- 7 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, April 25, 2026:
Truck, nang-araro ng mga sasakyan at bumangga sa tindahan; 2 patay
Walang garantiyang nasa Czech custody pa si Zaldy Co—DOJ Sec. Vida
Bahagi ng dating Commonwealth Market, nasunog
Mga tangke ng LPG, bistadong pinapalitan ang pangalan at kulay, 5 arestado
Price rollback sa diesel at price hike sa gasoline, posible sa Martes
Iba't ibang paraan ng pagpapapresko ng mga Pinoy ngayong tag-init
Bangka at motorbanca, tumaob sa magkahiwalay na probinsiya
Driver na lasing umano, tinakasan ang sumitang enforcer
Ex-Speaker Romualdez subject ng CA freeze order—Omb. Remulla
Bea Alonzo, no comment sa tanong tungkol sa kasal nila ni Vincent Co
2 jogger patay sa pamamaril, 2 pa sugatan matapos madamay
SK chairman, inirereklamo ng kasintahan ng pambubugbog
Egg supply sumobra; mga labis na at sibuyas nasa tabing-kalsada lang
"Floating" feeling pagkagaling sa langoy, dahil sa nabagong sense of balance ng katawan
NBI, may mga nakalap na patunay sa umano'y pagbabanta ni VPSD kay PBBM
Mga umano'y treasure hunter, na-trap sa tunnel, 2 patay, 3 nawawala
Mahigit 1,000 taxi drivers, nakatanggap ng P5,000 fuel subsidy
Zipline rollercoaster, wave pool atbp aktibidad, dinarayo sa Ilocos Sur
Caprice Cayetano at Heath Jornales, bibida sa isang romantic drama series
Ina Raymundo at Wendell Ramos, ageless looks pa rin
Pinoy athletes, nakasungkit ng medals sa Asian Beach Games
Paupahang bahay, pinasok at “binaboy” ng mga baboy
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Truck, nang-araro ng mga sasakyan at bumangga sa tindahan; 2 patay
Walang garantiyang nasa Czech custody pa si Zaldy Co—DOJ Sec. Vida
Bahagi ng dating Commonwealth Market, nasunog
Mga tangke ng LPG, bistadong pinapalitan ang pangalan at kulay, 5 arestado
Price rollback sa diesel at price hike sa gasoline, posible sa Martes
Iba't ibang paraan ng pagpapapresko ng mga Pinoy ngayong tag-init
Bangka at motorbanca, tumaob sa magkahiwalay na probinsiya
Driver na lasing umano, tinakasan ang sumitang enforcer
Ex-Speaker Romualdez subject ng CA freeze order—Omb. Remulla
Bea Alonzo, no comment sa tanong tungkol sa kasal nila ni Vincent Co
2 jogger patay sa pamamaril, 2 pa sugatan matapos madamay
SK chairman, inirereklamo ng kasintahan ng pambubugbog
Egg supply sumobra; mga labis na at sibuyas nasa tabing-kalsada lang
"Floating" feeling pagkagaling sa langoy, dahil sa nabagong sense of balance ng katawan
NBI, may mga nakalap na patunay sa umano'y pagbabanta ni VPSD kay PBBM
Mga umano'y treasure hunter, na-trap sa tunnel, 2 patay, 3 nawawala
Mahigit 1,000 taxi drivers, nakatanggap ng P5,000 fuel subsidy
Zipline rollercoaster, wave pool atbp aktibidad, dinarayo sa Ilocos Sur
Caprice Cayetano at Heath Jornales, bibida sa isang romantic drama series
Ina Raymundo at Wendell Ramos, ageless looks pa rin
Pinoy athletes, nakasungkit ng medals sa Asian Beach Games
Paupahang bahay, pinasok at “binaboy” ng mga baboy
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:06Transcription by CastingWords
00:30Pasado alas 11 na umaga kanina, nakuna ng CCTV sa A. Bonifacio Avenue sa Barangay, Barangka Marikina, ang truck na
00:38ito na mabilis ang andar.
00:40Naglalakad naman sa gilid ng kalsada ang isang bata na hindi na naggawang makaiwas sa humaharurot na truck hanggang sumalpok
00:48ito sa isang tindahan.
00:50Nung narinig namin na may kumalampag na malakas, yun na po yun, yung pagsilip namin, sumabsorb po yung truck doon
00:57sa may ano, yung titinda ng pertong manok.
01:02Doon po, tapos yun, nakikita namin may dalawang naipit sa ilalim ng sasakyan.
01:07Yung bata po, nandun po, nasanwits po doon sa pusti. Tapos yung akala namin babae, nakabulagta po doon sa may
01:16mismo tapat ng tindahan ng manok.
01:18Harap akong ganyan, biglang dumaan dyan. Ang bilis. Tapos pagdating doon, dalawa agad ang naipit.
01:27Yung isa, pit-pit yung ulo. Yung isa naman, bata.
01:31Dead on the spot ang bata. At isa pang lalaki na bumibili lang sa tindahan.
01:36Yung bata, nagulungan, putol ang braso, hita, yung lalaki rito na nanimili, nabibili niya, pisak yung ulo.
01:48Lima naman ang sugatahan, kabilang ang driver at nahinante ng truck.
01:52Batay sa inisyal na investigasyon ng pulisya, naunang nang-araro ng jeepney at tatlong SUV ang truck na may kargang
01:59sako-sakong asugan.
02:01Sa kanito, sinargo ang tatlong bollards at nagtuloy-puloy sa pinakaloob ng tindahan.
02:07Overloaded yung truck. Tapos, allegedly, nawalan daw siya ng preno.
