Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, August 29, 2026:


- Ilang bahagi ng Metro Manila, binaha dahil sa habagat

- Bahagi ng Aquino bridge sa Tarlac, bumagsak; buong tulay, sarado

- Ilang lugar sa Metro Manila, binaha; Ipo Dam, nagpakawala ng tubig kagabi

- Paglubog ng bangka sa Zambales, 8 na ang nasawi

- PHIVOLCS nagbabala ng lahar flow sa Mt. Pinatubo at paligid ng Taal Lake

- Parañaque at Las Piñas, binaha; Ilang residente, na-trap sa kanilang bahay

- Huwag lumusong sa baha kung hindi naman kailangan—DOH

- Ilang bayan sa Bataan, lubog na rin sa baha na sinabayan ng high tide

- Malawakang baha sa Olongapo City, mahigit 1,000 residente lumikas

- Bata, isinakay sa timba para mailikas sa abot-leeg na baha sa Cavite

- Lagpas-taong baha, nagpalubog sa QC; ilang na-trap na residente, sinagip

- 107 tao sa Pampanga, inilikas nang masira ang bahay dahil sa tubig mula sa dam

- Marilao at Meycauayan, binabantayan dahil sa pagtaas ng Marilao River

- Habagat, pinalalakas ng 2 LPA sa labas ng PAR 


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:10Mga kapuso, kung kailan po long weekend,
00:13saka naman naranasan ang maulang panahon sa maraming lugar sa Luzon
00:17at dahil po yan sa Habagat.
00:19Sa Commonwealth Avenue sa Quezon City,
00:21nag zero visibility ng bumuhos ng ulan kaninang tanghali.
00:25Hanggang gater na baha ang sumalubong sa ilang motorista sa elliptical road.
00:30Abot tuhod naman ang baha sa Edsa Balintawang.
00:33Ngayon din sa ilang bahagi ng boundary ng Kaloocan at Maynila
00:36kung saan nagbangkana ang ilang residente.
00:41Nakataas na ang heavy rainfall warning sa ilang lugar
00:44at red warning naman sa Metro Manila,
00:46Zambales, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Vizal, Cavite
00:51at ilang bahagi ng Batangas at Occidental Mindoro.
00:55Iraasahan ang matitinding pagbaha sa mga flood-prone areas.
00:58Orange warning level naman sa Pangasinan
01:01at ibang pambahagi ng Occidental Mindoro, Batangas, Laguna at Nueva Ecija.
01:06Yellow warning level sa Quezon at ibang bahagi ng Batangas.
01:11Batay po sa heavy rainfall outlook ng pag-asa,
01:13posibili rin ang malalakas na ulan bukas
01:16sa Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Benguet, Bataan,
01:20Zambales, Tarlac at Pampanga.
01:23Gayun din sa Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, Ifugao,
01:27Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila,
01:32Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
01:37Maulang hapon po, Sabado o Sarado po,
01:41sa traffic po ang isang tulay sa Tarlac City matapos bumagsak.
01:45Ang isang bahagi nito sa gitna ng matinding ulan at ragasan ng Tarlac River.
01:49Sa Pangasinan, pitong lugar na ang nagdeklara ng state of calamity
01:54kasunod ng mga pagulan.
01:55Ang latest sa Norte sa live na pagtuto,
01:58ni Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
02:01Sandy.
02:03Pia Ivana ayon sa Tarlac PD-RRMO bandang alas 7 parao kagabi
02:08na mapansin nila itong bahagyang pagbaba ng portion ng Aquino Bridge.
02:12Kaya naman agad na nagsagawa ng assessment ang lokal na pamahalaan.
02:15Hanggang sa nito nga alas 9 ng gabi ay tuluyan na itong isinara sa mga motorista
02:20dahil lubha na itong delikado na daanan hanggang sa tuluyan na nga bumagsak ang tulay
02:25makalipas lang ang ilang oras.
02:29Habang maulan at malakas ang agos ng Tarlac River, bago maghating gabi,
02:35biglang pumaklas at bumagsak ang bahagi ng Aquino Bridge.
02:39Isinara sa trapiko ang tulay.
02:41Inabisuhan ng mga otoridad ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.
02:46Ngayong tanghali, nag-inspeksyon si DPWH Secretary Vince Dizon sa nasirang tulay
02:51na 1980 ititinayo at may habang 60 metro.
02:54Ang unang gagawin natin, kagangan natin gawin pasabaw itong bridge na ito
02:57kasi critical ito para sa mga kababayan natin doon.
03:00Kababayan natin dito.
03:01Ang problema, hindi tayo makakatrabaho hanggang ganito kaki yung ilo.
03:05So once na humupa na yung ilo, magsisimula na tayo.
03:09Bukod sa Aquino Bridge, nakitaan ng ilang bitak sa kongkreto
03:12at sinkhole sa bahagi ng barangay Kutkut.
03:15Sa Dagupan City, ilang barangay ang binahana naman.
03:18Kaya problemado ang mga tricycle driver gaya ni Jaime sa barangay Mayombo.
03:22Nga, nung oras na wala pang binahana.
03:25Alam nyo naman itong baha, kaya mayroon talaga ang pasada nyo.
03:30Sa Kalasyao, Pangasinan, ang mga humuhupa ng baha muling tumaas
