00:03Rumbaragas ang baha ang sumalubong sa mga residente sa kalsadang ito sa La Trinidad, Benguet.
00:09Ayon sa uploader ng video, nararanasan ang matinding pagbaha sa barangay Pugis tuwing malakas ang ulan.
00:17Hindi rin nakaligtas sa baha ang main road ng barangay Tawang, kahit mataas na ang lugar.
00:22Halos kalahati ng kalsada ang nalubog sa baha ayon sa kumuha ng video.
00:29Rumaragasari ng tubig sa alternatibong rutang ito sa Tublay, isa-isang inalalaya ng mga tumatawid dahil madulas na at maputik.
00:38Kaya pinapayuhan ng mga dadaan na magsuot ng proper footwear o rubber boots.
00:45Sa lakas ng ulan, nagkaroon ng debris flow sa Kapangan Road sa bayan ng Kibungan.
00:50May halong maliliit na bato at putik ang bahang dumadausdos sa kalsada.
01:01Dahil sa pag-uulan na nagpalambot sa lupa, gumuho ang isang retaining wall malapit sa boundary ng barangay New Cabalan
01:09at Old Cabalan sa Olongapo City.
01:12Nangyari yan dahong alas 11 ng umaga kanina.
01:15Damay ang isang bahay pero walang tao roon ang mangyari ang insidente.
01:19Kaya walang naiulat na nasaktan.
01:22Pansamantalang isinara ang kalapit na kalsada dahil sa posibilidad din ng pag-uho.
01:29Niragasaan ang flash flood ng dalawang barangay sa Pangasinan sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan kagabi.
01:36Nagmistulang ilog ang kalsada ito sa bayan ng Labrador.
01:40May mga kalsada ring nalubog sa bugalyon.
01:43Pasado alas 11 na kaninang umaga hanggang tuhod pa ang antas ng baha sa mga nasabing lugar.
01:5136 na barangay mula sa 7 bayan at isang lungsod sa Pangasinan ang binabaha pa rin.
01:58Binabaha pa rin ang ilang barangay sa Kalasyao.
02:01Patuloy na binabantayan ang antas ng Marusay River na nasa above critical level.
02:06Mark Salazar, GMA News.
Comments