02:11Pero doon pa na sa may tulay ng marikina, nakasagi na siya ng jeep.
02:16Patuloy investigasyon sa disgrasya.
02:19Katrina Son, nakatutok. 24 oras.
02:23Wala mo ng garantiya na hawak pa ng mautoridad sa Czech Republic si dating Congressman Zaldico.
02:28Yan po sinabi ni Acting Justice Secretary Frederick Vida na nasa Prague ngayon para asikasuhin ang pagpapauwi sa dating mababatas.
02:36At mula sa Czech Republic, nakatutokla si Marizuman.
02:41Mariz?
02:45Pia, narito pa nga ba sa Prague Czech Republic ang pagating dating kongresistang si Zaldico?
02:51Yan daw ang nga alamin ni Acting Justice Secretary Frederick Vida.
02:55Oras na makapulong niya sa susunod na linggo ang kanyang mga Czech counterparts.
02:59Nangako rin si Secretary Vida na kanyang tutukuyin ang pinakamabilis na paraan para maibalik sa Pilipinas si Co.
03:10Noong nakaraang Huwebes, mismo si Pangulong Bombong Marcos ang nag-anunsyong na huli si Zaldico at nakadetine sa Prague.
03:17Pinanindigan ni ating Justice Secretary Frederick Vida ang impormasyong yan.
03:21Let's verify the facts. Maliwanag po sa impormasyon na nakarating mula po sa immigration at police authorities natin na nagkaroon
03:35po ng tempo na si former Congressman Zaldico ay nasa ilalim ng jurisdiction ng Czech authorities.
03:46Pero pag-amin din ni Vida kahapon, walang garantiya na hawak pa rin ngayon ng Czech authorities ang dating kongresista.
03:52There's no such guarantee. We need to respect their laws.
03:55So there is a possibility na he may have to eye out of Czech Republic already?
03:59Possible.
04:00Pero sabi ni Vida, hindi siya nababahala.
04:03Nakatakda rin daw dumating sa Prague si Philippine Center on Transnational Crime Executive Director, retired Major General Romeo Prestoza,
04:10para tutukan ang aplikasyon para sa Interpol Red Notice na makatutulong sa pagpapauwi kay Co.
04:15Sa susunod na linggo, makikipagpulong ang high-level coordinating team sa kanilang Czech counterparts at Interpol.
04:21Isa sa mga hihilingin nila, personal na makita at makausap si Zaldico.
04:26Kung ito ay papayag sa mga pagkakataon na binibigay at sa panuntunan ng kalang yung tinatawag nating data privacy nila.
04:37Sabi ni Vida, malinaw ang kanilang pakay.
04:39This is ang pinaka-ultimate objective, di ba?
04:43Kailan at paano may uwi ang akusadong si former Congressman Zaldico.
04:48Paano natin mapapaliit yung mundo?
04:51Do you aim to be escorting him back home to the Philippines once you return to the Philippines back on
04:58the 30th?
04:59I need to check with law enforcement parameters, with law enforcement agencies.
05:07If it's not feasible, why not?
05:10Di ba? Again, as I earlier stated, we would pursue the fastest way.
05:14Ang ayaw naman po natin ay, mangingibang bansa na lang ay hindi na mananagot sa batas sa Pilipinas.
05:23Ito po yung mahalaga, kaya po kasama rin po sa team na...
05:27Pia, may mga ilang pulong pa si Secretary Vida ngayong Sabado, kaugnay naman daw sa ilang mga law enforcement concerns.
05:35At bukas naman, linggo, ay magsisimbaraw siya para makita rin, bukod sa magdarasal, ay para makita rin ang ilang mga
05:42Filipino churchgoers dito sa Prague.
05:45At syempre, bibili rin daw siya at mag-uuwi ng imahe ng Santo Nino na patron dito sa Prague.
05:50At yan ang pinakasariyo ang balita. Mula pa rin dito sa Prague, Czech Republic. Balik sa'yo, Pia.
05:55Maraming salamat, Marie Zumali.
05:57Nawala ng hanap buhay ang maraming nagtitinda sa dating Commonwealth market na nasunog kanina madaling araw.
06:03Ang sunog umabot sa ikalimang alarma. Nakatutok si Bea Pinlak.
06:11Bangungot na sunog ang bumulabog sa mga tindera sa Bonbon Market na dating Commonwealth market sa Quezon City, pasado las
06:19dos imedya ng madaling araw kanina.
06:21Marami sa kanila, nagkumahog isalba ang panindak habang mabilis na nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng palengke.
06:29Ang iba, halos wala nang nailigtas.
06:33Siyempre, mahirap.
06:36Tulala, nangihinayang, saan kami nilipat?
06:38Ang hirap po. Hindi namin alam kung paano kami mag-uumpisa ulit.
06:42Automatic po, malulugi po kami ngayong araw na to.
06:45Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na nirespondehan ng halos 60 truck ng bombero at fire volunteer.
06:52Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa imbakan ng frozen meat at kumalat hanggang second floor ng
06:59palengke.
07:00Puro dry goods po, ukay-ukay ang karamihang laman.
07:05Doon po nahirapan tayo na mag-apula.
07:08May mga kantin po sa loob.
07:10Yung mga LPG po, siguro na nandoon, yun po yung mga naririnigating mga nagpuputukan.
07:16Hamon din sa pag-apula ng apoy,
07:18nang magkasalubong ang mga manininda at mamimili na palabas ng palengke,
07:22habang papasok naman ang mga bombero.
07:25Yung mga paninda po nila, nakaharang po sa daanan ng mga kabomberohan natin.
07:30Bea Pinlac, nakatutok 24 oras.
07:35Sinalakay ng motoridad ng isang compound sa bataan kung saan binabago at pinapalitan ang tatak ng mga tanke ng LPG.
07:42Ang nabisong iligal na operasyon sa pagtutok ni John Consulta, exclusive.
07:53Ang dalawang lalaking ito sa Mariveles, bataan,
07:57nahuli sa akto ng pulisya na tinatamper ang isang brand ng tanke ng LPG.
08:03Nang mapasok ang compound,
08:05tumambad sa mga operatiba ang halos sanlibong tanke ng LPG na pinilitan na ng kulay.
08:12Ayan, pinapalit nila o.
08:15Tumambad din ang mga grinder, talim at iba pang gamit sa pagkatamper ng mga tanke.
08:22Kumukuha sila ng mga ibang tanke, no?
08:25Eventually, yung mark, binubura nila, binatataka nila ng tatak nila,
08:30then yung pintura, pinapalitan nila.
08:32Hindi nga naman mahalatan na galing pala dun sa kakumpetensya niya yung LPG tank na yun.
08:39Ayon sa PNP, base sa guidelines ng Department of Energy,
08:43mahigpit na pinagbabawal ang tampering sa mekanismo ng tanke ng LPG
08:47dahil maaaring makompromiso ang kaligtasan ng mga gagamit ito.
08:52Kinasuhan ng paglabag sa LPG law at trademark infringement law
08:55ang mga may-ari ng establishmento.
08:57Sinisika pa namin makuna ng pahayag ang limang inaresto.
09:00After investigating yung mga nahuli nating limang tao,
09:06baka may makuha pa tayong ibang information regarding their operation
09:10para mahuli na rin.
09:12John Consulta, nakatutok 24 aras.
09:16Sa pagkipaginaasahang rollback sa diesel sa susunod na linggo,
09:20sa pagtaya ng oil industry sources hanggang 11 pesos,
09:24ang posibleng tapya sa kada litro ng diesel.
09:26Posibleng namang walang paggalaw sa gasolina
09:28o kaya madagdagan ng 95 centavos hanggang 2 piso kada litro.
09:34Samantala, mahigit 21,000 metriko torelada ng liquefied petroleum gas o LPG
09:40mula sa Amerika ang nasecure ng Energy Department.
09:43Sa May 20 hanggang May 31 ang inaasahang delivery ng imported LPG.
09:51Dahil po sa tindi ng init ngayon,
09:53pinayuhan ng pag-asang publiko na umiwas sa matining araw.
09:56At uminom na maraming tubig para maiwas ng heatstroke.
09:59At may iba't ibang paraan naman ng pagpapapresko ang ilang Pinoy.
10:03Nakatutok si Jamie Santos.
10:08Sa tindi ng init, tumapat sa binubog ang hangin ng exhaust ng gusaling ito
10:13sa Quezon City para makapapapresko.
10:16Sa mga namamasyal naman sa Quezon Memorial Circle,
10:19instant ginhawa ang hatid ng mga ikinabit na misting system gamit ang filtered water.
10:25Mas nawawala po yung init, yung sobrang init po, mas na lalesan.
10:31Lublub galore naman ang mga taga-barangay Malanday Marikina
10:35sa kabi-kabilang inflatable pool na bahagi ng kanilang tao ng Lubluban Festival.
10:40Kasi po mainit, okay naman po, masaya.
10:43Lublub-lub na, kaya lang kulang pa ng tubig.
10:48Sa Lawag City, ginawang swimming pool ng magbabarkada ang isang pick-up.
10:54Habang sa Dilasag Aurora, tuwang-tuwa ang mga bata sa pagtampisaw sa irrigation canal
11:00na ang tubig galing pang bundok.
11:02Kanya-kanyang paraan na ng pagpapapresko ang mga Pinoy sa pagtindi ng init ngayon.
11:08Batay sa forecast ng pag-asa, mahigit sampung lugar sa bansa ang nasa danger levels
11:13o nasa 42 hanggang 51 degrees Celsius ang heat index o damang init.
11:18Posible yung magdulot ng heat cramps at heat exhaustion
11:21at ang patuloy na pagbababad sa init ay maaring mauwi sa heat stroke.
11:26Kahapon, 46 degrees ang naitalang damang init sa dumangas ilo-ilo.
11:30Payo ng pag-asa sa publiko, umiwas sa matinding araw at uminom ng maraming tubig
11:36at kung maari, limitahan din ang oras sa labas.
11:40Huwag tayong masyadong mag-expose sa masyadong sikat na araw
11:45lalo na sa mga oras na mula alas or 11 hanggang 3 o'clock ng hapon.
11:52Sa Zamboanga City, na nasa 41 degrees Celsius ang damang init kahapon,
11:57iigsi sa sampung oras at tuwing every other day o tuwing makalawa na muna
12:01ang supply ng tubig ng kanilang water district simula sa lunes.
12:05Bumabaraw kasi ang water supply dahil sa matinding init.
12:09Jamie Santos, nakatutok, 24 oras.
12:14Tumaob sa gitna ng dagat sa Matnog Sorsogon ang bangkang yan na may labing tatlong sakay.
12:20Nailigtas naman sila ng mga otoridad.
12:22Base sa imbisigasyon ng PCG, hindi dumaan sa Tourism Office sa mga turisang sakay ng bangka.
12:28Hindi rin daw otorizado ang bangkang sinakya nila.
12:32Sa Bohol, pito ang nailigtas na lumubog din ang sinasika nila motor bangka.
