Skip to playerSkip to main content
Aired (January 17, 2026): Estudyante, mas pinipiling umabsent para makatulong sa pamilya! At lalaki, sugatan ng iligtas ang kanyang mga fur babies sa sunog. Panoorin ang video. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00A student is absent in class.
00:08He sees a guru in the classroom.
00:11He looks like a violinist.
00:16I'm afraid to see him.
00:19He looks like a student.
00:21He looks like a student.
00:23Isang lalaki nag-ipon sa Alcansha.
00:26At ang naipon, umabot sa halos 400,000.
00:30Binilang namin, mabot siya ng P386,600.
00:34Bilahan ko yun for gifts sa December.
00:37Sa nanay ko, sa kapatid ko, sa sahwa niya, sa mga pamangking ko,
00:43and siyempre sa mga anak ko.
00:45Mag-ama, sabay na nakapasa sa bar exams.
00:49Sobrang saya ang dami ko po iyak.
00:54Tumawag po ako gan sa family ko po.
00:57Tumatalon pa po sila, umiiyak lahat.
00:59Di po kami napag-usap talaga.
01:05Isang lalaki sa CBO, sugatan.
01:08Matapos iligtas mula sa sunog ang mga alagang aspin.
01:12Ang bilis naman ang pangyayari.
01:14Andun pa yung apoy sa hagdan.
01:16Tapos, magbalik ko, andito na siya sa gitna ng sala namin.
01:20Binalikan ko talaga kasi parang pamilya na kasi namin talaga sila.
01:24Good vibes pa rin ang dala naming mga good news.
01:27Magandang gabi. Ako pa si Vicky Morales.
01:36Like father, like daughter.
01:38Ang ating bidang mag-ama, sabay nakapasa sa nakalipas na bar exam.
01:43Nag-viral kamakailan ang post na ito ng mga lumang litrato kung saan makikita ang isang batang babae.
01:53Nakasakasama ng kanyang ama sa iba't ibang kuha ng mga nagdaang bar examination.
01:58Ano kaya ang espesyal na kwento sa likod ng mga viral na larawang ito?
02:03Abangan!
02:07Fast forward to 2026.
02:09Ang bata sa mga larawan.
02:11Si Mary Joyce, 31 anyos na ngayon at isa sa mga kumuha ng 2025 bar exams.
02:18Halos hindi na raw mapakilinoon si Mary Joyce nang magsimulang rumolyo ang pangalan ng mga pumasa.
02:29Oh my God.
02:31Hanggang sa dumating na nga ang pinakahihintay na sandali,
02:41si Mary Joyce sumakses sa bar.
02:46Pero teka, hindi raw ang kanyang pangalan ang una niyang tinignan noon sa listahan.
03:09Kundi ang pangalan ng isa sa malapit sa kanyang puso.
03:14Nahigit pa raw sa kanya ang pangarap na maging abogado ang kanyang 57-year-old na ama.
03:21Siya po kasi kinabangan ko talaga, yung pangalan po ni Papa.
03:24Yung pangalan ko nakalimutan ko pa ka pong tignan.
03:27Kasing dasal ko po talaga makapasa po si Papa.
03:32Ganun na lang daw ang iyak niya nang makita ang pangalan ng kanyang ama na si Ferdinand.
03:37Nasinundan din naman agad ng kanyang pangalan.
03:54Doble ang good news.
03:55Sobrang saya ang dami ko pong iyak. Tumawag po ako gan sa family ko po.
04:08So tumatalon pa po sila, umiiyak lahat. Di po kami nakapag-usap talaga.
04:12Si Mary Joyce nakapagtapos ng kursong chemistry.
04:24Pero naingganyong pumasok sa law school para ipagpatuloy ang pangarap ng kanyang ama.
04:30Sa loob ng mahigit dalawang dekada, apat na beses na rin daw kasing hindi pinalad noon sa bar si Tatay Ferdinand.
04:39Hindi ko po masabi na ever since gusto ko maging abogado.
04:42Pero na-inspire po ako kay Papa na magpursigi para magkaroon po ako ng profesyon na similar po sa pag-aboga siya kung yung pagtulong po sa kapwa.
