Skip to playerSkip to main content
- Passenger vessel sakay ang 134 pasahero at crew, nasusunog sa gitna ng dagat
- Babaeng angkas ng motorsiklo, patay matapos mabangga ng kotseng minamaneho ng mister
- Kuwartong may rehas, inihanda ng PNP para kay Romualdez sakaling ilipat sa PNP
General Hospital
- China, pumalag sa pagtuligsa ni Sec. Teodoro sa umanoý note ng China kaugnay ng 2016 Arbitral Award
- 10 y.o, nasagasaan ng SUV habang nagbibisikleta; 8-anyos na angkas, sugatan
- Siklista at 3 sakay ng van na binusinahan siya, nagrambulan
- Nursing student, patay sa sakal ng pinsang 'di niya pinautang
- Petisyon ni Atty. Carpio kaugnay ng pagpapa-subpoena sa bank records nila ni VPSD, ibinasura
- Sumabog na tubo na nagdulot ng hanggang dibdib na baha, pinaiimbestigahan ng Mayor
- Nagoya na host ng asian games, binaha bunsod ng record-breaking na 104 mm ng ulan sa loob ng isang oras
- Alden Richards, guest sa pilot episode ng "Gandang Gabi Vice"
- Lalaking magpuputol ng puno, kinuyog ng bubuyog
- Tips to impress the boss ni Baus Rufo

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Come on in!
00:05Come on in!
00:19Bago ngayong gabi, nasunog ang isang passenger vessel sa dagat na sakop ng Koron, Palawan.
00:25Naglalayag pa Koron ng MV June Aster mula sa El Nido ng Lamuni ng Apoy bandang alas 7 ng gabi.
00:32Tulad nito ang mahigit isang daang pasahero at labing pitong crew.
00:36Ayon sa Coast Guard, 28 individual na ang nailigtas.
00:41Nagpapatuloy ang search, rescue and emergency response ng Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Lokal na Pamahalaan ng Koron.
00:49Tumutulong na rin sa pagsaklolo ang mga barkong nakadaong sa Port of Koron.
00:53Inaalam pa ang pinagmula ng apoy.
01:00Iniimbisigahan ngayon ang pagkamatay ng isang babae sa Cagayan de Oro City matapos mabangga ang kanyang motorsiklo ng kotseng minamaneho
01:08ng kanyang mister.
01:09May report si James Paulo Yap ng GMA Regional TV.
01:15Tinumbok ng kotse niyan ang isang tindahan ng prutas sa Cagayan de Oro City.
01:21Binangga rin nito ang pulang kotse na nakaparada sa gilid.
01:25Isang motorsiklo ang pumailalim rito.
01:29Nasaway ang babaeng angkas ng motorsiklo.
01:32Critical naman ang rider.
01:34Sa investigasyon ng pulisya,
01:36binangga ng kotse ang motor at mister ng nasawing babae ang driver ng kotse.
01:58Inaresto ang driver na kinasuhan ng pariside at serious physical injury.
02:03Wala pa siyang pahayag.
02:04Ang baan na po is daily operative as to inquiries sa itong mga investigators.
02:12Mula sa GMA Regional TV, James Paulo Yap, GMA News.
02:17Bukas tidinggi ng Sandigan Bayang 3rd Division ang hiling ng kampo ni dating Speaker Martin Romualdez
02:23na manatiling naka-hospital arrest.
02:26Tutol dyan ng ombudsman habang ang PNP ipinasilip ang magiging kwarto ni Romualdez
02:31sakaling ilipat siya sa PNP General Hospital.
02:35May report si Ian Cruz.
02:38May aircon.
02:40Sariling CR.
02:43At isang hospital bed.
02:45Pero ang pintuan, rehas.
02:47Yan ang magiging kwarto ni dating Speaker Martin Romualdez
02:51kung pagbibigyan ng Sandigan Bayan ang hiling ng PNP
02:54na ilipat siya sa PNP General Hospital.
02:57Kasalukoy ang nakakonfine si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center
03:02dahil sa mga iniindauman na nitong kondisyon sa kalusugan.
03:06Nauna nang nagmosyon sa Sandigan Bayan ang mga abugado ni Romualdez
03:11na manatili siya sa ospital.
03:13Kognarian, naglabas ang Sabtina ang 3rd Division ng Korte
03:18para sa apat na attending physicians ni Romualdez para sa pagdinig sa petisyon bukas.
03:23Yan ay para matanong sila under oath at matukoy ng graft court
03:28kung saan ikukulong ang dating House Speaker.