12:38Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
12:41Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng paglubog.
12:46Nagkasanang anti-drunk driving operation ng LTO at pulisya sa ilang lugar sa Quezon City.
12:52Anim ang hinuli kabilang isang lasing na tinakasa ng sumitang enforcer.
12:57Nakatutok si Bea Pinlak.
13:12Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga otoridad at driver na ito na pinara sa Timog Avenue, Quezon City, pasado
13:19ating gabi kanina.
13:20Pag-abot niyo sa akin ng dokumento, amoy alak po eh, amoy alcohol. Marami po kayo na inom?
13:25No bro. Wala ka namang ano eh.
13:28Di sir.
13:28Bread test analysis.
13:29Sir, gano'n ba karami na inom mo sir? Mga gano'n po sir?
13:32Punti lang.
13:33Punti lang. Ano po ininom niyo?
13:34Whiskey.
13:35Whiskey.
13:35One, two, three, four, five, six, seven, seven, nine.
13:42Pero hindi ito pumasa, ayon sa tauhan ng Land Transportation Office o LTO.
13:47No, no. Failed ba yung darawang test? No, I can't test. Like really? No, no, no, no, no, no.
13:52At saka sir, ano?
13:53No, no, no, no. I can't test. Like really?
13:57Pumayag nung una ang driver na magpa-breath analyzer o yung panukat sa blood alcohol concentration o BAC ng isang
14:05tao.
14:05Okay, okay. Ready.
14:07Habang naghihintay na sumalang sa breath analyzer, bumalik sa sasakya ng driver at nagsimulang magmaneho.
14:14Pero hinarang siya ng mga otoridad.
14:16Tell me kung pumasa, then done. Kung hindi pumasa, then what?
14:20You tell me. Why can't you answer? What's the problem?
14:25Sir, hindi po kami pwede mag-decloat ng amount or penalty.
14:28Tell me, Domingo, what's the maximum penalty?
14:33Dapat alam niya, kung hindi ka papasa, ito, bam, bam, bam, diba?
14:37O sige, mag-antayan tayo hanggang bukas.
14:40Tumanggi na kalauna ng driver na sumailalim sa breath analyzer.
14:44Tinalikuran na niya ang tauhan ng LTO, pumasok sa sasakyan at nagmaneho paalis.
14:51Dalawa sa mga kasama ng driver na iwan pang nakikipag-usap sa mga otoridad.
14:56Kakaharapin po niyang kaso ay administratibong kaso sa LTO kasi po tinakbuhan po niya yung nag-alcohol breath analyzer test
15:05po sa kanya.
15:06Pinag-aaralan pa po namin yung mga posibleng maikaso dun sa driver po na tumakas po kanina.
15:15Isa lang siya sa anim na driver na nahuli sa anti-drunk driving operation ng Quezon City Police District o
15:22QCPD, Land Transportation Office at Highway Patrol Group kagabi.
15:27Dito po tayo nag-conduct sa area ng Timog and Tomas Morato and dito po sa paligid po nitong area
15:37na marami pong mga establishment na inuman.
15:40Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
15:46Kinumpirman ni Ombudsman Jesus Crispin de Mulla na si dating House Speaker Martin Romualdez ang mambabatas na saklaw ng bagong
15:53asset freeze order ng Korte at ng Anti-Money Laundering Council.
15:58Hiniling naman ng Ombudsman sa Sandingan Bayan na hadlangan ang paglabas ng bansa ni dating Senate President Jesus Escudero.
16:04Nakatutok si Darlene Cai.
16:08Walang tao, wala pangalan.
16:09Kasi si former Speaker Martin Romualdez, na-freeze na yung kanyang...
16:14So si former Speaker Martin ito?
16:16Kasi dapag linawi natin from what?
16:19From the Court of Appeals to.
16:20From the Court of Appeals.
16:21Galing na mismo kay Ombudsman Boying Remulia.
16:24Si dating Speaker Martin Romualdez ang tinutukoy ng mambabatas sa anunsyo ng Anti-Money Laundering Council kahapon na pina-freeze
16:32ng Court of Appeals ang mga ari-arian.
16:34Ayon sa AMLOC, sakop ng freeze order ang 25 bank accounts at 10 insurance policies na nakapangalan sa mambabatas.
16:42Inissuhan din ng freeze order ang mga ari-arian ng isang business associate ni Romualdez at isang corporate entity na
16:48may kaugnayan sa kanya.
16:49Sabi ng AMLOC, para sa CA may probable cause para iugnay ang kanilang mga ari-arian sa plunder o pandarambong
16:58at direct and indirect bribery sa mga maanumalyang flood control projects.
17:02Bago nito, nag-issue noong miyarkules ang Sandigan Bayan 7th Division ng Precautionary Hold Departure Order kay Romualdez.
17:09Ibig sabihin, hindi siya pwedeng lumabas ng bansa.
17:13Sabi ni Remulia, patikim pa lang daw ito.
17:16Nasa preliminary investigation na ng Office of the Ombudsman ng mga reklamo laban kay Romualdez.
17:21Pero sabi ng Ombudsman, nakatakda na silang magsampa ng mga kaso sa susunod na linggo.
17:27Actually, isang kaso pa lang yan. Pero we have around 5 to 6 cases lined up.
17:33Sunod-sunod siya ipafile within the next 2 weeks.
17:39Sinagot din ni Remulia ang hiling ng kamo ni Romualdez na mag-inhibit ang Office of the Ombudsman sa pag
17:44-iimbisiga sa kanya.