03:34dahil sa walang tigil na ulan.
03:35Gaya sa barangay Talibao, kung saan halos baywang na raw ang tubig sa ilang sityo.
03:40Si Nanay Josie, muling itinaas ang mga gamit sa bahay.
03:44Tataas na naman kasi balita namin magbabawas na naman yung dam.
03:48Eh, dito ang magsak.
03:50Kaya yun, kaya nga natatakot na kami.
03:52Sa tala ng Kalasyao MDRRMO, nasa 8.2 feet above critical level ang Marusay River.
03:58Pinagahanda na para sa posibleng paglikas ang mga maaapektohang residente.
04:03Pinabantayan pa rin po natin ang barangay Talibao, Lungos, Lumbang, portion of Lasek, at saka portion of Mancoop
04:09dahil itong mga barangay na ito po ay yung mga naitala natin na nagkaroon ng pinakamataas na level ng tubig
04:15na baha.
04:16Nag-instool ang ilog naman ang kalsadang ito sa barangay Bungalon sa Labrador, Pangasinan dahil sa tuloy-tuloy na ulan.
04:23Hirap tuloy makadaan ang mga sasakyan.
04:27Binahari ng ilang lugar sa bayan ng Aguilar.
04:29Nagpatupad ng preemptive evacuation ang otoridad.
04:32Nag-install din ng lifeline rope sa mga binahang barangay roads upang may makapitan ang mga tumatawid na residente kung
04:38sakaling rumagasa ang tubig.
04:40Patuli rin ang rescue operation sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa bayan ng Agno.
04:45Pitong lugar na sa Pangasinan ang nagdeklara ng state of calamity.
04:48Dumagdag ang mga bayan ng Infanta at Linggayen.
04:51Nasa blue alert naman ang Pangasinan PDRRMO at nananatiling nakabantay sa mga flooded at landslide prone area sa probinsya.
04:59For the flooded areas mayroon pa po tayong walo na mga barangay
05:05and mayroon din mga nire-report na reseeding.
05:10Ito ay nasa 57 naman na mga barangay.
05:13Sa Bontoc Mountain Province, hindi madaanan ang bahagi ng Baguio Bontocro
05:17dahil sa pagguho ng mga tipak ng Bato Bunsud ng Pagulan.
05:21Mahigit sa nlibong barangay.
05:23Sa Cordillera ang may posibilidad na makaranas ng baha at landslide.
05:26Base sa 72-hour forecast ng Mines and Geosciences Bureau.
05:30Kaya nananatiling nakataas sa blue alert ang Emergency Operations Center ng RDRRMC Cordillera.
05:36Ayon sa pag-asa, may chance ang makaranas ng pag-ulan sa Benguet at Baguio City.
05:41Ang forecast kasi ng pag-asa ngayong araw hanggang buka, 100-200mm.
05:46Parang orange color yun.
05:48Maaring humiina pero may ulan pa rin tayong inaasahan.
05:57Pia Ivan, maulan pa rin ang panahon dito sa barangay Kutkut.
06:00Dito sa Tarlac City.
06:01At patuloy din ang malakas na pagragasa nitong Tarlac River.
06:04Kaya naman, full force at nakatutok ngayon ang city at provincial offices
06:08para sa posibli pang epekto nitong tuloy-tuloy na pag-ulan.
06:12At sa pag-subaybay din natin kanina sa daloy ng trafico dito sa kanilang lugar,
06:16ay wala naman tayong napansin na heavy traffic bagamat isinara itong Aquino Bridge
06:20at portions nitong kalsada para magbigay daan sa mga heavy equipment
06:24na magtatambak dito sa natiskubre na sinkhole.
06:27At sa ngayon ay under observation at nilagyan na rin ng barikada
06:31ang 10 metro na bahagi ng daanan sa di kalayuan lang nitong tuloy na
06:35kung saan may nakita nga cracks at sira ng lumitaw itong sinasabi natin na sinkhole.
06:42Pia Ivan.
06:43Ingat, maraming salamat.
06:45Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
06:47Bumaha na naman sa ilang parte ng Metro Manila dahil sa magdamag na ulang-dala ng habagat.
06:52At sa Quezon City, magit-isanda ang pamilya ang satilitang pinalikas.
06:57Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
07:02Naging maulan ang magdamag sa iba't ibang lugar o sa Metro Manila dulot ng habagat.
07:07Sa Maynila, panakanaka ang ulan sa Espanya, Quezon Boulevard hanggang makarating ng Taft Avenue.
07:14Katamtamang ulan naman ang naranasan sa UN Avenue at Roas Boulevard, Maynila hanggang makarating ng Pasay.
07:20Wala namang napaulat na baha sa mga nasabing lansangan.
07:24Sa Kaloocan, nagdulot ng Gutter Deep na baha sa Dagat-Nagatan Avenue ang halos tuloy-tuloy na mga pagulan.
07:31Sa Malabon, nagkaroon ng Gutter Deep na baha sa mababang bahagi ng kalsada sa parangay Maysilo.
07:38Pagdating sa tapat ng Malabon Central Market, abot binti ang baha.
07:42Gutter Deep din ang baha sa isang village sa barangay Apolonyo, Samson, Quezon City.
07:48Bagaman hindi pa masyadong bumubuhos ang ulan, bumaha na rin sa Gumamela Street sa Roas District, Quezon City.
