00:00Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ang mabilis na pagsasayo sa dalawang tulay sa Tarlac City na nasira sa kasagsagan ng
00:07masamang panahon.
00:09May ulat on the spot si EJ Gomez.
00:12EJ?
00:17Rafi, binisita ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos ang dalawang tulay dito sa Tarlac City na magkasunod na bumigay
00:25dahil sa lakas ng Agos ng tubig noong kasagsagan ng malakas na pag-uulan nitong mga nagdaang araw.
00:33Abot sa 300 milyong piso ang pondong ilalaan ng gobyerno sa pagsasayos ng Aquino Bridge.
00:41Habang dalawang linggo naman ang aabutin bago muling bubuksan sa mga motorista itong Agana Bridge.
00:47Nitong August 28 noong kasagsagan ng pananalasa ng habagat, nasira ang bahagi ng Aquino Bridge nito sa Tarlac City.
00:55Sinundan ito ng pagguho ng bahagi ng Agana Bridge noong August 29,
00:59kung saan tinangay ng malakas na Agos ng ilog ang apat na taong sakay ng SUV.
01:05Dalawa ang natagpo ang wala ng buhay, habang dalawa ang pinaghanap pa.
01:09Kasunod ng insidente, isinara sa mga residente at motorista ang mga tulay dahil sa peligro rito.
01:16Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa dalawang tulay si na DPWH Secretary Vince Dizon,
01:21Tarlac Governor Christian Yap at Tarlac City Mayor Susan Yap.
01:25Iniutos ng Pangulo ang mas mabilis na pagsasayos ng mga nasirang tulay.
01:30Ayon sa Tarlac PIO, itinayo ang Agana Bridge noong 1940s, habang ang Aquino Bridge noong 1988.
01:38Pareho raw na retrofrit ang mga tulay noong 2023.
01:42Nagdudugtong ang dalawang tulay sa poblasyon area ng siyudad sa western barangays nito
01:47sa mga munisipalidad ng San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Mayantok at San Jose sa probinsya ng Pangasinan.
01:55Ayon kay Tarlac City Mayor Susan Yap, nasa 23,000 ang bilang ng pamilyang apektado ng mga nasirang tulay.
02:07Ang ginagawa dito ay nagbubuo ng bailey bridge para itatawid, para makatawid, para ilalagay, para palitan,
02:15ay yun ang kapalit noong seksyon na natanggal, na natangay ng ilog.
02:20The bridge should be possible for pedestrian traffic by within a week.
02:25And vehicular traffic two weeks from now. Light vehicular traffic.
02:30Para maging mas mabilis ang trabaho, we will be downloading 300 million pesos to the local government.
02:45Rafi, ito nakikita natin ongoing yung ginagawang operasyon ng lokal na pamahalaan,
02:50particular ng BPWH, dito yan sa nasirang tulay ng Agana Bridge.
02:54At ito, pakita lang natin very quickly, Rafi. Ito ngayon yung sitwasyon.
02:58Dito, matapos bumigay nga itong bahagi ng tulay nitong Agana Bridge,
03:02damay dyan yung ilang linya ng kuryente.
03:05Pero ayon sa Tarlac City PIO, meron namang supply ng tubig at kuryente doon sa 23,000 na apektado mga
03:11pamilya.
03:12Ayon pa sa Tarlac PIO, itong mga residente na affected, talagang perwisyo para sa kanila itong mga nasirang tulay,
03:19pati yung mga kabuhayan nila, apektado talagang tinitiis na lang daw nila muna yung pag-iikot ng mahigit isang oras
03:26para lang makatawid pabalik-balik sa kanika nilang mga bayan.
03:30At yan ang latest mula po dito sa Tarlac City.
03:33Rafi?
03:34Maraming salamat, EJ Gomez.