17:45Dahil saan nila'y preconceived position ni Remulia sa mga issue laban sa kongresista.
17:51No such thing as inhibition.
17:53Sabi ko sa abogado nagsasabi niyan, baka absent ka nung tinuturo yan, go back to law school.
18:01Prosecutors are supposed to side with the victims of crimes.
18:04Ayun, ano ba ang Office of the Ombudsman?
18:09Ang origin po namin sa Pilipinas, tanod bayan.
18:12Kami ang bantay ng bayan para ang mga korupsyon ay mabantayan katungkulan po namin sa saligang batas.
18:20Nauna nang itilangin ni Romualdez na may kinalaman siya sa budget insertions at anomalya sa flood control projects.
18:26Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kumuha ng karagdagang pahayag mula kay Romualdez pero wala pang tugon sa ngayon.
18:32Hiniling din ang Ombudsman sa Sandigan Bayan na pagbawalang mag-abroad si dating Senate President Cheese Escudero at contractor na
18:40si Maynard Mu.
18:41Kanina, na-ruffle na sa Sandigan Bayan 6th Division ang ex-parte application para sa precautionary hold departure order laban
18:48sa dalawa.
18:49Kawag na ito ng mga reklamang plunder, direct and indirect bribery at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
18:56Ang Campo ni Escudero, nagsabing magpapadalaro sila ng statement pero wala pa silang ibinibigay sa ngayon.
19:01Nauna nang itinangin ni Escudero na may kinalaman siya sa mga anomalya sa flood control projects.
19:06Sinusubukan din ng GMA News sa makuha ang panig ni Nghu pero wala pa siyang tugon sa ngayon.
19:10Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
19:16Are the wedding bells ringing para kay Bea Alonzo at kanyang non-showbiz fiancé?
19:21The question still stands matapos niyang kumbatin sa isang event kung saan kapansin-pansin ang kanyang glowing aura.
19:28Makitsikatay ka eto niya, Imperial.
19:33Blooming in her simple yet classic neutral dress si Bea Alonzo sa dinaluhang event kagabi sa Paranaque City.
19:40All eyes ang lahat nang rumampas si Bea na game ding bumati at nakipag-selfie pa sa mga nag-abang
19:46na fans.
19:47Kwento ni Bea, busy siya ngayong summer.
19:49Lalo't magbabalik teleserye soon kasabay ng kanyang 25th year sa showbiz.
19:54Kahit busy sa trabaho, gusto pa rin daw ni Bea na ma-enjoy ang tag-init kaya plano niya ring
20:00magsingit ng beach trip.
20:01No, like, concrete plans yet.
20:04I haven't gone to the beach in a while.
20:07Medyo matagal na yung huli ko.
20:08So, I really am looking forward to going back.
20:11Isang buwan mula nang kumalat ang impormasyon online tungkol sa umanoy marriage bans ni Vincent Ko at Philbert Angeli Ranolio,
20:19na tunay na pangalan ni Bea, nagtanong kami tungkol dito.
20:23Pero tumanggi muna siyang sumagot.
20:25Mula nang mapaulat na in a relationship sa negosyanting si Vincent Ko,
20:29naging very private na rin si Bea sa pagbibigay ng detalye sa kanyang love life.
20:34Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!
20:43Umalingaw-ngaw ang magkakasunod na putok ng baril sa Barangay Muntay sa Colambugan, Lanao del Norte, noong Martes.
20:50Pinagbabaril na pala noon ang dalawang babaeng jogger.
20:54Bago yan, kita sa viral na CCTV footage ang pagdaan ng mga biktima na sinundan ang dalawang lalaki.
21:00Namatay ang mga biktima, sugata naman ang dalawang bystander na nadamay.
21:05Iniimbisigahan pa ang motibo sa krimen.
21:08Walang matukoy na kaaway ang mga biktima, ayon sa kanilang mga kaanak.
21:12Tinutugis na ng polisya ang dalawang lalaki sa video na tinuturing nilang mga suspect.
21:19Isang SK chairman sa Maynila ang inire-reklamo dahil sa paulit-ulit umanong pananakit sa kanyang kasintahan na ngayon'y
21:26buntis.
21:27Nakatutok si Jomer Apresto.
21:43Kita sa cellphone video ang pananakit ng isang lalaki sa isang babae habang nasa loob na isang bahay sa Antipolo
21:50City noong nakaraang taon.
21:51Ang lalaki sa video, SK chairman pala ng isang barangay sa Sampalok, Maynila.
22:04Kuha naman ang video na yan noong Nobyembre ng nakaraang taon.
22:07May kitang dugo ang mukha ng biktima matapos umanong siyang suntukin ng lalaki.
22:13Ang mga litrato namang ito, kuha noong nakaraang Pebrero kung saan may kita ang mga sugat ng biktima sa iba't
22:19ibang bahagi ng katawan.
22:20Habang ang litratong ito, kagabi na kunan matapos maulit umanong pananakit ng lalaki dahil sa selos.
22:27Ang ginawa niya po sa akin, imbis kausapin po ako, sinampal niya po ako agad.
22:31Inaawakan niya po ng dalawang kamay yung ulo ko, inaalog niya po ng inaalog, tas inuumpog niya po ako sa
22:36pader.
22:36Mahigit dalawang taon na raw silang magkasintahan at noong ikawalong buwan nila, nagumpisa ang pananakit.
22:41Pero dahil sa mahal niya, ilang beses niya umanong pinatawad ang SK chairman.
22:46Ang masaklap, mahigit dalawang buwan na siyang buntis.
22:49Aminado siya na gumaganti siya kapag sinasaktan.