07:55Kaya ang lokal na pamahalaan, kahapon pa lang ay sapilitan ng pinalikas ang mga residenteng nakatira malapit sa mga daluyan
08:02ng tubig sa Roas District, Kamuning at Bahay Toro.
08:06Pero ang ibang residente, hindi muna lumikas para bantayan ang kanilang mga bahay at ang sitwasyon sa lugar.
08:12Sa Roas District Gymnasium at General Rojas Elementary School, nananatili ang nasa 138 pamilya o higit apat na lang ang
08:23indibidwal.
08:24Actually po pag ganyan talaga, masama ang panahon, nagpapa-force evacuation na kami.
08:29Siyempre, iba na rin yung mas maaga na nagpupunta rito para at least safe po ang lahat.
08:35Ayaw ko na talaga lumusog na hanggang dito. Kaya kahapon, natuwa ko na maga sila nga nagpalikas. Dahil hindi kami
08:44nabasa.
08:46Dakong alas 9 kagabi, nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa North Sagaray, Bulacan.
08:51Matapos umabot sa 100.83 meters ang level ng dam reservoir.
08:56Binuksan ang radial gate A ng 15 centimeters na nagpakawala ng tinatayang 35 cubic meters per second ng tubig.
09:05Nakabantay sa sitwasyon ng mga opisyal ng barangay Matiktik.
09:08Ayon sa barangay, lumalakas ng agos at nagiging kulay putik ang tubig sa ilog kapag nagpapakawala ng tubig ang Ipo
09:16Dam.
09:16Pero kampante sila ngayon dahil may epektibo na flood control sa ilog at may early warning device sila.
09:23Wala na po kami dito, yung baha. Wala na po din po yung nililikasan ngayon.
09:28Nakatulong po naman ako yung flood control.
09:31Gabriel Gonzalez, nakatutok 24 oras.
09:35Walo na ang naitalang patay sa paglubong na isang bangka sa isang lawa sa San Marcelino Zambales.
09:41Na-recover ang bangkay ng dalawang batang Aita na kabilang sa tatlong nawawala matapos lubog ang bangka nila noong Webes.
09:48Bula sa Zambales, nakatutok live si Ian Cruz.
09:52Ian.
09:55Ivan, sa kabila nga nung masungit na panahon ay dalawang bangkay na nga batang Aita ang na-recover ng mga
10:02residente at mga otoridad.
10:03Dito nga sa Lake Mapanuepe sila yung kabilang Ivan.
10:06Doon sa mga nawawalang mga Aita matapos ngang lumubog ang isang bangka dito sa lawa.
10:14Nakalutang na sa Lake Mapanuepe ang bangkay ng isa sa dalawang batang Aita.
10:19Kaya sa pagdaan ng isang bangkero, nakita ito at tuluyang naiahon.
10:23Isa siya sa tatlong nawawalang Aita nang lumubog ang kanilang bangka sa Lake Mapanuepe nitong Webes dahil sa malakas na
10:31hangin at alon.
10:31Batang babae sir. So na-retrieve nila sir, hindi nila dito sa buhawan proper sir.
10:37Pagdating dito sir sa buhawan proper, positively in-identify siya sir ng relatives na sir.
10:42Na isa nga dun sir sa mga nalunod noong August 27 sir.
10:46Agad nagkasan ang operasyon ng motoridad.
10:48At kalaunan, nahanap ang isa pang batang Aita na nakalutang na rin sa lawa.
10:55Sinama nila yung bangkero sir.
10:57Doon sa area kung saan nila nakukita yung unang cadaver natin sir,
11:01doon din nila nakuha malapit lang doon yung pangalawang cadaver natin sir.
11:05Patuloy ang masungit na panahon di the Zambales, panayang malalakas na ulan.
11:09Pero hindi natitinag nito ang mga nagsasagawa ng paghahanap sa ina ng isa sa narecover na bata.
11:15Siya na lang ang hinahanap ngayon.
11:17Gumamit na ng jet ski ang vice mayor at police chief ng San Marcelino para mapabilis ang paggalugan sa lawa.
11:25Pero sumama ang panahon sa pagitan ng alas dos at alas tres ng hapon.
11:29Kaya itinigil muli ang paghahanap sa ina na buntis pa man din.
11:33Gumigilid kami doon sa mga puno at napagbabakasakali na baka doon siya napadpad.
11:42Pero malakas talagang alon.
11:44Tapos yung visibility, kumusta doon kanina?
11:46Talagang nagsisiro visibility siya sa lakas nung ulan.
11:51Walo nang naitalang patay sa paglubog ng bangka.
11:54Ayon sa operator ng lumubog na bangka, walang life vest na suot ang labing tatlong sakay nito.
11:59Isa rin sa iniimbisigahan ay kung overloaded o sobra ang sakay ng bangka.
12:03Ang mga bankero, magkakaroon niya ng mga seminar para aware sila in case of emergency, alam nila yung ginagawa nila.
12:13Ang summer loader naman po.
12:15Ivan, sa kabila nga ng weather outlook ng pag-asa para bukas, umaasa pa rin yung mga taga dito sa
12:22San Marcelino na kahit papaano ay bubuti ang panahon para magkaroon sila ng window na maituloy nga yung search and
12:29rescue operation para tuluyang mahanap yung nawawalang buntis na Aita.
12:34Yan ang latest mula rito sa San Marcelino, Sambales. Palik sa'yo, Ivan.
12:39Ingat, maraming salamat, Ian Cruz.
