Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling binakbakan ni Vice President Sara Duterte ang Administrasyong Marcos nang humarap sa kanyang mga taga-suporta.
00:06Hinimok din niya ang publiko na huwag kalimutan ang issue sa flood control projects.
00:11May ulit on the spot, Juan Atino.
00:14Juan?
00:17Connie, matapos ang kanyang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court,
00:21ay hinarap ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mga taga-suporta
00:25na matyagang naging tay sa kanya dito sa labas ng Quezon City Hall.
00:32Paglabas ng Regional Trial Court, agad na nagtungo si Vice President Sara Duterte
00:37kasama ang kanyang kapatid na si Davao City First District Rep. Paulo Pulong Duterte
00:42sa harap ng Quezon City Hall kung saan nagtipon ang kanyang mga taga-suporta.
00:46Ayon sa QCPD Station 10, may permit ang kanilang pagtitipon mula alas 5 hanggang alas 10 ng umaga.
00:52Sabi na ka ng organizer ng pagtitipon, may mga kasama silang mula Metro Manila, Bulacan, Cavite at Batangas.
00:58Sa kanyang talumpati, ipinanawagan ng Vice ang pagre-resign ni Pangulong Bongbong Marcos na Anya ay corrupt.
01:05Tinawag din niyang abusado ang Pangulo.
01:07Wala umanong drama sa paghahain ng kaso laban sa kanya at mga kaalyado ng mga Duterte.
01:12Pero meron Anyang drama sa pag-aresto at pagkulong kay dating Speaker Martin Romualdez.
01:18Wala Anyang ginawa ang administrasyong Marcos kundi habulin ang mga nagsasabi ng totoo.
01:22Ang totoong drama Anya ay ang mag-file ng impeachment na walang ebidensya na gagamitin Anya ang Kongreso
01:28para maghanap ng ebidensya at babastusin ang konstitusyon para lang matanggal ang mga Duterte sa gobyerno.
01:35Hinimok niya ang publiko na huwag kalimutan ang isyo ng korupsyon sa flood control scandal na pilit Anyang tinatago
01:41at ang isyo ng mali-malitang pera na kinuha ng mga politiko na hanggang ngayon Anya ay wala pa rin
01:47napapanagot.
01:48Narito ang pahayag ng vicepresidente.
01:52Ang laban natin wala sa social media.
01:59Dahil ang kalaban natin ay nasa loob ng mga gusali ng gobyerno
02:09na araw-araw nililimas ang pera ng bayan.
02:15Dahil hindi tayo tulad ng mga politiko na may mga bahay sa iba't ibang lugar sa mundo
02:28na kung lumubog ang bayan ay napakadali para sa kanila na umalis at iwanan tayong lahat dito.
02:41Patuloy tayong makipaglaban sa mga abusado, sa mga adik at sa mga korap.
02:53Connie, sinusubukan pa natin kunin ang pahayag ng malakanyang kaugnay
02:57sa mga sinabi ni Vice President Sara Duterte.
02:59Samatala, matapos yung kanyang talumpati, ay agad ding umalis ang vicepresidente
03:04at yung kanyang mga taga-suporta naman ay mapayapang nag-disperse mula rito sa labas ng Quezon City Hall.
03:09Connie?
03:10Maraming salamat, Von Aquino.
03:11Maraming salamat, Von Aquino.
Comments

Recommended