00:00Mahigit sang daang Pilipino ang inaresto sa China dahil sa umano'y illegal na paninirahan o pagtatrabaho roon.
00:07Ayon niyan kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiak-Yun.
00:12At tinitiyak naman daw ng Chinese Immigration Authorities na mapaprotektahan ang mga karapatahan ng mga Pinoy gaya ng ibang dayuhan.
00:20Inalmahan ni National Defense Secretary Gilbert Yadoro ang mga pag-aresto.
00:25Tinawag niyang pangingikil at pambabraso ang aksyon laban sa mga Pilipinong inaresto.
00:32Giit ni Teodoro, walang intensyon o kakayahan ang mga Pinoy sa China na lumabag sa batas.
00:38Gaya ng anya'y ginawa ng mga Chinese dito sa Pilipinas.
00:42Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, iginagalang nila ang proseso ng batas ng China kaugnay sa immigration.
00:48Nakikipag-ugnayan na rin sila sa ating embahada sa Beijing at konsulado kaugnay sa mga inarestong Pinoy.
00:54Hinikayat ni nila ang Chinese authorities na tiyaking ligtas ang mga inarestong Pinoy.
Comments