12:42Nagbabala ang FIVOX sa posibleng pagdaloy ng lahar sa bulkang pinatubo at sa paligid ng Taal Lake.
12:48Dahil po yan sa patuloy na pag-ulang dala ng habagat sa western at central portions ng Luzon.
12:53Ayon sa FIVOX, ang matagal at matinding pagulan ay posibleng magdulot ng lahar o kaya'y muddy stream flow sa
13:01mga ilog sa kanurang bahagi ng bulkang pinatubo kung saan naipon ang volcanic deposits na mula pa noong pumutok ang
13:07bulkan taong 1991.
13:09Posibleng po itong dumaloy sa mga ilog at magdulot ng baha sa tarlak at bataan.
13:13Ngayon din sa ilang bayan sa Zambales, particular sa San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan.
13:20Ang abo naman na dating ibinugan ang bulkang Taal na naipon sa paligid ng lawa,
13:25posibleng makaapekto at magdulot ng muddy stream flow sa mga komunidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.
13:36Lagpastaong bahang naranasan sa isang barangay sa Paranaque dahil sa walang tingil na pagulan.
13:42Nakatotok doon live si JP Seriano.
13:45JP
13:48Ivan, mga kapuso, narito po tayo ngayon sa isang bahagi ng San Felipe Street sa barangay San Isidro sa Paranaque
13:54City.
13:54At kaninang madaling araw, Ivan, ay natrap po ang ilang residente sa bahaging ito.
13:59Matapos nga po nga lumabot ng lagpasta o ang baha,
14:02nagsubside na yan pero nanatili pa rin ang tubig sa bahaging ito ng Paranaque.
14:11Dahil sa malakas at halos walang tingil na ulan maghapon sa Paranaque,
14:15bumaha sa Dr. A. Santos Avenue o Paranaque, Sukat Road.
14:19Kahit nakadaraan naman ang mga sasakyan,
14:22nagdeploy pa rin ng rescue trucks ang lokala pamahalaan para sa mga stranded na commuter.
14:27Kita rin sa kuha ng Super Radio DCWB ang baha sa labas ng mall sa Sukat Road,
14:32kung saan may dineploy na truck ang PNP para tumulong sa mga stranded.
14:38Pero sa ilang bahagi nito, tulad sa barangay San Isidro, mas malalim na baha ang naranasan.
14:45Mag-alas 12 ng tanghali dito po sa bahagi ng San Felipe Street.
14:48At dito po sa bungad, nasa binte hanggang hita ang tubig.
14:52Pero kanina po nga madaling araw, umabot po ng lagpastao ang baha dito ayon sa mga residente
14:57dahilan para matrapang ilan sa kanila sa mga bahay nila at ilang oras na hindi nakalabas.
15:03Si Rex nagpahupa muna ng baha, kaya hapon na na makabili ng pang-almusal nilang pamilya.
15:09Maglagpastao, saan po kayo nagpupunta?
15:11Diyan, nasa taas ang bahay.
15:13Tapos nagaantay.
15:14Then sa likod ng bahay namin, mga natumba din ang mga pader.
15:18Kagaya ngayon, sir, may pasok pa kami.
15:20Di kami makapasok.
15:21Tapos may importante pa kami sikasuhin.
15:24Di kami makapasok.
15:24Ang bahay ni LaCell binaha pa rin kahit mataas naman.
15:28Iniingatan paman din niyang matalsikan ng tubig baha ang kanyang dialysis catheter.
15:33Tatlong beses sa isang linggo ang dialysis ni Cell.
15:35Pero hindi na nakapunta sa ilang session niya dahil sa baha.
15:39Hindi makatawid kaya minsan ika-cancel yung nakaano ngayon.
15:43So, ililipad naman another schedule na naman.
15:46Ang ilang magkakapitbahay, nagtulong-tulong para ma-rescue ang ilang senior senesen ng tumaasang tubig kanina.
15:53Binungat mo namin po about ang bangka.
15:55Samayin natit po namin doon sa may record.
15:57Si Rosana, na nakita naming sumuong sa baha,
16:01nagsabing magpapatingin sa health center para mabigyan ng tamang gamot
16:04bilang pag-iingat sa sakit na leptospirosis.
16:07Sabi niya, mas mataas ang tubig sa kanila kaninang madaling araw.
16:12May mga safety hawakan po.
16:15Pag magbabaha po, may mga safety hawakan po.
16:18Kumakapit na lang kayo.
16:20Kumakapit na lang po.
16:21Binahari ng ilang bahagi ng Las Piñas.
16:23Sa barangay Pulang Lupa, uno lagpastuhod ang tubig sa ilang bahagi ng Real Street.
16:29May pagbabaha rin sa Supported Junction at Alido Bridge.
16:32Nagpadala ng mobile pumps o flood mitigation pump ang DPWH para higupi ang baha sa kalsada.
16:42At Ivan, mga kapuso, para po sa mga residente rito at pupunta rito,
16:46hindi ho passable sa light vehicles ang isang bahagi ng San Pedro Street Corner,
16:51Sukada, Paranaque Road.
16:53Bahagyang tumila ang ulan pero Ivan, halos buong araw talaga,
16:56ay walang pati ng malalakas ulan dito sa malaking bahagi nga ng Paranaque City.
17:00At yan muna ang latest. Balik muna sa'yo, Ivan.
17:03Ingat kayo dyan. Maraming salamat. J.P. Soriano.
17:06Mga kapuso, uulit-ulitin po namin ang paalala nito ha.