22:51Ayon sa barangay San Jose, ilang beses na rin silang rumesponde sa away ng dalawa.
22:57Sinubukan namin hingin ang panig ng SK chairman pero tumanggi siya.
23:00Ang barangay naman sa Maynila kung saan opisyal ang lalaki, wala raw alam sa nangyari.
23:05Pero napansin daw nila na may nagbago sa kanilang SK chairman.
23:09Minsan, gusto nung girl, nandin lang si SK sa kanya eh.
23:13Yung minsan, minsan pagkailangan si SK dito, nalilate siya.
23:18Okay naman po siya dito sa barangay na may mga proyekto niya po na gagawa niya naman po.
23:23Inihahanda na ng polisya ang posibleng reklamo na isang pa laban sa SK chairman.
23:27Jomer Apresto nakatuto, 24 oras.
23:32May oversupply ng itlog sa ilang pamilihan sa Pangasinan ayon sa samahang industriya ng agrikultura o sinag.
23:39Sa Dagupan City, nagkaroon pa ng bagong size sa mga bagsakan at ibinibenta ng limang piso kada piraso.
23:46Dahil sa sobrang supply, buwa ba sa 6 pesos and 50 centavos kada pirasong large na itlog?
23:53Nangang batuloy ang grupo na malugi ang mga small at medium egg producers dahil sa oversupply.
23:59Nakiusap din sila na sa pamahalaan na magkaroon na ng hakbang para tiyaking hindi malaki ay papatong na presyo ng
24:07mga middleman at egg retailers.
24:10Sa Balamban City o sa Balamban, Cebu, nalulugi na ang ilang magsisaka dahil pagsak presyo na kung ibenta ang ani
24:17nilang kamatis.
24:19Ang ilang nga itinatapo na lang sa gilid ng kalsada ang maani dahil hindi maibenta.
24:24Sa Miagaw, Iloilo, sa gilid na lang ng kalsada pumuesto ang mga magsisaka.
24:29Para mailatag ang kanilang aning sibuyas.
24:31Para makabenta, ipinapanawagan na ng barangay Golokawe sa mga residente na bumili para matulungan sa kita ang mga magsasaka.
24:45Naranasan niyo na rin ba yung kahit ang tagal mo nang nakaahon sa dagat, pakiramdam mo ay humahampas pa rin
24:51ang alon?
24:51Kung bakit at paano ito nangyayari, ipapaliwanag sa atin ni Kuya Kim.
24:55Kuya Kim, ano na?
25:00To be the heat ng tag-init, marami sa atin nagbi-beach at ang mga one-to-sawang nakababad sa
25:06dagat.
25:07Relate sa videong ito na pinostap content creator na si Leo, a.k.a. TongTV.
25:14Yung kahit naka-uwi ka na lahat, pakiramdam mo, inahampas ka pa rin ang manalakas na alon at para ka
25:19pa rin magsiswimming.
25:20Bakit nangyayari ito?
25:23Kuya Kim, ano na?
25:27Ang tila hampas ng alon na yung nadarama pagkatapos mo magswimming ng matagal sa dagat ay dahil nahihirapan ang ating
25:33utak mag-adapt sa change of motion.
25:35Sa loob ng ating tenga, matatagpuan ang tinatawag na vestibular system na siyang nagkocontrol sa ating sense of balance at
25:42motion.
25:43Kapag dayo'y nasa tubig at paulit-ulit na nahampas ng alon ng ating katawan na sasanay ang ating vestibular
25:49system sa tuloy-tuloy ng motion,
25:51kapag tayo naman ay aahon, nag-a-adjust pa ito pabalik sa normal.
25:54Kaya kahit nakatayo ka na sa lupa o nakahiga ka na sa iyong kama, nahihirapan pa rin bumalik ang ating
25:59utak sa state of stillness.
26:02Kaya pakiramdam mo, tila nagsiswimming ka pa rin sa maalong dagat.
26:05May tutunod ang sensation na ito sa MDDS o Milded Barkman Syndrome.
26:10Sa English, Sickness of Disembarking or Disembarkation.
26:14Isa itong rare vestibular disorder kung saan ang pakiramdam mo ay magalaw ka kahit hindi naman.
26:18At kung madalas mangyari ito o di kaya matagal mo itong naranasan, mas mabuting magpatigid sa doktor.
26:25Laging tandaan, kiimportante ang may alam.
26:28Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 oras.
26:33May mga nakalapdown na dokumento at video recordings ng NBI kag-nais sa umunoy pagbabanta noon ni Vice President Sara
26:40Duterte sa buhay ng Pangulo.
26:42Alam po sa NBI, ipipresenta nila ang mga ito sa impeachment hearing ng Kamara sa Merkoles.
26:47Yes. Nakatutok si Jonathan Andal.
26:52May kinangusap na ako na tao.
26:54Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romales. No joke.
27:03Dito sa sentro ang ikatlong impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte sa April 29 sa Kamara.
27:10Sasalang dyan si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag at ipipresenta ang resulta.
27:16Mga dokumento at video recordings na nakalap nila ng investigahan ng bantang yan ni Duterte.
27:21Alam namin na mayroon talagang kinausap but we want to find out who is that person.
27:27It's a continuing investigation.
27:29Hinahanap pa rin natin what we know.
27:32Ito sabihin namin sa findings namin.
27:35That is something na ginawa niya.
27:37That's part of the moment na parang sasabihin na ano lang siya, metaphor lang siya,
27:41hyperbo li lang.
27:42That is planned actually.
27:44Dahil dyan, mas naging alerto ang mga otoridad sa mga banta.
