00:04Update tayo kaugnay sa return of warrant na tapos arestuhin kagabi si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:10May ulat on the spot si Maki Pulido.
00:13Maki?
00:16Alam mo Raffi, ay bago mag-alas 9 ng umaga,
00:21personal na hinatid ni PNPCIDG NCR Chief Col. John Guiagui ang return of warrant sa Sandigan Bayan 3rd Division.
00:30Sa return of warrant, sinabi ng PNPCIDG na nasa kustudiya na nila si dating House Speaker Martin Romualdez na humaharap
00:39sa kasong plunder.
00:40Sinabi rin sa return of warrant na naisilbi ang warrant of arrest kagabi habang naka-confine si Romualdez sa Cardinal
00:49Santos Hospital
00:50sa San Juan City. Kaya kalakip nito ang medical certificate ni Romualdez.
00:56Dahil naka-confine pa, humihingi ng kautusan ng PNPCIDG mula sa Sandigan Bayan 3rd Division na maglalagay ng kustudiya ni
01:04Romualdez sa PNP
01:05habang ito'y nasa ospital at wala pang commitment order kung saan siya ikukulong.
01:11Naka-attach din sa return of warrant ang spot report, mugshot at booking form at certificate of detention.
01:17Ang sabi naman ni Giyagi, wala sa original address ang ibang mga akusado.
01:22Meron na daw silang mga leads pero patuloy pa rin nilang hinahanap ang ibang mga akusado
01:27maliban kay Zaldico na matagal naman ng at-large kahit na dun sa iba pang mga kaso na kanyang kinakaharap
01:34dito sa Sandigan Bayan.
01:36Kagabi ay naghain na rin ng motion for hospital confinement ang mga abogado ni Romualdez.
01:44Ang sabi lamang dito ni Atty. Dennis Puma, siya ang Clerk of Court ng Sandigan Bayan 3rd Division,
01:49ay binibigyan ng dalawang oras ang prosekusyon para magkomento sa nasabing motion.
01:55Rafi?
01:56Maraming salamat, Maki Pulido.