03:32Sila rin ang mga doktor na ayon sa report ng Sandigan Bayan Sheriff
03:35ay nagsabing delikadong ibiyahe ang kongresista
03:39dahil sa pananakit ng dibdib, coronary artery disease at psychological anxiety.
03:46Imbitado rin sa pagdinig bukas ang warden at doktor ng BJMP Men's Dormitory
03:51para matanong tungkol sa kanilang kakayahang magbantay ng kalusugan
03:55ng isang person deprived of liberty o PDL tulad ni Romualdez.
04:01Ang hiling na ihospital arrest si Romualdez tinutulan ng ombudsman.
04:07Hihingin daw nilang masuri ang kongresista ng isang team ng government doktor
04:11para matiya kung kailangan ba talagang nakakonfine siya sa ospital.
04:15Kung hindi, ililipat siya agad sa regular na kulungan.
04:19Sa inilabas ang PNP na medical bulletin kanina umaga,
04:23ginagamot si Romualdez para sa mga dati na niyang kondisyon
04:26gaya ng problema sa puso at alta presyon.
04:29Tapos na raw ang dating speaker sa mga kinakailangan diagnostic procedure
04:33at patuloy na umiinom ng mga iniresetang gamot.
04:37Nakapag-medical conference at assessment na raw ang mga doktor
04:41ng PNP General Hospital at attending physicians ni Romualdez.
04:45Tumanggi namang magbigay ng anumang update ang mga abogado ni Romualdez
04:49para hindi mapangunahan ang pagdinig ng Sandigan Bayan 3rd Division bukas.
04:55Sabi naman ang Malacanang, hindi pakikialaman ng administrasyon
05:00ang isyo ng hospital arrest ni Romualdez.
05:03Sa ngayon, walang pinag-uusapan tungkol sa hospital arrest.
05:06Depende na po kasi yan kung ano po ang magiging findings ng doktor.
05:12Hindi yan panghihimasukan ng administrasyon
05:15at hindi po natin masasaklawan kung anong pakiramdam,
05:18health condition ng sino mang akusado.
05:20Nang tanongin naman, kung nilaglag ng Pangulo ang pinsan niyang si Romualdez.
05:25Kung may mga kritikon na nagsasabing nilaglag,
05:28hindi namin nais gamitin ang word na nilaglag.
05:31Dahil ito naman po, according to the Office of the Ombudsman,
05:35meron silang nakitang ebedensya.
05:36So walang dapat nilalaglag dito.
05:39Kung ano lang yung ebedensya na nindidyaan,
05:42doon lang tayo buwase.
05:45Ian Cruz, GMA News.
05:48Kinalaga ng China ang pagdulugsa ni Defense Secretary Guibo Chiodoro
05:52sa handwritten note ng China,
05:54kaugnay sa posisyon nila sa 2016 Arbitral Award.
05:58Ayon sa Chinese Foreign Ministry,
05:59dapat itigil ang pagsira
06:01sa bilateral relations ng Pilipinas at China
06:04at sa stability sa South China Sea.
06:07Sinabi yan kasunod ng pagtawag ni Chiodoro na disrespectful
06:10ang pag-abot sa kanya ng papel
06:13habang nagsasalita sa isang forum sa South Korea.
06:16Sa handwritten note,
06:17nakasaad ang dati pang posisyon ng China
06:19na hindi kumikilala sa 2016 Arbitral Award.
06:23Di pa rin malinaw kung chino ba
06:25ang nag-abot ng papel kay Chiodoro.
06:27Pero sabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson,
06:30Mao Ning,
06:31dapat itigil ng ilang indibidwal sa Pilipinas
06:33ang pagpapakitang gilas
06:35at paglika umano ng gulo.
06:38Sinusubukan pa namin makuha
06:39ang tugon dyan ni Chiodoro.
06:43Nasagasaan at nagulungan ang sasakyan
06:45ng dalawang bata sa Barili Cebu
06:47ang nakaaksidenteng sasakyan
06:49pagmamayari ng lokal na pamahalaan.
06:51Ba-report si Aileen Pedreso
06:53ng GMA Regional TV.
06:58Magkatabing humandusay sa kalsada
07:00ang dalawang batang iyan sa Barili Cebu
07:02matapos masagasaan
07:03at magulungan ang humaharurot ng SUV.
07:08Magkaangkas noon sa bisikleta
07:10ang dalawa, ang nakabanggang SUV,
07:12pag-aari ng lokal na pamahalaan
07:14at minamaneho ng tauhan ng LGU.
07:16Nasawi ang sampung taong gulang
07:18na si Andrew.