27:48May tinutugis nga raw sila ngayong lalaking nag-comment sa isang live video ng RTVM.
27:53Mayroon po the other day, habang naka-live yung event, nagsasalita si Presidente,
27:59nag-post na comment doon na parili na yan.
28:01Once we get him, charges will be filed.
28:04Sabi ng NBI, submitted for resolution na ang sinampan nila sa DOJ noong 2025
28:08na reklamang grave threats at inciting to sedition laban sa vice.
28:13Nauna nang sinabi ng vice na maliciously taken out of context ang kanyang mga pahayag.
28:18Gate pa niya noon, walang ebidensya na magpapatunay na may ginawa siyang inciting to sedition at grave threat.
28:23Si Congressman Joel Chua, miembro ng House Justice Committee,
28:27may nakikitang dalawang grounds ng impeachment sa umunay pagbabanta ng vice sa Pangulo,
28:31culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
28:35Kung tuluyan ang niyang makonvict sa impeachment si Duterte,
28:38dalawa ang magiging parusa, matatanggal ito sa pwesto at hindi napapayagan pang makahawak ng posisyon sa gobyerno.
28:44Pero tinanong si Chua, paano kung mag-resign ang vice bago matapos ang buong proseso ng impeachment?
28:51Hindi po mag-aabsuelto sa kanya sa pananagutan dahil meron po rin nakaumang sa kanyang kaso sa ating Office of
28:58the Ombudsman.
28:59Pero once na siya po ay nag-resign, eh kukulog na po ang batas.
29:03Sinagot din ni Chua ang pagkwestiyon ng abogado ni Duterte na si Atty. Michael Powa
29:07kung bakit isinasama pa sa impeachment hearing ang Sal N. Duterte noong 2007 kung kailan hindi pa siya vice-presidente.
29:15Kasi ilgaten wealth, eh. So siyempre titignan po ninyo yung history.
29:19From the time na siya po ay unang naging public official, magkakano ba yung kanyang deneclare na ari-arian?
29:30Sabi ni Chua sa April 29, kapag natapos ng sumalang ang NBI at wala ng miyembro ng Justice Committee na
29:36magtatanong,
29:37pwede na rin nilang pagbotohan kung may probable cause ba ang impeachment complaint laban kay Duterte.
29:43Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
29:50Dalawang patay at tatlo ang pinagahanap matapos matrap sa isang tunnel sa Panabo City, Davao del Norte.
29:57Pinaniniwala ang treasure hunters ang mga biktima.
30:00Bankay na nang matagpuan kahapon ang dalawa sa kanila.
30:03Sa ngayon, itinigil na ang retrieval operations sa mga nawawala.
30:07Ayos sa Bureau of Fire Protection, lubham mapanganib para sa responders ang tunnel.
30:11Dahil sa bantan ng mga delikadong gas gaya ng ammonia at carbon monoxide.
30:19Nagpapatuloy po ngayong araw ang pamamahagi ng limang libong pisong fuel subsidy sa mga taxi driver.
30:24Ang KLTFRB Chairman Attorney Vigor Mendoza II, naging mas mabilis at maayos ang pagkuhan ng ayuda.
30:32Magigit isang libong taxi driver naman ang nakatanggap ng ayuda.
30:35Nakatanggap kahit ang mga taxi driver na hindi naisama sa naunang listahan.
30:47Presko at malilino na ilog ang ilal sa dinarayo sa norte para maibsa ng init ng panahon.
30:52Patok din sa mga adventure seeker ang mga aktibidad sa gitna ng magandang tanawin.
30:57Kung saan ang mga yan, pasyalan natin kasama si Bernadette Reyes.
31:04Adventure ba ang iyong hilig?
31:06Tiyak na mag-e-enjoy ka sa challenging na pasyalan at tanawing kaibig-ibig.
31:12Sabantayan Ilocosur, patok sa mga adrenaline junkie ang Ilocosur Adventure Zone na may samotsaring activity.
31:20Gaya ng mala roller coaster na zipline, wall climbing, paglambitin sa kanilang rope courses at pagbike sa ere.
31:28May relaxing view pa na mga bundok at Abra River.
31:33Matapos pagpawisan, mag-side trip naman sa Wigan.
31:37Binuksan na ng Ilocosur Provincial Government ang Mira Hills One Ilocosur Water Park.
31:42Iba't ibang pool ang pwedeng languyan ng buong pamilya at barkada.
31:47May malawak na wave pool, may raging river at water slides na umiilaw.
31:53Be one with nature naman sa Preskong Dupinga River sa Gabaldon, Nueva Ecija.
31:58Perfect mag-swimming sa malino na tubig ng ilog at IG-worthy din ang man-made falls.
32:04Pwede rin tumawid sa Calabasa Picnic River na napapaligiran ng bulubunduki ng Sierra Madre.
32:10May maaarkila rin mga cottage na pasok sa budget.
32:14O, saan tayo sa susunod na pasyal o food trip?
32:17I-share nyo sa 24 Horas Weekend Page ang iyong travel at food adventures.
32:23Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Horas.
32:32Maglalayag na ang Cap Heat Ship!
32:35Handa ng magpakilig ang ex-PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Housemates
32:40na sina Caprice Cayetano at Heath Hornales
32:42sa upcoming romantic drama series ng GMA Public Affairs na You're My Favorite Song.
32:48Makakasama ng Cap Heat duo ang kanilang fellow PBB alums at kapwa Sparkle Artists
32:54na sina Marco Masa at Sean Clifford.
