, Northern Mindanao at Davao Region.
01:28Posible ang biglaang ulan na may pagkulog pagkidlat sa mga susunod na oras.