07:31Nagpapagaling sa ospital ang
07:32walang taong gulang niyang angkasa.
07:34Dasidido ang pamilya ng mga biktima
07:36na ihabla ang driver.
07:38Sa aklan,
07:39tulong-tulong ang mga rescuer
07:41para matanggal sa pagkakaipit
07:42ang driver ng delivery van na ito.
07:44Sumalpok ang delivery van
07:46sa nakaparadang truck
07:47halos dalawang oras bago
07:49siya naialis sa driver seat.
07:51Ligtas na siya
07:51at nagpapagaling sa ospital.
07:53Ayon sa pulisya,
07:54kulang umano sa tulog ang driver
07:56kaya posibleng hindi napansin ang truck.
07:59Aileen Pedreso
08:00na GMA Regional TV
08:01nagbabalita
08:02para sa GMA News.
08:05Mala action film
08:07ang rambulan ng isang siklista
08:09at mga nakaalitan niya
08:10sa Marcos Highway
08:11sa Antipolo Rizal.
08:20Pinaula na ng suntok
08:21at sipa ng siklista
08:23ang tatlong sakay ng utility van
08:24ng isang internet service provider.
08:27Pero di siya inatrasa
08:29ng mga nakaaway niya
08:30at kinampas pa siya sa ulo.
08:31Kwento na kumuha ng video,
08:34binusinahan noon
08:35ang utility van
08:35ng siklista
08:36dahil lumalagpas
08:38umano ito
08:38sa bike lane.
08:40Nagkausap
08:41ang siklista
08:41at van driver
08:42pero nauwi ito
08:43sa rambol
08:44nang bumaba
08:45ang iba pang sakay
08:46ng utility van.
08:47Nagtamo ng pasa
08:48at bukol
08:49ang pinagtulungang siklista.
08:51Pagamat nagkaayos
08:52sa magkabilang panig,
08:54pinapatawag pa rin
08:55ng LTO
08:56ang driver
08:56at may ari ng van.
08:58Sinuspindi rin
08:59ang driver's license
09:00ng van driver.
09:06Namatay sa kamay
09:07ng sarili niyang pinsa
09:08ng isang nursing student
09:09sa Nueva Ecija.
09:10Ayon sa polisya,
09:12linggo ng madaling araw
09:13nang magpunta ang sospek
09:14sa bahay ng biktima
09:15para manghiram
09:16ng limang libong piso.
09:18Pero nang di siya
09:19pautangin,
09:20sinakal niya
09:21ang pinsan.
09:22Aminado ang sospek
09:23na nagalit siya
09:24at lasing daw
09:25nang mangyayari
09:26ang insidente.
09:27Hawak na siya
09:28ng polisya
09:29at sinampahan
09:29ng reklamong murder.
09:33Nang dahil naman
09:34sa maingay niyang
09:35motorsiklo,
09:36pinagbubogbog
09:37at sinaksak
09:38ang isang binatilyo
09:39sa Kapas, Tarlac.
09:41Minor de edad
09:41ang tatlo
09:42sa mga sospek.
09:43Hindi sinampahan
09:44ng reklamo
09:45ang pinakabata
09:45sa kanila
09:46na 14 anyos pa lamang.
09:48Nasa kusudiyan
09:49ng DSWD
09:50ang dalawang 17 anyos
09:51habang sasampahan
09:53ng reklamo
09:53ang pinakamatanda
09:54sa mga sospek
09:55na edad 18.
09:59Ibinasuran ng
10:00Quezon City Prosecutor's Office
10:01ang reklamo
10:02ng Atty. Man Scarpio
10:03kaugnay ng
10:04pagpapasabpina
10:05sa bank records
10:06nilang mag-asawa
10:07na si Vice President
10:08Sara Duterte.
10:09Sa resolusyon
10:11ng Piskalya,
10:12sinabi na lang
10:13hindi nila saklaw
10:14ang reklamo
10:15ni Carpio.
10:16Sakopan nila
10:17ng ombudsman
10:18at sandigan bayan
10:18ng mga opisyal
10:19na nasa salary grade 27
10:21lalo kung may kinalaman
10:23sa trabaho nila
10:23ang inerereklamo.
10:25Bahagi din daw
10:26ng trabaho
10:27ng mga kongresista
10:28at mga opisyal
10:29ang pagpapasupina
10:30ng bank records
10:31ni Duterte.
10:32At lahat ng respondents
10:34nasa salary grade 28
10:36pataas.
10:37Ayon sa kampo
10:38ni Carpio,
10:39jurisdiction
10:40ang dahilan
10:40ng dismissal
10:41at hindi ang merito
10:42ng reklamo.
