Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa iba pang balita, bukod daw sa mga senador, may natatanggap ding TIG 500 million pesos
00:05ang mga district representative ng 19th Congress at mahigit 100 million pesos naman
00:12kada party list representative, ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
00:19I-dinitalya ni Bonoan ang anya leadership fund sa affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News.
00:25Balitang hatid ni Joseph Moro.
00:30Ang ibinulgar ni dating Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan
00:35tungkol sa leadership fund na kapaloob sa kanyang judicial affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News.
00:42Ayon kay Bonoan na alarma rao si Pangulong Bongbong Marcos nang isumbong niya noon
00:47na nababawasan ang budget para sa mga proyekto ng DPWH dahil napupunta sa mga insertions ng mga mambabatas.
00:55Kaya iniutos ng Pangulo na siguraduhin equitable o makatarungan ang paglilaan ng pondo sa lahat ng reyon.
01:02At dito nabuo ang Senate Leadership Fund para hiwalay na mapondohan ang mga priority infrastructure projects ng mga senador.
01:09Sabi ni Bonoan, alam daw ng gabinete ng Pangulo na doon kinukuha ang pampondo sa mga proyekto ng mga senador.
01:17May hanggang 24 billion pesos ang Senate Leadership Fund kada taon.
01:21Walang itinaktang halaga kung magkano ang mailalaan kada senador dahil nasa discretion na raw ito ng nakaupong Senate President.
01:30Pero hindi bababa sa 500 million pesos ang sabawat senador at ang Senate President at Chairman ng mga major committees
01:37mapaglalaanan ng hindi bababa sa isang bilyong piso.
01:41Sabi ni Bonoan, para sa 2024 budget, sinuoy Senate President Juan Miguel Subiri ang kausap niya kaugnay ng Senate Leadership
01:49Fund na nasa 13.29 billion pesos.
01:54Noong 2025 naman, sinuoy Senate President Francis Chisa Scudero ang kanyang kausap para sa pondong halos 21 billion pesos.
02:03Naano na nang sinabi ni Senador Subiri na hindi raw siya kailanman nag-request o humawak ng anumang listahan ng
02:09project request ng mga senador.
02:11Hiningan pa namin ng reaksyon siya Scudero. May budget allocation rin daw para sa mga kongresista.
02:17Gaya ng mga senador, hindi bababa sa 500 million pesos ang inilalaan para sa kada distrito.
02:24120 million pesos naman ang inilaan sa mga proyekto ng mga party list representatives noong 2023 at 2024 na itinaas
02:33sa 150 million pesos noong 2025.
02:36Gumawa raw sila ng formula kung paano ahatiin ang pondo sa mga kongresista at ikinonsulta daw ito kay nooy House
02:43Speaker Martin Romualdez at House Appropriations Committee Chair Saldi Coe at iba pa.
02:48Ang formula tinanggap naman daw ng liderato ng Kamara at sinimulang ipatupadong 2023 at nagpatuloy sa taong 2024 at 2025.
02:57Hinihingan pa namin ng reaksyon si Romualdez at Coe.
03:01Ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanyang judicial affidavit,
03:06hindi raw naging matagumpay ang Senate Leadership Fund at mas lalong dumami pa raw ang tapyas sa budget ng DPWH
03:13para sa taong 2024 at 2025.
03:15Ang budget nga raw ng DPWH para sa taong 2025 ay tumaas ng lampas 1 trillion pesos dahil sa mga
03:23congressional initiatives o mga proyektong wala naman sa mga proyekto ng DPWH.
03:29Ayon sa magpagkakatiwalaang source ng GMA News, may hawak daw si Bonoan ng listahan ng mga pangalan ng mga kumuha
03:38ng leadership funds at mga nasa likod ng insertions.
03:41Joseph Maurong, nagbabalita para sa GMA News.
03:47Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended