00:00Maglalatag ng flood control measures ang operator ng NLEX para maibsan ang mabigat na trafikong nararanasan doon hanggang ngayong gabi
00:07dahil po sa pagbaha.
00:09At sa Metro Pacific Tollways Corporation, MPTC, maglalagay sila ng 300 metrong barriers sa magkabilang lane,
00:16gagamit ng siphoning crux at paiigtingin ang pumping operation sa bahagi ng Tulaok, San Simon, Pampanga.
00:23Magbubukas din daw sila ng counterflow lane para makadaan ang mga emergency at response equipment.
00:28Kasabay po nito, humingi na paunawa ang MPTC sa mga motorista at commuter.