10:44Kaya,
10:44mag-aayon daw sila
10:45ng motion
10:45for reconsideration
10:47o kaya'y dudulog na
10:48sa ombudsman.
10:53Pinaimbisigahan ng lokal
10:54na pamahalaan
10:55ng Bacoor City,
10:56Cavite ang pagsabog
10:57ng isang tubo
10:58ng Maynilad
10:59na nagdulot ng hanggang
11:00dibdib na baha
11:01sa isang subdivision
11:02doon.
11:03Ayon kay Mayor Strike Reville,
11:05maaring bawian
11:06ng permit
11:06at pagbayarin
11:07ng danyos
11:08ang Maynilad
11:09sakaling mapatunayang
11:11nagpabaya.
11:12Sa ngayon,
11:13nalinis na ang pinsalan
11:14ng pagsabog
11:14ng tubo,
11:15kabilang ang pinaguhon
11:17nitong backhood
11:17at iniwan itong kalat
11:19at putik
11:20sa mga bahay.
11:21Inaayos na rin
11:22ang mga baradong dalyuya
11:23ng tubig.
11:24Pinagana na rin
11:25ng pagkain
11:26at mayinom na tubig
11:27ang mga apektadong pamilya.
11:36Nagpabaha
11:37ang record-breaking
11:38na ulan
11:38sa Nagoya, Japan
11:39na host pa man din
11:41ng Asian Games
11:42sa susunod na linggo.
11:44104 mm
11:45ng ulan
11:46ang bumuo sa loob
11:46lamang ng isang oras
11:48kaya nalubog
11:49ang maraming kalsada.
11:51Binahari
11:51ng ilang subway
11:52kaya nagsuspindi
11:53ng biyahe
11:54ang ilang linya
11:54ng tren.
11:55Stranded tuloy
11:56ang mga commuter.
11:58Dangdang akletang
11:59lalahok
11:59sa Asian Games
12:00ang napilitang lumikas
12:02mula sa kanilang
12:03mga accommodation.
12:10Kapuso Drama King
12:12Dennis Trillo
12:13ibinida
12:13ang Fit Physique
12:15caption pa ni Dennis
12:17not bad
12:18para sa 53 years old.
12:20Ang netizens tuloy
12:22hindi lang
12:23left in awe
12:23left wondering din
12:25sa totoong edad
12:26ni Dennis.
12:2745 years old lang
12:29ang aktor
12:29na kilala
12:30sa kanyang mga biro online.
12:35Asia's multimedia star
12:36Alden Richards
12:37buenaman
12:38ang guest
12:39sa pilot episode
12:40ng Gandang Gabi Vice.
12:42Isa si Alden
12:43sa mga nasa wishlist
12:44ni Meme
12:45na gusto niyang
12:46maging guest.
12:472017
12:48ang aminin ni Vice
12:49na na-starstruck
12:50at nag-fangirl siya
12:52kay Alden
12:53sa isang event.
12:54Sa Sunday
12:55mapapanood
12:56ang new season
12:57ng GGV.
13:01Cast ng On or Die Mother
13:03na sinakapuso drama
13:04Princess Barbie Forteza
13:05at megastar Sharon Coneta
13:08na pahanga
13:09sa pilot episode
13:11ng serye.
13:11I'm very proud
13:13of this project
13:14and I'm proud
13:15of my co-stars.
13:17Si Barbie
13:17utang daw
13:18sa buong creative team
13:20ang kinilabasan
13:21ng mga eksena.
13:21Very critical sila
13:25when it comes to our eyes
13:26expressing our feelings
13:27through our eyes
13:28sobrang ano nila dun
13:30na
13:30there are some scenes
13:32that
13:32didn't need
13:34dialogues
13:35pero
13:35importante sa kanila
13:36na maintindihan
13:38mula sa mata namin.
13:42Newlyweds na si
13:43Nabea Alonzo
13:44at Vincent Co
13:45enjoy
13:46sa kanilang honeymoon
13:48sa Italy.
13:50Aubrey Carampel
13:51GMA News
13:52Pilit natin na kasan
13:54ng isang lalaki
13:54sa San Fernando Camarinas Sur
13:56ang mga uma-atake
13:58sa kanyang bubuyog.
14:03Napaupo
14:03sa banketa
14:04ang lalaki.
14:05Sinaklulohan siya
14:06ng isang naka-duty
14:07na public safety officer
14:08na pinaghampas siya
14:10ng karton.
14:11Ayon sa uploader
14:12ng video,
14:13may puputuling puno
14:15ang lalaki
14:16nang naglabasan
14:17ang mga bubuyog.
