Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang pamboboso niya umano sa mga babaeng katrabaho sa Maynila.
00:07Ang suspect naglagay raw ng spy cam sa banyo nang tinutuloy nilang staff house.
00:12Balita natin ni Jomera Presto.
00:17Tila nagvavlog sa loob ng CR ang lalaking niya na nasa video.
00:22Pero nagseset up pala siya ng spy camera para makapamboso umano sa mga babaeng katrabaho niya
00:28na tumutuloy sa kanilang staff house sa Malate, Maynila.
00:31Ayon sa admin ng staff house, saktong naliligo ang isa nilang katrabaho
00:35nang mapansin ang isang hugis ballpen na nakaipit sa gilid ng inidoro.
00:40Nang inspeksyon ni nila, dito nakita na may memory card sa loob ng ballpen.
00:44Tinignan daw nila ito sa computer.
00:46Doon na nakita ang dalawang babae nilang katrabaho na nakuhanan sa video habang naliligo.
00:52Natukoy ng mga empleyado kung sino ang nasa likod nito
00:55dahil kita siya sa video habang sineset up ang spy cam.
00:59Sa pagkakilala ko po sa kanya, mabait po siya.
01:03Kaya hindi po namin siya nakitaan na parang may red flag na, parang gagawin sa amin yun.
01:08Bali, mag-eight months lang po siya sa amin.
01:11Agad isinumbong sa mga otoridad ang sospek.
01:14Inaresto siya ng pulisya.
01:16Malamang ko na matagal niya nang ginagamit yun.
01:20Nakakabit mo sa CR na yun.
01:22Na-inquest na kahapon ang sospek.
01:25Ayon sa pulisya, iniimbestigahan na nila kung ano ang planong gawin ng sospek sa mga nakuhang video
01:30at kung posibleng ibinibenta niya mga ito online.
01:33Pang-personal niya lang pong consumption, yung po ang pagkakasabi.
01:38Sinampan po natin siya ng paglabag po sa RA-995
01:41o yung Anti-Photo and Video Buyorism Act of 2009.
01:46Nasa kustodiyan ng Malate Police Station ang sospek.
01:52Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.

Recommended