04:53Kung may nakakaalam ng araw ng labis na kagustuhan ni Tatay Ferdinand na maging abogado, si Mary Joyce yun.
05:01Dahil mula pagkabata, saksi na ito sa napakahabang bar journey ng ama.
05:06Sabi ko, sige anak ako, kung yan ang pan mo, sige, nandito lang kami ni mama at ni papa.
05:15Sabi ko nga, tapos sabi ko, kung ano ang mga pan, makakatulong kasi nag-stop ko sa work ako, makakatulong kami.
05:22Si Tatay Ferdinand naman, never say die sa kanyang pangarap.
05:26Kahit pang aapat na beses hindi pinalad noon, hindi raw nawala sa kanyang hinagap na balang araw.
05:32Bakakamit din niya ang pinaka-aasam na tagumpay.
05:37Sadyang masakit sa love deal, inaamin natin yan.
05:41At karo ulit ng pagkakataon na talagang gusto ko na sumuko.
05:44Ang ginawa ko na lang, nag-focus na lang muna ako sa family ko.
05:48Para buhayin ang pamilya, si Tatay Ferdinand,
05:51tagtrabaho sa isang sangay ng Department of Education sa probinsya ng Tugagaraw.
05:56Na-promote naman tayo at napunta tayo rito sa Education Services Support Division.
06:03Pero sabi nga nila, lahat ng simula ay mahirap.
06:08Si Mary Joyce kasi, e dumaan din sa matinding pagsusunog ng kilay.
06:14Working student kasi siya, kaya habang nag-aaral ng abogasya, isinasabay rin niya ang pagtatrabaho.
06:20Sobrang hirap po talaga pagsabayin.
06:23May mga times na kailangan po mag-prioritize.
06:26Either masasakripisyo po yung trabaho, masasakripisyo po yung law school.
06:31Ika nga, good things come to those who wait.
06:34Dahil pagkatapos ng halos limang taong pagsusunog ng kilay,
06:39si Mary Joyce nakapagtapos na rin ang kanyang pag-aaral.
06:44Nagkatrabaho na rin po ako noon,
06:46and with the scholarship at tulong pang bayad ng tuition and libro.
06:50Lahat po na kailangan ko sa law school na provide po.
06:53Si Mary Joyce, agad nag-desisyon na sumubok at kumuha ng bar exam.
06:59Pero, si Tatay Ferdinand, buo na rin daw ang loob noon na muling sumubok ng mag-take ng bar exam.
07:08Parang may tinig na nag-gubulong sa akin,
07:12it's your cha, it's your time.
07:14Sabi niya, patunayan mo.
07:15Marahil ako sa aking anak at naging inspirasyon ko.
07:20So, sige.
07:21O, sige.
07:22Takot.
07:23Potubukan ko ang mag-enroll ulit, mag-take ng bar.
07:28Ang mag-ama, sanib pwersa sa pagre-review,
07:31at kapitbising na hinarap ang bagong hamon ng kanilang buhay.
07:35Madalas po nag-initiate siya ng discussion.
07:37So, mag-discuss po kami.
07:38I guess doon po nahasa yung memorization po ng elements, doctrines.
07:44Si Tatay Ferdinand naman daw,
07:46nag-refresh her course at doble kayod para muling makasabay.
07:50Dalawampung taon na rin kasi ang nakalipas,
07:53nang huli siya kumuha ng exam.
07:54Baka hindi ako makaagapay.
07:58Ika nga siya, mga computer-based, technology-based na requirement.
08:02Ang pagtsatsaga ng mag-ama, may ibinunga.
08:06Oh!
08:19Oh!
08:21Talawa!
08:25Yes, baby!
08:29Yes!
08:30Yes!
08:35And like father, like daughter,
08:38pareho ng abogado.
08:40Indescribable kasi.
08:41Alam mo kung may feeling na Cloud 9.
08:44Itong sa akin na feeling ko, Cloud 15.
08:47O, ay git pa. Iba talaga.
08:50So, nung nakita ko na po yung bangalan ko,
08:52I guess doon na po nag-hit na,
08:54ah, dalawa kami sobrang bait ni Lord kasi yung dasal ko po talaga, specifically for Papa po talaga.
09:01Si Mary Joyce, sinurpresa ang ama sa isang video call.
