00:00Ito na ang mabibilis na balita.
00:04Pasintabi sa mga kumakain.
00:06Naaagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa silong ng isang bahay sa barangay Tonsuya sa Malabon.
00:12Natagpuan siya matapos i-report ng mga residente ang masangsang namoy na nanggagaling sa bahay.
00:17Ayon sa kaanak, tatlong araw na nilang hinahanap ang lalaki na inakalang nangangalakal at nakitulog sa kapitbahay.
00:24Walang nakita anumang sugat sa labi ng lalaki.
00:27Isasailalim siya sa autopsy para malaman ng sanhi ng pagkamatay.
00:31Patuloy ang emistigasyon ng pulisya.
00:35Bumangga ang SUV na minamaneho ng aktor na si Ninyo Mulak sa barangay Mayamot Marcos Highway sa Antipolo Rizal.
00:42Damay sa aksidente ang tatlong establisimento at isang nakaparadang motorsiklo.
00:47Sugata naman ang isang customer ng isang kainan.
00:50Sa pahayag ni Mulak, inamin niyang nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa sobrang pagod sa trabaho.
00:57Inako ni Mulak ang responsibilidad sa mga pinsala at pagpapagamot sa nasugatan sa aksidente.
01:03Pumingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhan.
01:05Nakikipag-cooperate daw siya sa mga otoridad.
01:10Outro