17:09Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
17:12Bukot po sa posibilidad na makakuha ng sakit tulad ng leptospirosis,
17:17hindi rin po natin alam kung anong nasa ilalim ng baha.
17:20Maaring may mga butas at imburnal.
17:22Maaring kayong mahulog at mga matutulis sa bagay na maaring makasugat sa inyo.
17:26Iba yung pag-iingat po.
17:30Napinitan lumikas ang ilang residente sa Balanga Bataan dahil po sa mataas na baha.
17:34At mula sa Balanga Bataan, nakatutukla si Bea Pintla.
17:39Bea?
17:44Pia, sa ngayon tumila ng ulan dito sa bataan pero nakataas pa rin po ang red rainfall warning
17:48at inaasahan na hanggang bukas posibleng bumuhos ang malakas na pag-ulan.
17:55Aakalain mong bahagi na ng ilog ang palibot ng mga bahay sa Barangay San Pablo
17:59sa Dinalupihan Bataan dahil sa baha na umabot hanggang dibdib kagabi.
18:04Inilikas na ng mga otoridad ang mga residenteng stranded sa baha.
18:08Kaninang umaga, umabot hanggang bewang ang baha sa ilang bahagi ng Balanga.
18:12Sa abu kay bataan, ramdam din ang malakas na buhos ng ulan
18:16kung kaya't nagdulot din ang pagbaha sa ilang kalsada.
18:18Pagpasok pa lang ng aming team sa bataan, baha na ang sumalubong.
18:23Marahang nagpatakbo ang mga motorista dahil sa hanggang gutter na baha
18:26sa bataan Provincial Expressway.
18:29Walang pagkakaiba sa ilang kalsada malapit sa mga bahay.
18:32Ang isang motorista, inakay na lang ang motorsiklo sa lagpas sako na baha.
18:37Dahil sa walang humpay na ulan, muling pinasok ng marumi
18:40at kulay putik na tubig ang bahay ng senior citizen na si Marites.
18:45Bahain daw kasi talaga ang barangay kataning sa Balanga.
18:48Kaya kabisado na nila ang gagawin.
18:50Aangat ang mga gamit, aakyat sa second floor
18:53at kapag medyo humupa na ang baha,
18:55lulusong sa tubig para kahit papaano makapaglinis na.
18:59Sa barangay poblasyon naman, sinuong na ng pamilya ni Callie Jake
19:02ang baha para kusang lumikas.
19:04Kasama niya ang apat na taong gulang na anak.
19:07Ang mag-asawang chat at mark biyaheng Baguio dapat
19:10para sumuporta sa anak na kukuha ng board exam
19:13pero napilitan munang umatras.
19:15Apektado rin ang mga negosyo sa lugar.
19:18Mangilan-ngilan lang ang establishmentong nagbukas ngayong araw.
19:22Pero kung tumaas pa ang baha,
19:24siguradong sarado na rin sila bukas.
19:26Narito ang kanilang mga pahayag.
19:31Siyempre, nangangamba ma'am, kasi baha ito eh.
19:33Kaya, nangangamba sa left ito, gano'n.
19:36Wala naman kaming magagawa ay ma'am.
19:38As talagang ano na namin ito, talagang tag-ulan ito lang ano namin.
19:42Dapat naalis kami, hindi na natuloy dahil gawa ng matasong tubig.
19:45Yung bahay namin nang iniwanan, baka bahan na rin kasi.
19:47Kailangan namin check.
19:48Tinanong ko yung hipag ko.
19:50An inch na lang daw papasok na rin sa bahay namin.
19:53Grabe, grabe yung nangyari na ito.
19:55Hirap lang po maglimas.
19:57Kaya po gumawa kami ng ano po, para hindi po pumasok.
20:00Ano po ba ito paliwala?
20:01Blood control kinemi po.
20:03Nababawasan naman po yung ano po, yung tubig na pumapasok.
20:06Kanina po kasi talagang ano po eh, apaw na po sa loob.
20:14Pia Ayon sa Bataan PDRRMO,
20:16mahigit 60 barangay na sa buong probinsya
20:19ang lubog sa baha dahil sa tuloy-tuloy na pagulan
20:22na sinabayan pa ng high tide.
20:24Nasa 1,400 individuals naman ang inilikas na.
20:27Yan ang latest mula rito sa Bataan.
20:29Balik sa'yo, Pia.
20:31Maraming salamat at ingat kayo, Bea Pinlak.
20:34Nagpabaha ang habagat sa maraming lugar sa Olongapo City.
20:38Sa Sityo Iram, rumagasa ang kulay putik na baha
20:40at kasuro ng malakas na ulan.
20:43Nakipagugnayan na ang lokal na pamahalaan
20:45sa Armed Forces of the Philippines
20:46para sa mga nais magpalikas.
20:48Kagabi, maraming residente ang stranded sa manawakang baha.
20:53Sa huling tala ng Olongapo City Information Center,
20:56may git-isan libong individual na ang lumikas
20:58at nananatili sa mga evacuation center.
21:03Na-trapped sa kanilang apartment ang ilang individual sa noveleta sa Cavite
21:07matapos humarang ang isang nabuwal na puno.
21:10At sa Baco or Cavite, inilagay na sa timba ang isang bata
21:14para mailikas mula po sa abot lieg na baha.
21:17Nakatutok nun lahat!
21:19Si Katrina Sor.
21:21Katrina?
21:25Pialagpastao ang baha sa ilang mga lugar dito sa Barangay Nyog sa Baco or Cavite.
21:30Sa bilis din ang pagtaas ng tubig,
21:33isang bata ang kinailangang isakay sa timba para mailigtas at mailikas.