14:18Agading na isugod
14:19sa pagamutan
14:20ng lalaki
14:21at nagpapagaling na.
14:25Narito naman
14:26ang tip-talk
14:26sakaling atakihin
14:27ng bubuyog.
14:29Ayon sa
14:29U.S. Department of Agriculture,
14:31protektahan
14:32ang mga mata,
14:33ilong at tenga
14:34na kalimitang
14:35puntiriyan
14:35ng mga bubuyog.
14:37Tumakbos
14:37sa madilim na lugar.
14:39Huwag lumoblob
14:40sa tubig
14:40para magtago.
14:41Huwag hampasin
14:42ng mga bubuyog
14:43o bugawin
14:44gamit
14:44ng inyong mga braso.
14:45Naitaraw
14:47kasi ang mga bubuyog
14:48sa paggalaw
14:48at ang mga napipisang
14:50bubuyog
14:50ay naglalabas
14:51ng amoy
14:51na makakaakit
14:53ng iba pang mga bubuyog.
14:55Kapag nakagat,
14:56agad tanggalin
14:57ang mga stinger
14:57ng pangkayod
14:58at huwag bunutin
15:01para di lumabas
15:02ang veno.
15:08Bow down
15:09to the boss,
15:10Rufo.
15:10Dahil sa gitna
15:11ng nakakapressure
15:12na evaluation,
15:14ipinamalas pa rin niya
15:15ang kanyang pagiging
15:16witi
15:16sa kasabihan.
15:18Pusuan ng kanyang lessons
15:19to impress the boss
15:20sa report na ito.
15:24Ang ganda niyo pala
15:25in person.
15:26Parang ako,
15:27Chinitas Unite.
15:29When you meet the boss
15:31sa job interview,
15:32dapat
15:33wa etos.
15:35Behind si Boss Rufo
15:36kung paano
15:37magpa-impress
15:38nang makaharap
15:39si GMA Senior Vice President
15:41Attorney Annette Gozon Valdez.
15:43In three words,
15:45how would you describe
15:46your experience?
15:47In three words,
15:49my experience
15:50has been
15:51amazing,
15:52it has been
15:55great,
15:56and it has been
15:58vigatin.
16:00AGV
16:01Parang Annette Gozon Valdez.
16:05Tip number one,
16:07mag-research
16:08tungkol sa kumpanya.
16:09Loyal kapuso ka ba talaga?
16:11Yes,
16:12ako po ay isang loyal kapuso.
16:14I also know na
16:15I think
16:16your tagline
16:17was where you belong.
16:18And then,
16:18tinalitan niyo po ito
16:19noong October 2002
16:21ng kapuso
16:22ng pamilyang
16:23Pilipino.
16:24Tip number two,
16:25i-review
16:26ang job description.
16:28Ipakitang
16:29sa anumang aberya
16:30lagi kang handa.
16:32Lapitin ka ba
16:33ng mga aberya?
16:34Um,
16:35magpapakatotoo na po ako, no?
16:37Opo,
16:37lapitin po ako
16:38ng aberya.
16:39Pero,
16:40hindi po natin yan
16:41inaatrasan
16:42dahil wala po tayong
16:43kinikilingan.
16:44Servisyong totoo lamang.
16:46Ipakita ang willingness.
16:48Kahit pa,
16:49may ipis.
16:50Pwede na po ako
16:51magpadapo
16:52sa isang buong pamilya
16:53ng ipis.
16:54Willing na rin po
16:55akong lumusong
16:56sa baha.
16:57At tip number three,
16:58ibenta ang sarili.
17:00On a scale of 1 to 10,
17:0210 being the highest,
17:03how would you rate
17:04your performance?
17:0511.3 out of 10
17:07in honor of your birthday
17:09November 3.
17:10What can you offer
17:11for the company?
17:12Ako na lang po
17:13yung taga-punas
17:14ng pawis ni Sir Atto.
17:15Masaya na po ako doon.
17:17At ilabas
17:18ang creative side.
17:19Kung walang
17:20bawsagan ng trip,
17:21kung gusto nyo po.
17:22Pero,
17:22ang laging tandaan,
17:24kahit gaano kahirap
17:25ang buhay,
17:26life goes on.
17:27Annette goes on.
17:33At yan ang mga balitang
17:34dapat nyong malaman.
17:35Ito ang GMA News.
17:36Walang kinikilingan,
17:37walang pinoprotektahan.
17:39Noon at ngayon,
17:40serbisyong totoo.
17:41Ako po si Atto Maralio
17:42at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended