Skip to playerSkip to main content
Aired (August 1, 2026): Sa pagmamahal at gabay ng girlfriend, unti-unting natuwid ang landas ng pasaway noong binata at bumalik siya sa pag-aaral. Pero ang masaya nilang love story, naudlot nang ang dalaga, biglang pumanaw dahil sa isang sakit.

Sa kabila nito, nais tuparin ng binata ang pangarap ng girlfriend niya para sa kanya, ang manalo siya sa buhay.

Nagpapatuloy siya na baon ang pasasalamat para sa dalaga. Panoorin ang video. #GoodNews

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Sino ang gumago ng buhay mo?
00:02Pabago sa buhay ko. Unang ula, siyempre si Lord.
00:05Atoko.
00:06Nagbago po ng buhay ko sa ngayon ay ang aking pamilya.
00:10Pero paano kung ang taong nagbago ng buhay mo, e bigla nalang maglaho?
00:17Sa viral post na ito ng 28 anos na si Romeo, e binida niya ang kanyang Juliet na si Kami.
00:24Ang taong nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanyang napariwarang buhay.
00:31Ipinanganak sa amang Japanese National, pero maagang napalayo sa kalinga ng mga magulang si Romeo
00:37nang maputol ang komunikasyon ng kanyang ina at ama.
00:41Pinanganak po ako sa Japan. Siguro after 2 years, inuwi na po ako dito ng nanay ko.
00:48Dahil na po, parang nagsara yung agency na pinagtatrabahuan niya.
00:52Dahil na rin sa pangungulila sa mga magulang at pangungutya ng ibang bata,
00:58maagang napabarkada si Romeo na nagmulat sa kanya sa iba't ibang bisyo.
01:03Natuto na po ako mag-cutting classes. Natuto na po ako mag-inom, manigarilyo.
01:09Natuto na rin po sa mga ipinagbabawal na gamot. Madalas po ako mapawing.
01:14Sa kagustuhan ng pamilya na matapos niya ang first year high school, ipinadala si Romeo sa probinsya.
01:25Pero hindi rin nagtagal, bumalik siya sa Maynila.
01:30At dito na muling nag-cruise ang landas nila ng kababatang si Kenny.
01:42Pero sa muli nilang pagkikita noong birthday ni Romeo, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
01:50Akala ko po yung mga papapuntay niya, ang babae na kaklase niya or kaibigan niya, kaya kong kausapin.
01:57Pero hindi pala, torpe pala ako sa babae.
02:01So si Kenny lang kinakausap ko kasi siya lang po yung kakilala ko eh.
02:05Hindi naman nagtagal, nagkadevelopan ang dalawa.
02:09Hanggang dumating po yung March 2, 2012, tinext ko po siya.
02:16Sabi ko sa akin niya,
02:17Uy, tayo na ha?
02:20Sabi naman niya,
02:22Oo na lang.
02:23Kasi nga po, hindi ko po kayang umarap sa babae.
02:27Eh si Kenny po, malakas po loob mo.
02:30Gusto niya rin naman po.
02:32Yes!
02:33Yun po.
02:35Pero parang true to life na Romeo at Juliet.
02:37Si Kenny, pinagbawalan ang magulang na makipagkita kay Romeo.
02:43Pinapagalitan po si Ati Kenny.
02:45Ang sinasabi na lang po ni Ati Kenny,
02:47aalis po nakasama ako.
02:48Tapos siniiwan lang po ako sa computer siya para magkita sila.
02:51Pero sa halip na madismaya sa sitwasyon,
02:54ginawa itong inspirasyon ni Romeo para unti-unting magbago.
03:00Kasi siya po magka-college na ako, high school parin.
03:03Siya tanggap niya ako na ganun.
03:05Para nahiya po ako sa kanya.
03:06Sabi ko, sige nga, subukan ko nga itong aaral na ito.
03:10Si Kenny, full support sa goal ni Romeo.
03:14Tinuruan niya po ako maging professional.
03:17Tsaka sa kanya ko rin po yung ano eh,
03:20yung nalaman yung importance ng pangarap.
03:24Kung paano mangarap.
03:26Nauna magtapos si Kenny sa kolehyo at hindi rin nagtagal,
03:30ay nagkaroon ng magandang trabaho.
03:33Habang si Romeo naman,
03:35pinagsasabay ang pag-aaral at pagsa-sideline bilang rider.
03:40Sa pagsusumikap at pagtutulungan,