21:43Sa gitna ng abot lieg na baha,
21:46isang bata ang maingat na inilagay sa timba
21:49ng mga rescuer at residente para maitawid sa mas ligtas na lugar.
21:54Kabilang siya sa mga kinailangang iligtas ng tumaas ang tubig
21:58sa 1st Street, Santo Niño, Puroc 3, Barangay Nyog sa Baco or Cavite
22:03sa gitna ng walang tigil na pagulan mula pakagabi.
22:07Nagpastao na po talaga yung tubig baha.
22:10Kaya agad po namin kinuha po yung baby doon po sa malalim na area po.
22:18Nilagay lang muna po namin sa timba kasi biglaan po yung tawag.
22:23Hindi na namin nadali yung bangkado kaya yun na lang muna.
22:27Priority po na po namin, mauha po yung bata kasi mabilis po yung pagtaas ng baha.
22:33Mahigbit ding binabantayan ang Nyog Road.
22:35Lagpas tuhod na ang baha rito at hirap na madaanan ng maliliit na sasakyan.
22:41Andito nga ako ngayon sa Nyog Road dito sa Barangay Nyog sa Baco or Cavite.
22:46Sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy pa rin yung pagtaas ng baha rito
22:50dahil yan sa tuloy-tuloy na pabugsong-bugsong may kalakasan na pagulan.
22:54Kaya naman yung mga sasakyan na dumadaan dito ngayon,
22:57ang ilan naghahanap na lamang ng alternatibong ruta.
23:00Kabilang din sa mga binabahang lugar ang Danny Reyes Street sa Purokdos.
23:06Sa ibang bahagi ng barangay, mula tuhod hanggang bewang ang taas ng tubig.
23:11Kaya ang ilang residente, kusang lumikas at nagtungo sa evacuation center
23:16habang kaya pa nilang makalabas.
23:19Leksyon daw sa kanila ang naranasan noon na hirap sa paglabas ng kanilang mga bahay
23:23kapag mataas na ang tubig.
23:25Lagpastao na po sa amin, ilangoy na lang namin para malabas ko yung apoko.
23:29Andun po, tapos lumangoy na lang kami palabas.
23:33Kasi pumasok na sa loob eh, sa bahay namin.
23:38Kaya umano na, kangina, hindi pa ako kasi sabi ko wala pa naman eh.
23:43Eh biglang umano na.
23:46Ngunit may ilang inabutan pa rin ng mataas na baha.
23:49Kaya napilitang lumangoy makapunta lang sa evacuation site.
23:53Pug na kami sa baha, ano na kayong pupunta na kayo doon?
23:56Kaya syempre may mga bata po.
23:58Malalim na eh, wala kami matutulugan eh.
24:00Sa barangay Mambog Tres, hindi na madaraanan ang mga light vehicle ang ilang kalsada
24:05dahil sa 8 hanggang 10 pulgadang taas ng tubig.
24:09Maging sa Noveleta, Cavite, hindi madadaanan ang kalsada mula barangay San Antonio 1 hanggang San Antonio 2
24:16dahil sa lampastuhod ang baha.
24:19Binabantayan na ng polisya ang pasukan ng lugar.
24:21Posible pa raw kasing tumaas ang tubig dahil sa inaasahang high tide at panganib na umapaw ang katabing ilang-ilang
24:29river.
24:29Naging maagap naman ang ilang residente ng Noveleta sa Bantanang Baha.
24:33Naglagay sila ng mga DIY flood control o lokal na tinatawag na baral.
24:39Pero pangamba nila na baka malampasan muli ito ng baha gaya ng nangyari noon.
24:45Natrap naman sa loob ng isang tatlong palapag na apartment.
24:48Ang mga residente nang humambalang sa gate nito ang nabuwal na matandang puno ng balete sa Noveleta Diversion Road pasado
24:55alauna ng hapon.
24:57Pinaniniwala ang lumambot ang pundasyon nito dahil sa ulan at tuluyang bumagsak sa lakas ng hangin.
25:04Naibagbigay alam na ang insidente sa mga kinauukulan.
25:11Pia, balik naman dito sa Barangay Niyog.
25:15Nakaantabay pa rin ang barangay at patuloy nga nilang minomonitor ang mga lugar na mabilis bahain dito sa lugar.
25:21Nakastandby din ang kanilang rescue team sakaling may kailanganin i-rescue ngayong gabi.
25:27Pia?
25:29Marami salamat at ingat kayo, Katrina Son.
25:32Lagpastaong baha sa ilang bahagi ng Quezon City at marami pa rin kalsada ang hindi pa rin madaraanan.
25:38Mula sa Quezon City Nakatutok Live, si Bernadette Reyes.
25:42Badet.
25:47Iban may at maya ang buhos ng malakas na ulan dito sa Quezon City kaya naman mataas pa rin ang
25:52baha sa ilang lugar.
25:56Abot dibdib ang tubig sa Barangay Katipunan.
26:00Nagsaguanan ng rescue ang Katipunan DRRMO sa residenteng na trap sa baha.
26:05Baha rin sa Kaingin, Bukid sa Barangay Apolonyo, Samson.
26:10Abot hanggang sa ring ng basketball court ang tubig.
26:13Mataas rin ang tubig sa Biak na Bato Street malapit sa Quezon Avenue.
26:18Gayun din sa EDSA, Balintawak.
26:20Bumaharin sa North Fairview.
26:22Bandang alas 10 na umaga, gutter deep lang ang tubig dito sa may NS Amoranto, Quezon City.
26:28May mga naabutan pa kaming naglilinis na mga inlet o daluyan ng tubig.
26:32Pero dakong alauna ng hapon, bumuhos ang malakas na ulan, agad tumaas ang tubig.
26:38May mga naglabas na ng bangka para makatawin.
26:41Sa Santo Domingo Street naman, sa panulokan ng Atok at Kalamba Street, abot hanggang bewang ang baha.
26:46May mga nag-u-turn na sa sakyan, pero ang iba, pilit na tumawin.
26:51May ilan namang lumusong sa baha.
26:52Sa bahagi naman ng Maria Clara, lampas taon na ang tubig.
26:56Narito ang pahayag ng ilan sa mga nakapanayam naming apektado ng pagbaha.
27:03Kasi po pag nasa bahay lang walang kita eh.
27:05Ngayon kahit po may bagyo, nagtinda pa rin po ko.
27:08Tapos sabi ko po, kung sakali mong babaha, may ililikas ko pa rin naman po.
27:11Kasi rolling store naman po yung gamit ko.
27:13Lagpas taon na rin po yung tubig dun sa Maria Clara.
27:16Kasi mabilis po tumaas, kasi tuloy-tuloy yung ulan.
27:18Taon-taon na po namin na ganyan talaga dito eh.
27:21Parang sanay na po kami eh.
27:22Pag may hirap po malubukan eh.
27:32Ivan, kanina ay nakikita na natin yung kalsada dito sa kahabaan ng Santo Domingo Street.
27:37Pero saglit lang, nabumus yung malakas na ulan at eto, abot hanggang 20 na naman ang baha dito.
27:44Ivan?
27:45Ingat kayo. Maraming salamat.
27:47Bernadette Reyes.
27:48Nawalan po ng tirahan ang ilang residente sa Lubao, Pampanga.
27:52Matapos matangay ang kanilang mga umatangay ng baha dahil sa agos ng tubig mula sa Santo Cristo Dam.
27:58Magbara rin sa dam ang toneto niladang basura.
28:02At mula sa Lubao, Pampanga, nakatutukla si John Persuica.
28:06John?
28:11Pia, nilikas na nga ang may tatlong pamilya na kinabilangan ng may isang daang individual mula rito sa barangay Santo
28:17Cristo sa Lubao, Pampanga.
28:19Matapos nga nga masira ang limang bahay ng umapaw na tubig.
28:26Ayon kay Lubao Mayor Esme Pineda, dakong alas 11 na umaga kahapon nang bumara sa Santo Cristo Dam ang toneto
28:33niladang kahoy, debris at basura na nanggaling sa upland.
28:36Ang naging epekto, naganap ng ibang daan ng tubig, umapaw at sinira ang isang bahagi ng slope protection sa loob
28:44at tuluyang napasok ang ilang residential area.
28:48Kinilaunan ay matapos matibag ang lupa sa ilalim ng mga nakatayong bahay, tuluyang natangay ang mga ito.
28:56Ang dating ito ng rumaragas ang tubig na galing sa umapaw na ilog dito sa Lubao, Pampanga.
29:05Kung kaya naman minabuti ng Lubao LGU na ipagbawal ang kanilang mga residente na bumanik mula sa kanilang mga bahay
29:15dito sa Lubao.
29:25Manginginig ka po, hindi ko po alam. Wala po akong chineles, lumalakad akong balik-balik, umuulan.
29:30Basang-basa po kami. Hindi mo po alam kung anong pakiranda mo sa mawawalang kanambahin.
29:38Kala ko sa TV lang nakikita yung natitibag na ganun.
29:42Kasama na rin yung ating medical health office kasi kinitignan natin may mga seniors, minors at mga kababayat.
29:48May mga sakit.
29:49So pati nabigyan na rin sila ng mga basic necessities na kailangan ng mga individuals doon.
30:02Sa ngayon nga PIA ay patuloy na kantabay itong mga otoridad dito sa bahagi ng Lubao Pampanga.
30:06At matapos nga natin umere ng ngayon ngayon lang PIA habang tayo ay nagreport ay gumuhu na yung ilang bahagi
30:13itong bahay na ito
30:15na ating binabantayan kanina pa.
30:17Kanina buong buo pa yan PIA.
30:19Pero nakikita nyo ngayon ang kanyang struktura.
30:22Nakatabingi na, gumuhu na yung pinakailalim at anumang sandali mula ngayon,
30:27inaasahan natin PIA na posibleng ito ay tuluyan ng matangay ng rumaragasang bahagi ito.
30:33At dahil nga ito sa pag-apaw ng tubig na galing sa ilo, pumunta sa ibang daanan at tinangay itong
30:42lupa na sa ilalim ng bahay na ito, PIA.
30:46John, linawi lang natin, dahil pag nakikita natin, talagang nakatagilid na yung bahay.
30:51At gaya ng sinabi mo, mukhang anumang oras ay pwede na talaga itong tangayin.
30:54Pero sa mga sandali ito, wala ng tao na nandun sa loob ng mga bahay na yan, John.
31:03Dama ka doon, PIA. Actually, nung umere tayo, maayos pa yung insura niya, PIA.
31:07Pero habang tayo nagre-report, ay bigla na lang tayo nakarinig ng malakas na tunog.
31:12At yun na nga, PIA, tumambad na sa ating ngayon, itong pagbuhok ng itong bahay na ito.
31:17At talagang nakatagilid na siya, anytime pwede na siyang bumigay.
31:20Sa ngayon, PIA, nakakita tayo ng ilaw sa loob.
31:23Meron tayong mamanaag na ilaw sa loob ng bahay na ito.
31:27Pero ayon sa ating mga nakausap ng opisyal, ay ito raw ay mga solar lights sa loob.
31:31So, sa ngayon, wala lang tao sa loob ng bahay.
31:34At pinagbawal na rin na bumalik itong mga residente nito dahil sa ayon sa lubaw, LGU,
31:41lubhang napaka-piligroso ng mga sitwasyon sa mga oras ito.
31:45Dahil nga sa patuloy na pagreksa pa rin ng tubig sa bahagin ito ng lubaw, PAPANGA, PIA.
31:51Alright, ganun kabilis, John. Babantayin natin ang sitwasyon dyan.
31:55Pero una sa lahat, John, magingat kayo.
31:57Maraming salamat si John Consulta po live mula sa Lubaw, PAPANGA.
32:01Silipin naman natin ang sitwasyon sa Bulacan.
32:04Nalubog na naman po sa baha ang ilang lugar sa lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na pagulan.
32:09At nakatutok doon live si Jamie Santos.
32:12Jamie.
32:14Ivan, mabilis ang pagtaas ng tubig sa Marilaw River dito sa Bulacan dahil nasa patuloy na pagulan.
32:20Ayon sa Bulacan PDRRMO, 3 hanggang 4 na salampakan ang itinaas ng level ng Marilaw River.
32:28Dahil dito, may mga kalsada ng hindi madaanan ng mga susakyan.
32:32Samantala, possible naman yung N-Lex sa kabila ng water build-up sa ilang bahagi ng expressway.
32:38Lubog sa baha ang ilang bahay sa tabi ng itinog ng Marilaw.
32:42Ang lokal ng pamahalaan ng mga apektadong residente.
32:45Pero may mga nanaratinig ayaw dahil ayaw nilang iwan ang kanilang mga bahay.
32:51Isang burol nga ang ipinwesto sa kalsada sa tabi ng tuloy dahil sa baha.
32:55May mga commuter na nakikisabay sa malalaking truck para makatabida.
32:59Nagbigay na rin ng leader Sakai ang LGU ng Marilaw.
33:02Baha na rin kasi ang kahabaan ng MacArthur Highway.
33:06Dalawang bata at kanilang tatay ang nirescue ng kanilang kapitbahay na naipit sa taas ng baha.
33:11Dito sa barangay sa bayan pa rin ng Marilaw.
33:14Patuloy ang pagpulan dito sa Bulacan.
33:17Kaya mahigpit na minomonitor ng PDRRMO ang Marilaw at may kawayan.
33:21Dahil sa mabilis na pagtaas ng antas ng Marilaw River.
33:24Ayon sa PDRRMO, tubig mula sa mga kabundukan at upstream areas ang bumaba sa Marilaw River.
33:31Umabot sa 3-4 talampahan ang itinaas ng tubig sa ilog ng Marilaw.
33:36Nagbakawala ng tubig ang ipo at bustos dam sa simula pa kagabi.
33:40Dahil sa patuloy na pangulan.
33:42Ayon sa Bulacan PDRRMO,
33:45nasa 101.17 meters ang water level ng ipo dam.
33:49At 0.17 meters lang pa sa screening level.
33:52Ito 101 meters.
33:54Ang bustos dam,
33:55nasa 16.42 meters.
33:57O 0.42 meters lang pa sa screening level.
34:00Na 16 meters.
34:01Ayon sa PDRRMO,
34:02hindi ang release mula sa ipo dam ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng bahasa mga bayan sa coastal areas.
34:10Patuloy din din no-monitor ng National Irrigation Administration ng bustos dam,
34:15kung saan ang anin na inflatable rubber gates at along clean gates ang nakabukas.
34:20Pusigling dagdaga ng pagbukas ng gates kung magpatuloy ang malakas na pagpulan.
34:24Pinaging ingat din ang mga nakatira sa mababang lugar sa Baliwag,
34:28Claridel,
34:29Pulilan,
34:30Kalungkit,
34:31at Hagonay na malapit sa mga ilog.
34:43Ingat kayo at maraming salamat sa iyo,
34:45Jamie Santos.
34:46Asahan pa rin po ang maulang panahon bukas sa Northern at Central Zone,
34:50pati na sa Metro Manila at Calabar Zone,
34:52ayon po sa pag-asa.
34:53Sa Heavy Rainfall Outlook ng pag-asa,
34:55as of 5 p.m.,
34:57asahan ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila,
35:00Ilocosur,
35:00Pangasinan,
35:01La Union,
35:02Benguet,
35:03Bataan,
35:04Zambales,
35:04Tarlac,
35:05Pampanga,
35:06Bulacan,
35:07Rizal,
35:07at Cavite,
35:08gandiyin sa Ilocos Norte,
35:10Abra,
35:10Apayaw,
35:11Kalinga,
35:12Ifugao,
35:12Mountain Province,
35:14Nueva Vizcaya,
35:15Nueva Ecija,
35:16Laguna,
35:16Batangas,
35:17Occidental,
35:18at Oriental Mindoro.
35:19Habagat o Southwest Monsoon pa rin ang nagpapaulan sa Luzon at Visayas.
35:24Pinalalakas po yan ang dalawang low-pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
35:32At sagit na po ng masamang panahon, nasa Botolan, Zambales po ngayon, ang GMA Kapuso Foundation para mag-abot ng
35:38tulong.
35:39Pupunta rin po sila sa bayan ng San Marcelino.
35:42At mga kapuso, mag-ingat po tayo lahat ngayong maulang long weekend.
35:47Yan po ang mga balita ngayong araw ng Sabado.
35:49Ako po si Pia Arcangel.
35:50Ako po si Ivan Mayrina.
35:51Ito ang GMA News.
35:53Walang kinikilinga.
35:54Walang pinaprotektahan.
35:55Noon at ngayon,
35:57servisyong totoo.
35:58At dali hindi natutulong ang balita.
36:00Nakatuto kami.
36:01May 24 oras.
36:04Nakatuto kami.

Recommended