Skip to playerSkip to main content
VP ON TRIAL WEEK 5

Nagpresenta ng dalawang witness ang prosecution ngayong linggo para talakayin kung paano ginastos ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte ang 2022 at 2023 confidential funds. Nagkaroon din ng mainit na diskusyon sa pagitan ng prosecution at defense kung aling guidelines o circular mula sa Commission on Audit ang dapat sundin sa pag-audit ng confidential funds.

Balikan natin ang ilang mga nangyari sa ikalimang linggo ng impeachment trial sa report na ito ni Sandra Aguinaldo.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, recap po muna tayo ng ikalimang linggo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:09Ito po ang ilang may init na punto na tinalakay sa impeachment trial ngayong linggo.
00:16Sa testimonya po ni COA State Auditor Roderick Wamil,
00:21pinaliwanag po niya na sa ilalim ng isang COA Joint Circular
00:25ay nakasaad kung ano lamang ang pwedeng pagkagastusan ng confidential fund.
00:31Kabilang rito ang pagbili ng impormasyon, pangbayad sa reward ng mga informers,
00:37pag-upa ng safe houses at sasakyan para sa confidential information
00:42at iba pang gastusin na may direktang kaugnayan sa surveillance at information gathering.
00:49Pero ayon po kay Wamil, may bahagi yung confidential fund ng OVP
00:55na nagamit pambili ng gabot and other goods
00:58na aniya ay hindi pwedeng pagkagastusan gamit ang confidential fund sa ilalim ng Joint Circular.
01:06Tinalakay rin sa trial ang umunoy kakulangan ng OVP sa financial at accomplishment purporting.
01:12Ayon kay Wamil, sa halip na official receipts o sales invoices,
01:18acknowledgement receipts lang ang isinumitin ng OVP bilang supporting documents.
01:23Isa-isang binasa ni Council for the Prosecutors,
01:26Attorney Lorna Capunan,
01:28ang ilan sa mga pangalang nakapirma sa mga acknowledgement receipts,
01:34kabilang sina Mary Grace Piatos, Renan Piatos, Andy Lim, Alejandro A. Piquet at Pati Ting
01:44na ayon sa prosecution ay may pangalang tila hindi raw pangkaraniwan.
01:49Nagkaroon din naman ng kaunting tawanan sa impeachment court
01:53habang ipinaliliwanag ni Capuna ng ilang terminong ginagamit sa COA issuances
01:59gaya ng irregular at extravagant expenditures.
02:04Dito na niya tinanong si Wamil kung paano niya ilalarawan ang paggastos ng OVP.
02:11Sinabi ni Wamil na maituturing umuno itong irregular expenditure
02:14dahil hindi na ito nasunod ang documentary requirement sa reporting.
02:20Sinabi rin ni Wamil na simula noong pumasok siya
02:23sa Intelligence and Confidential Funds Audit Office
02:27noong September 2014, si Duterte lang daw ang tanging Vice President
02:32na nagkaroon ng confidential funds.
02:35Pero sa cross-examination, ipinakita ni Defense Council Attorney Michael Powa
02:41ang Special Allotment Release Order at dokumento mula sa Malacanang noong 2014
02:46na nag-grant ng confidential funds sa Office of the Vice President
02:52noong panahon ni dating Vice President Jejo Marbinay.
02:55Ipinabasa rin ni Powa kay Wamil ang isang COA circular
02:59noong 1992 na nagsasabing hindi dapat isa sa publiko
03:04ang mga sensitibong detalya ng confidential operations.
03:08Ngunit agad itong kinontra ni Capuna na nagsabing
03:11repealed at superseded na raw ang naturang circular
03:15ng 2015 Joint Circular na siyang sinusunod ngayon
03:20sa pag-audit ng confidential at intelligence funds.
03:24Sa interpolation naman ng Sen. Judge, tinanong ni Sen. Bam Aquino
03:29kung pinapayagan ba ng 2015 Joint Circular
03:33ang paggamit ng alias o codename para sa mga tumatanggap
03:38ng confidential funds.
03:40Sagot ni Wamil, wala o manong probisyon sa Joint Circular
03:44na nagsasabing pinapayagan o pinagbabawal ito.
03:48Muli rin po iginiit ni Wamil na hindi nakapagsumite
03:51ng mga dokumentong OVP na makapagpapakita
03:55ng tinatawag na evidence of success
03:58na hinihingi ng 2015 Joint Circular
04:01para sa mga confidential operation.
04:05Tinanong naman po ni Sen. Riza Ontiveros
04:07kung makatutulong ba sana ang mga naturang dokumento
04:11upang mapatunayan kung naging matagumpay
04:14ang confidential operations ng OVP.
04:17Sumang-ayon po si Wamil at sinabing
04:20kaya nga ito nire-require sa ilalim ng Joint Circular.
04:24Gayunman, nang tanungin kung ano mismo
04:26ang itinuturing na evidence of success
04:29sinabi ni Wamil na walang partikular
04:32na dokumentong tinutukoy ang Joint Circular
04:35dahil dito, Ania, ang hinahanap nila sa audit
04:39ay kung may malinaw na ugnayan
04:41ang isinagawang surveillance o information gathering activity
04:46sa impormasyong na ibigay ng informer
04:50sa naging resulta ng operasyon.
04:52Bago nga po mag-adjourn ang impeachment court
04:55ay sinimulan na po ng prosecution
04:57yung pag-authenticate sa libo-libong mga
05:00acknowledgement receipts sa pamamagitan po
05:04ng testimonya ni Coa Iqfau,
05:07supervising auditor, Sailene May del Campo.
05:10Pero tumutol ang defense sa authenticity
05:13ng ilang dokumento at sa mungkahing i-review
05:17ang mga ito sa labas ng korte
05:19para lang mapabilis ang pagdinig.
05:22Dahil dito, nagpasya si presiding officer
05:25Sen. Cheez Escudero
05:26na ituloy ang testimonya ni del Campo
05:29sa susunod na linggo.
05:32Inaprobahan na rin po ng impeachment court
05:34ang pagpapalabas ng Sabina
05:36para kina dating OVP Special Disbursing Officer
05:42Gina Acosta
05:43at dating DepEd Special Disbursing Officer
05:47Edward Fajarda
05:49na siya pong magiging witness naman
05:51ng prosecution next week.
05:53Ako po si Sandra Aguinaldo, GMA News.
05:56Naman
06:02Nagasaki
06:04You
Comments

Recommended