03:43unti-unting nakaipo ng dalawa.
03:45Halos po kada taon nun, iba-iba po yung motor ko eh.
03:48Nakabili nga po kami ng lupa sa Palawan.
03:52Tapos bibilis sana kami ng kotse.
03:54Ang pinakamagandang na dulot ni Ate Kenny sa kanya is,
03:58magkaroon pa siya ng mas mataas na pangarap para sa sarili niya.
04:03Sa nine years na pinagsamahan namin,
04:05parang ano eh,
04:08ayun na yung pinakamasayang face ng buhay ko.
04:10Parang contento na ako dun.
04:13Pero nagbago ang lahat.
04:15Nang si Kenny biglang nagkasakit noong 2019.
04:20So yung TB na po na yun,
04:22pabalik-balik po siya eh.
04:25Lagi po kami nasa klinik,
04:26lagi po kami nasa ospitalo.
04:28Hanggang nagiging ano na lang po siya eh.
04:3040 kilos po, gano'n.
04:32Kasabay pa nito ang pagkakaroon niya ng mga sis o bukol.
04:38Hanggang sa naubos ang kanilang ipon.
04:44Pinagsabay ni Romeo ang pag-aaral at trabaho
04:47habang nag-aalaga kay Kenny sa ospital sa gabi.
04:52Matutulog po ako dun sa ospital.
04:54Mag-ahanap po kami ng dugo ng papa ni Kenny.
04:56Tapos babalik na, mag-online class na naman po.
05:00Sa halos dalawang taong pagkikipaglaban sa sakit,
05:03hindi raw pinanghinaan ng loob si Romeo at ang pamilya ni Kenny.
05:08Ang vitals niya, ang okay.
05:09Tumaas po yung oxygen niya.
05:11Tapos po yung BP niya, tumaas na, naging normal na po.
05:14Ayon po yung pinakamasarap na tulog ko nun.
05:18Pero ang tulog palang ito ni Romeo,
05:21mauwi sa bangungot.
05:23Nang si Kenny,
05:26pumanaw kinabukasan dahil sa brain aneurysm.
05:30Sa inyap po, niyakap po ako ng best friend ko nun.
05:34Tapos sa kanya binunong sa akin na,
05:37ito, wala na si Kenny.
05:40Parang nagalit po ako sa mundo nun.
05:43Nagtampo ako kay God nun.
05:45Sabi ko,
05:47ba't siya?
05:48Dapat nagkabaliktad na lang kami ng sitwasyon.
05:52Pero gumuhu ma ng kanyang mundo,
05:55naging sandalan daw niya ang pamilya ni Kenny.
05:59Dapat daw, magtapos ako ng pag-aaral, sabi ni Kenny.
06:03Pangako ko daw sa kanya.
06:06Pilit ibinangon ni Romeo ang sarili.
06:08Ang pagkawala ni Kenny,
06:10ang ginamit niyang motibasyon
06:12para hindi bumalik sa dati niyang buhay.
06:14Sa halit,
06:15ay mas taasan pa ang pangarap sa buhay.
06:19Inilaban ang pag-aaral
06:20hanggang makapagtapos sa kursong
06:22BS Information Technology
06:24noong July 2024.
06:26Habang tinatawag po yung pangalan ko,
06:29pitpit ko yung picture ni Kenny.
06:30Yung lungkot ko.
06:31Yung anxiety ko,
06:33yung PTSD ko,
06:34yung depression ko.
06:35Lahat parang nawala po eh.
06:37Nagpatuloy si Romeo
06:38hanggang makapasok bilang IT specialist
06:41sa isang malaking kumpanya.
06:45Malayo na nga raw
06:46ang narating ni Romeo
06:47mula sa dating niyang buhay.
06:50Unti-unti ko na po nabibili
06:52yung mga gusto ko.
06:53Natutulong ako na rin po
06:54yung family ko.
06:55Ayun po, sapat na sa akin yan.
06:57Ayun na po yung
06:58biggest achievement
07:00ng buhay ko.
07:02Bilang pasasalamat kay Kenny,
07:03lumikha si Romeo
07:05ng kanta
07:06para sa kanyang
07:07Angel in the Sky.
07:37Habang buhay kong tatanawin
07:38bao ni Romeo
07:40ang magagandang alaala.
07:42At saan man siya dalhin
07:44ng bukas,
07:45may mga nakaraan
07:46na habang buhay na
07:49ipagpapasalamat.
07:50Totoo pa rin po.
07:52Totoo pa rin
07:52ko lahat
07:52ang mga pangako ko.
07:54Kung nasaan ka man,
07:57lagi mong tandaan,
07:59kahit na anong mangyari,
08:01walaging mag-iingat dyan.
08:03galima mga kong tatanawin
08:07At saan mangyari,
08:08walaging mag-iingat dyan.
08:11walaging mag-iingat dyan.
08:11You
Comments

Recommended