00:00Daan-daang customer ng Manila Water at isang ospital sa Antipolo City ang nawalan ng tubig dahil sa tubong nasira
00:07at tumagas sa Marcos Highway.
00:09Patuloy itong kinukumpuni. May report si Katrina Zohn.
00:16Nagkabitak hanggang may bumulwak na kulay tsokolating tubig sa bahagin ito ng Marcos Highway sa barangay Nayon sa Antipolo Rizal.
00:23May narinig ding malakas na pagsabog doon ang polisya.
00:25Sa lakas ng pressure ng tubig, halos umangat ang semento at tumalsik ang ilang bato mula sa kalsada.
00:31Walang natamaang tao o sasakyan.
00:34Pero dahil sa malabukal na pagsirit ng tubig, bumigat ang traffic sa Marcos Highway.
00:39Dumating kalauna ng mga tauhan ng Manila Water para magkumpuni.
00:44Meron tayong isang main line na nagkaroon ng breakage kaninang umaga.
00:49300 mm ito or 0.3 meters yung diameter kaya medyo nagkaroon ng pagbahan ng tubig doon sa area.
00:59Dahil kailangang isara ang mga valve para sa repairs, ilang lugar ang nawalan ng tubig.
01:04Nagpadala ang Manila Water ng dalawang tanke para sa humigit kumulang 800 customer na nawalan ng tubig.
01:10Nag-deploy rin sila ng isang tanker sa isang apektadong ospital.
01:14Na-isolate nila ang linya at humupa ang baha.
01:16Hinukay nila ang kalsada para malantad ang tubo at makita kung saan at gaano kalaki ang bitak.
01:22Ang ilang tiniting ng sanhi ng sira, magtindi ng pressure sa linya, vibration o kaya'y bigat ng mga sasakyan
01:29sa ibabaw.
01:31Sa ngayon hindi natin matukoy kung ano talaga ang sanhi noong breakage.
01:36Target ng Manila Water na makumpuni ang tubo sa loob ng 24 oras mula nang ma-expose ito.
01:41Pero maaari pa itong ma-extend depende sa lalim ng linya, laki at posisyon ng bitak at iba pang kondisyon
01:48sa lugar.
01:49Sa barangay Puting Bato sa Antipolo rin, nagkataga sa air valve ng isang linya rin ng Manila Water.
01:55Ayon sa kumpanya, agad itong naisara at nakontrol.
01:58At hindi rin ito nagdulot ng water interruption.
02:01Katrina Son, GEME News.
02:04Outro