32:59Tila buhay na patotoo ang celebrities na sina Ina Raimundo at Wendell Ramos na age
33:05is really just the number.
33:07Dahil mukha pa rin silang age-less.
33:09Ang kanilang tips and tricks to looking young sa aking chika.
33:15Big 5-0 na si Ina Raimundo.
33:18Pero tila nadiskurbin ang secrets of Hotel 88 Star ang fountain of youth.
33:23Dahil wala halos nagbago sa itsura niya noong 90s
33:27kung kailan siya nakilala bilang isa sa mga Sabado Nights Girl.
33:31I'm very mindful now of what I do.
33:34And also, yeah, I'm not drinking for now.
33:37115 days alcohol-free ako.
33:41Congratulations.
33:42You know why? I didn't do this because I'm an alcoholic.
33:44I'm not an alcoholic.
33:45It's because every time I would drink once in a blue moon,
33:48yung hangover, alam mo yung, I hate it.
33:51I'm so healthy. Biglang, I feel sick.
33:54Fitness inspo rin si Wendell Ramos
33:57na mapapanood sa upcoming kapuso boxing drama series na Kamao.
34:01Susiraw sa kanyang fitness journey
34:03ang disiplina sa diet at pag-workout.
34:07Wala namang overnight na diet.
34:08Walang overnight na magiging ganito kagad yung itsura.
34:12It's all about, sabi ko, mas malalim na purpose.
34:18And, yeah, mahirap pero I'm enjoying it.
34:21Mas mahirap kasi para sa akin, yung bawal ka na ng ganito.
34:26So, ngayon, wala pa naman akong bawal.
34:29Pinunahan ko na.
34:34And that's my chica this Saturday night.
34:36Ako po si Nelson Canlas.
34:38Pia, Ivan.
34:39Umaani po ng mga medalya ang mga atletang Pilipino
34:43sa 6th Asian Beach Game sa Sanya, China.
34:46Buena man ang medalya, bronze medal ni Jenna Kaila Napoli
34:50sa Women's Jiu-Jitsu 50 Kilograms Division noong Webes.
34:55Unang ginto naman, ang iuwi ni Alexandria Luz Enriquez
34:58mula sa Women's Jiu-Jitsu ni Waza, 63 Kilograms Division.
35:03Dalawang pinay naman ang nagharap sa finals
35:05ng Women's Jiu-Jitsu 57 Kilograms Division.
35:08Si Annie Ramirez ang nagwagi ng gold medal.
35:11Habang silver medal naman ang nakuha
35:13ng nakalaban niyang si Emily Rosaline Thomas.
35:17Umarangkada rin ang galing ng Pilipinas sa Beach Athletics
35:20kung saan naka-gold medal si Leonard Grospe para sa high jump.
35:24Habang bronze medal naman mula sa Women's 60 Meters
35:28ang nasungkit ng sprinter na si Jessica Rose Lawrence.
35:38Sa mga kapuso po natin na may balak mag-outing
35:41o kaya mag-out of town ngayong tag-init,
35:43tiyakin pong nakalak ang inyong mga bahay
35:45para iwas sa masasamang loob.
35:47Baka kasi magaya kayo sa isang bahay na nilooban
35:51ng magkatandem na alagang baboy.
35:54Ang mga nahulikam na unexpected visitors
35:58sa pagtutok ni Darlene Kai.
36:03Oink! My goodness!
36:05Bakit ang mga baboy na ito wala sa kulungan?
36:08Hulikam silang pag-alagala sa inupahang bahay ni Nasasha
36:11na saktong wala noon dahil sa outing.
36:13Tila ayaw ng peace ng mga annexed pig dead visitors.
36:18Amoy rito, singhot doon.
36:20Hanggang sa magsimula ng makialam mong isang ito
36:23na parabang siyang may-ari ng bahay.
36:25Unbelievable!
36:27Mapasofa at syurak, di pinatawad.
36:30At mukhang may napagod.
36:31Kaya ang primary suspeg, este suspect,
36:35palakda na sa veranda na inumaga pa sa pagtulog.
36:38Pati netizens na gulat.
36:40At nakakatakot na raw ang panahon ngayon
36:42dahil pati baboy nanloloob na.
36:45Literal nga raw na binaboy ang bahay.
36:48Mukha raw, nag-enjoy ang mga bisita sa malamig na tiles.
36:52May nagtanong pa nga,
36:53may bisita naman daw palang darating,
36:55bakit umalis pa sila?
36:57Ang mga nakawalang baboy,
36:58alaga pala ng landlord ng bahay
37:00kaya pala parang bos kong umasta.
37:02Nakatakas daw ang mga ito
37:03at ngayon'y himas rehas.
37:05Este, balik na sa kanilang OG tambayan
37:08ang mga baboy na sina pork at chop.
37:10At ang collaboration ng tambalang pork chop,
37:14di na lang ininda ni na siya siya.
37:16Okay lang daw kahit nasira ang ilan nilang gamit.
37:19Darlene Kai, nakatutok, 24 oras.
37:24At pigatin pala.
37:26Ang mga suspect na yan.
37:28Kwiti.
37:30Ginaanahan.
37:30At mga kapuso, yan po ang mga balita ngayong Sabado.
37:33Ako po si Pia Arcangel.
37:35Ako po si Ivan Mayrina.
37:36Ito ang GMA News.
37:38Wala pong kinikilingan.
37:39Walang pinaprotektahan.
37:40Noon at ngayon,
37:41serbisyong totoo.
37:43At dahil hindi na tutulog ang balita,
37:45nakatutok kami.
37:4624 oras.
37:52Outro
Comments