Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
LAGAY NG PANAHON

Inaasahang unti-unting mababawasan ang mga lugar na makakaranas ng malakas na ulan simula Martes, matapos ang ilang araw na buhos ng ulan dahil sa habagat at mga bagyo, ayon sa DOST-PAGASA.

Kabilang naman sa mga salik ng patuloy na pagbaha ang nagbabagong klima at mga flood control project na hindi maayos o hindi tama ang pagkakagawa, ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH.

via Cresilyn Catarong
Transcript
00:00Inaasahang unti-unting mababawasan ang mga lugar na makararanas ng malakas na ulan simula Martes matapos ang ilang araw ng
00:07buhus ng ulan dahil sa habagat at mga bagyo ayon sa DOST pag-asa.
00:13Kabilang naman sa mga salik ng patuloy na pagbaha ang nagbabagong klima at mga flood control project na hindi maayos
00:21o hindi tama ang pagkakagawa ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:27Narito ang detalye sa report ni Cresseline Catarong.
00:33Labis na perwisyo ang dulot ng patuloy na pagbaha sa maraming lugar sa bansa.
00:38Apektado ang kabuhayan ng mga residente, nalalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan at nanganganib din ang kalusugan ng mga komunidad.
00:46Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pag-asa, patuloy ang mahigpit na pagmomonitor ng ahensya sa
00:55kondisyon ng panahon sa bansa.
00:57Sa palace briefing nitong lunes, sinabi ni Pag-asa Administrator Dr. Nathaniel Servando na nakaranas ang maraming bahagi ng bansa
01:04ng malalakas sa pagulan nitong nakaraang linggo
01:07dahil sa Bagyong Luis at Maymay at pinaiigting na habagat maging ang Bagyong Dolphin kahit malayo na at nasa labas
01:14ng Philippine Area of Responsibility ay naka-impluensya upang mapanatili ang mga pagulan.
01:19Basis sa aming datos, ang kanilang bahagi ng ating bansa, patikular ni Ang Luzon ay naka-receive ng heavy rainfall.
01:32Na-mention kanina po ang lugar na kakaranas ng pinaka-mataas na rainfall, ito po yung Baguio City.
01:44Maging dito sa Metro Manila, sa Science Garden in Quezon City, ang recorded rainfall ay umabot ng 501.6 mm
01:55of rain compared to the normal na 568.
01:59So almost 90%, nearly isang buwan din ulan ang binohos dito sa Quezon City in Metro Manila.
02:09Sa kabila nito, sinabi ni Servando na mababawasan na ang mga lugar na makakaranas ng malalakas na pagulan simula Martes.
02:17Inaasahan namang unti-unting bubuti ang lagay ng panahon hanggang Merkoles.
02:21Ka-ugnay nito, susuriin ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang labing apat na booster pumps sa
02:28Las Piñas
02:29matapos sumanong hindi gumana ang mga ito sa kasagsagan ng matinding pagbaha nitong mga nakalang araw.
02:34Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Don Artes,
02:40isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha sa Las Piñas, ang daluyan ng tubig na halos kapareho ng sistema sa
02:46Paranaque.
02:46Sinabi ni Artes na nakipag-ugnayan na siya kay DPWH Secretary Vince Dizon kaugnay ng problema sa mga booster pump.
02:55Agad naman umanong ipasasagawa ng DPWH ang assessment sa mga pumping facility.
03:01Kapag maaari pa itong paganahin, sinabi ni Artes na ipapaandar ang mga ito.
03:05At kung hindi na maaaring magamit, posible umanong gibain na lamang ang mga naturang istruktura.
03:11Isa rin pong factor dyan per our report po nung aming mga tauhan ay yung ginawa pong karsada.
03:19Medyo lumit daw po yung river po, ginawa po nung karsada na ginawa po along the banks nung particular river
03:28na yun.
03:29Kaya po medyo bumabagal po yung daloy ng tubig.
03:32I-sinusulong naman ng DPWH ang 1.5 bilyong pisong drainage rehabilitation project para sa buong Taft Avenue upang matugunan
03:41ang problema sa paulit-ulit na pagbaha sa lugar.
03:44Ayon kay Dizon, naayos na ang isang bahagi ng drainage system sa Taft Avenue, particular sa harap ng Santa Isabel
03:51College, malapit sa Faura.
03:53Sa Espanya Bolivar naman, apat na cross drains ang itatayosi mula September hanggang Oktubre ngayong taon.
04:00Inihayag din ang kalihib na nakakuha ang ahensya ng pondo mula sa savings para maisagawa ang matagal ng kinakailangang drainage
04:07works sa Espanya.
04:08Pagdating naman sa patuloy na pagbaha, sinabi ni Dizon na kapwa nakikita ng DPWH na salik dito ang nagbabagong klima
04:17at mga problema sa flood mitigation infrastructure.
04:20Ayon sa kalihib, ipinakita sa kanila ng pag-asa na ang dami ng ulang karaniwang natatanggap sa loob ng isang
04:27buwan ay halos katumbas na ng ibinuhus na ulan sa bansa sa loob lamang nang wala pang isang linggo nitong
04:33nakarang linggo.
04:34Gayunman, sinabi niyang kailangan ding tugunan ang mga problema sa kasalukuyang flood mitigation infrastructure.
04:41Nag-iba na talaga yung klima, but at the same time, marami tayong kailanganayusin ang mga flood mitigation infrastructure na
04:48hindi...
04:50Maayos ang pagkagawa at hindi tama ang pagkagawa.
04:54Para sa Diyos at sa Pilipinas kong mahal, Kresselin Katarong, SMN News.
Comments

Recommended