09:06Kumusta ang bagong abogado pa?
09:08Eh, siyempre, proud Papa Hill eh.
09:12Kung sino ba naman di proud na makasabay pang makapasa ng palanay na anak.
09:1820 years in the making.
09:20So, good luck pa.
09:22Alam ko naman na patuloy ka pa rin tutulong.
09:25Sobrang thankful ako sa'yo at kay mama sa support.
09:28Thank you, pan of you.
09:30Kinatatay Ferdinand at Mary Joyce at sa mga pinakabago nating abogado,
09:37Congratulations po sa good news na inyong natanggap.
09:42Pinatunayan niyo na sa pusong hindi sumusuko,
09:46basta sasamahan ng determinasyon at pananampalataya
09:51lahat ng pangarap sa buhay
09:53Matutupad.
10:03Pa 20-20, pa 50.
10:05At nang ipunin sa alkansya,
10:07umabot sa halos 400,000 piso.
10:14Bagong taon.
10:15Bagong ipo na naman mga kapuso.
10:17Ula sa mga pariya, 20-20 o 50.
10:21Gano man kaliit na halaga.
10:24Siguradong kikiligan ka
10:26pang sinagsama.
10:27Nakapagbukas na ba ang lahat ng kanilang alkansya?
10:36Ang lalaking ito,
10:37hindi raw magpapahuli sa bilangan ng ipon.
10:41Ayan, binubuksan ko na yung mga alkansya ko.
10:45Ayan, eto na yung lumabas.
10:47Ang halaga ng naipon niya, abangan.
10:51Ang 41-year-old si Mat mula sa Quezon City.
10:54Nakamaleta lang naman ang pera.
10:56Pero hindi raw galing sa flood control, ha?
10:59Kundi iniipon niya sa alkansya.
11:02Nilagay ko sa maleta kasi
11:04wala maliit.
11:06Pagka sa plastic lang, eh.
11:07So, maleta,
11:08dinala namin sa bango.
11:09Doon ang dinipositan namin.
11:12The struggle is real din daw
11:13ang makaipon ng ganito kalaking halaga.
11:16Pero dahil may inspirasyon,
11:18kahit mahirap,
11:19kinayan niya.
11:20Ang goal ko lang,
11:21every December,
11:22kailangan may mabigay akong additional sa nanay ko,
11:25mabigay ako sa kuya ko,
11:26sa mga pangbanking ko,
11:27sa mga anak ko.
11:28So, para sa kanila lahat talaga yan.
11:30Bata pa lang daw kasi si Mat,
11:32marami na siyang pinagdaan ng pagsubo.
11:34Sa single parent nanay ko,
11:36hindi kami masyadong nababantayan.
11:39Since napasali nga sa gang,
11:41papaaway,
11:42vandalism,
11:43madalas hindi mo pa.
11:44So, madalas napay principal.
11:46Para hindi maapariwara sa buhay,
11:48pinilit siyang ilayo ng mga magulang sa barkada.
11:53Naisipan na nanay ko na dalhin ako sa probinsya,
11:55sa Soormoc,
11:56late.
11:57And after noon,
11:58nung nakagraduate na ako doon,
12:00kinuha ulit ako ng nanay ko.
12:02Pagdating sa Quezon City,
12:04ang nangyari naman,
12:06napabarkada pa rin.
12:08Pero pursigido ang kanyang ina na ituwid ang kanyang landas.
12:11Kaya muli nitong inilayo ang anak sa gulo.
12:15Bumalik si Mat sa pag-aaral
12:17at kumuha ng vocational course na computer technician.
12:21Ang nooy buntis na kasintahan
12:24ang nagmulat sa mga mata ni Mat
12:26na magsimula magbago.
12:28Nung nagkaroon ako ng anak,
12:30doon ko na naramdaman yung pressure.
12:35Hanggang sa dumating ang araw
12:37na hindi niya inaasahan,
12:39ang bata sa sinapupunan,
12:41nalaglag.
12:44At sakuk ko lang nga ng pera.
12:46Nahirapan din si Mat maghanap ng pambayad
12:49sa ospital.
12:50Kasi hindi ko alam kung saan ako ng pera eh.
12:52Umiyak ako sa sarili.
12:53Ang hirap pala ng ganito.
12:54Ang hirap pala ng pera.
12:56Pangako ni Mat sa sarili,
12:58mabiyayaan lang siya ng pagkakataon bumangon.
13:01Itutuwid niya ang lahat
13:03at sa buhay ay magsusumikap.
13:05Hindi rin nagtagal,
13:07tila dininig siya ng langit.
13:09Almost one year.
13:10Yan.
13:11Tapos nabuntis hindi.
13:12Hindi naman namin sinasadya.
13:13Nabuntis.
13:14Ito pera muna yung barga.
13:15Natigil ko muna yung mga bilyar ko.
13:17Yung pag-inom-inom ko.
13:19Talagang titipirin mo.
13:20Si Mat, todo kahayod para sa pamilya.
13:23Nagtrabaho bilang isang call center agent
13:26sa loob ng siyam na taon
13:28at dito na rin natutong
13:30mag-ipo ng paunti-unti.
13:32Sumubok ng iba't ibang mga pagkakakitaan
13:35at naniwala siyang kaya niyang umangat sa buhay.
13:38Naghahanap ako ng extra income
13:41na patok that season.
13:44Nagkaroon ng tatlong anak si Mat.
13:47Bagamat naghiwalay sila ng dating kasintahan,
13:50mas nagpursige siyang magtrabaho para sa pamilya.
13:54At ang naisip niya para may perang mahuhugot
13:57sa katapusan ng taon,
13:59mag-ipon sa alkansya.
14:01Ang dating salat sa pera,
14:03unti-unti nang nakakabangon.
14:05At hindi lang yan,
14:07dahil nakahanap muli si Mat
14:09ng babaeng nagpatibok
14:10ng puso niya.
14:11Nakilala ko siya,
14:13ang first impression ko sa kanya
14:14is pang gangster
14:16dahil lumaki nga siya sa kali.
14:18Pero ngayon,
14:19nakita ko na malaki yung pinagbago niya
14:21dahil nakita ko kung gaano siya kasipag,
14:25sobrang pursigido na
14:27maging successful.
14:29Kaya ang pag-iipon,
14:31ginawa na nga niyang yearly goal.
14:33At dahil mas malaki na ang naitatabi ngayon,
14:36hinihigitan niya ang kanyang ipon kada taon.
14:39So, ito yung 2023 na ipon ko naman,
14:42umabot siya ng 78,000.
14:45Tapos 2024,
14:46lahat ko nakavlog na,
14:48yung 172,000 na.
14:50Nilahan ko yun
14:51for gifts sa December.
14:53Sa nanay ko,
14:54sa kapatid ko,
14:56sa sahwa niya,
14:58sa mga pamangking ko,
14:59and syempre sa mga anak ko,
15:01saka ibang mga relatives.
15:02And then, syempre yung dares,
15:04pinapayikot ko.
15:06Kaya, dagdagdag ako ng sasakyan.
15:09Hindi para gamitin,
15:11kundi para pagkakitaan.
15:12Ang pinaka-goal daw kasi ni Matt,
15:15palawigin ang kanyang ipon
15:16para sa kinabukasan ng mga anak.
15:19At sa huli niyang ipon challenge,
15:21ang kabuang halaga ng naipon niya,
15:23umabot na ng halos
15:25kalahating milyon.
15:27Binilang namin,
15:28umabot siya ng 386,600 pesos.
15:31Ayon sa pambansang wealth coach
15:33and motivational speaker
15:35na si Chinky Tan,
15:36may tamang ginawa si Matt.
15:38Kaya unti-unti siyang umaasenso.
15:41Well, yung tamang ginawa niya,
15:43number one,
15:44nagset siya talaga ng goal.
15:46Kaya nga nung nakausap ko nga siya,
15:48buti hindi ka na-temp,
15:49hindi kasi may goal ako eh.
15:51Pag wala kang goal,
15:52chances are talagang
15:53mauubos talaga yung inipon mo.
15:55Ito yung tinatawag na
15:56smart technology.
15:57Specific, measurable, achievable,
16:00readable, and time-bounded.
16:01Para sa mga taong hindi ano,
16:04yung parang hindi alam paano magsimula,
16:06again,
16:07babalik na naman tayo,
16:08mag-start tayo kung anong gusto mo.
16:10Kaya naman di katakataka
16:12na ang mga staff ni Matt sa kanyang negosyo,
16:14tinitingila rin siya
16:16pagdating sa sipag at determinasyon.
16:19Gaya na lang ng 27-year-old na si Joshua
16:22na nangangarap ding umasenso.
16:24Elementary high school,
16:26hanggang nag-college ako,
16:27yung nagpa-aral sa sarili ko.
16:29So madami na akong side hustle na ginawa,
16:31part-time,
16:32extra income na pinagpasukan.
16:34Mas masarap kasing tulungan yung
16:36gusto magpatulong eh.
16:37Parang in the future,
16:39after 2 to 3 years,
16:40makikita ko siya na
16:42maging successful din eh.
16:43Kasi ano siya eh,
16:45sipag siya,
16:46tuloy-tuloy consistent.
16:49Kaya naman si Matt,
16:50may good news na dala
16:52para kay Joshua ngayong bagong taon.
16:54Share your blessing ika nga.
16:57So meron akong ibibigay sa'yo,
17:00groceries.
17:01Wow!
17:02Para at least yung pera
17:04na matitipid mo,
17:06eh pwede mong ilagay sa alkan siya.
17:08Siyempre meron tayong ipon box,
17:10saka alkan siya.
17:12Gusto ko kasi bro,
17:13pagdating ng December,
17:152026.
17:17Diba?
17:18Alam mo naman,
17:19lagi akong nagbubukas
17:20ang masyan siya.
17:21So gusto ko kasabay kita.
17:22Saan ba ka taron?
17:23Yes!
17:24Ito yung,
17:25tingnan matapulong.
17:26Wow!
17:27Ganda!
17:29Excited kaming malaman
17:31ang halaga ng maiipon mo
17:33ngayong taon.
17:34Kung ano man ang mga pangarap mo
17:35sa buhay,
17:36ipaglaban mo.
17:37So mag-umpisa sa maliit,
17:38ang important sa pag-iipon,
17:40hindi yung halaga.
17:41Ang importante,
17:42ma-develop mo ang pag-uugali
17:44at habit o pag-iipon.
17:48Patunay na ang sipag at syaga
17:50ang tunay na susi sa tagumpay.
17:53At mas lalo itong nagiging makabulahan
17:55kapag ito'y ibinabahagi
17:57at nagbibigay pag-asa sa iba.
18:00Isang estudyante palagi raw absent sa klase
18:05at nang hanapin ng kanyang guro,
18:07natagpuan siya sa palengke.
18:12Attendance check!
18:16Ang goal ng mga estudyante
18:18dapat always present.
18:19Kaya laking pagtataka ni Teacher Gwen
18:24mula sa MacArthur Leyte
18:27nang mapansing
18:28ang isa niyang estudyante
18:32always absent.
18:35Pero ang mas lalo niyang ikinagulat
18:37e nang matagpuan ng bata
18:41sa palengke.
18:43Ayaw siya busy.
18:46Bakit kaya umiiyak si Teacher?
18:55Tatlong taon ng guro si Teacher Gwen
18:57sa MacArthur National High School.
19:02Ngayong school year,
19:03isa sa naging estudyante niya
19:06sa Kukiri class
19:08ang 17-year-old senior high school student
19:11na si Joel.
19:12Hindi pa ako Teacher.
19:13Kilala ko na talaga si Joel
19:15at yung kapatid niya
19:16kasi dati pa,
19:17mahilig na talaga ako sa mga bata
19:19parang gusto kong itreat sila
19:21sa mga bagay
19:22na hindi pa nila nararanasan.
19:24Dinadala ko sila
19:25sa mga kilalang fast food restaurant.
19:28Mga first time ba nila?
19:30Tahimik man.
19:31Pursigido raw si Joel
19:32na makapagtapos ng pag-aaral.
19:34Pero bago dumating
19:35ang ikalawang semester,
19:37dito na napansin ni Teacher Gwen
19:39ang madalas na pagliba ni Joel
19:41sa klase.
19:43Noong first time,
19:44okay naman yung attendance niya.
19:46Itong second time lang,
19:47napansin ko parang
19:48papasok ngayon,
19:49bukas hindi,
19:50papasok ulit,
19:51bukas hindi.
19:53Pinagsabihan man ni Teacher Gwen,
19:55pero si Joel
19:56paulit-ulit pa rin umaabsent.
19:59Hanggang sa isang araw
20:00nang minsang lumabas si Teacher Gwen
20:02habang nag-lunch break
20:03para subukang hanapin si Joel.
20:06Ay, naawa ako na.
20:09Nakakakita na.
20:10Isadyante ko na ganyan.
20:13Sa video,
20:14makikita si Teacher Gwen
20:15na nakasakay sa kotse
20:17at nakatanaw sa palengke.
20:19Hindi na nga niya napigilang umiyak
20:20nang makita ang kanyang estudyante
20:22na lumiban sa klase
20:24para magtrabaho sa palengke.
20:26Hindi pa man ako nakapark.
20:28Kitang-kita ko na siya
20:30nagbubuhat ng mga isda,
20:32nagtitinda.
20:33Totoo pala yung mga sinasabi niya.
20:35Ayon siya,
20:37nakabayolit.
20:39Vinidyohan daw ni Teacher Gwen
20:40si Joel
20:41para maipakita
20:43at maipaliwanag
20:44sa iba nitong mga guro
20:45ang kanyang sitwasyon.
20:47Pangalawa sa apat na magkakapatid si Joel.
20:57Sa hirap ng buhay,
20:58hindi sumasapat ang kita
21:00ng inang sumasideline bilang labandera
21:03at ng amang umeextra lang din
21:05sa pagiging construction worker.
21:09Dahil isang kahig isang tuka
21:11ang kanilang pamilya,
21:13sa murang edad,
21:14napiling magbanat ng buto si Joel
21:16para matulungan sa pagkayod
21:18ang kanyang mga magulang.
21:21Kasi yung papa ko,
21:22meron siyang maliit na bangka.
21:25Sumasama ako sa papa ko
21:27para manlambat at manuli ng isda.
21:30Para pandagdag kita,
21:32sumasideline din bilang tindero
21:33si Joel sa palengke.
21:35Nung kapitbahay namin,
21:37kinawa ako.
21:38May pwesta sila sa merkado
21:39na titindarin ng isda.
21:41Ang kita niya rito,
21:43e napupunta raw sa mga gastusin nila
21:45sa bahay.
21:47Dahil dito,
21:48madalas lumiban sa klase si Joel.
21:50Siya nga nakiusap sa akin e,
21:52kung pwede daw magtinda siya
21:54para hindi na ako
21:55magbigay sa kanya ng pambaon.
21:59Kasi pag minsan naman,
22:01wala ako,
22:02wala akong maibigay sa kanya.
22:04Proud ako sa anak ko
22:06na ganyan yung iniisip niya
22:08tumutulong para sa amin,
22:10nga para sa kinabukasan din niya.
22:13Madalas mang lumiban,
22:14pangarap pa rin daw ni Joel
22:16na makapagtapos ng pag-aaral.
22:19Paglaki ko gusto kong maging
22:21fireman.
22:22Ayun siya.
22:24Ang video ni Joel
22:25nag-viral sa social media
22:27at ang tulong para sa kanya,
22:30dumagsa.
22:31Dahil doon sa video,
22:33hindi lang si Joel yung may scholarship.
22:35Pati yung ibang students ko,
22:37bali apat sila ngayon as of now.
22:39Happy yung puso ko na
22:41hindi man galing sa akin.
22:43At least,
22:44ngayon,
22:45si Joel nga,
22:46araw-araw na siya pumapasok.
22:48Early,
22:49complete uniform.
22:51Natutuwa ako.
22:56Hi!
22:57This is for you.
22:59At ang good news,
23:00bilang dagdag tulong
23:01para kay Joel
23:02at sa kanyang pamilya,
23:04ito ang panimulang paninda
23:06para may mapagkakitaan sila
23:08kahit nasa bahay.
23:11Ito pat may pahabol.
23:13Mula sa isang tagahanga
23:15ni Teacher Gwen
23:16na nakapanood ng viral video,
23:18hindi na kailangan problemahin
23:20ni Joel ang kanyang baon sa school
23:22dahil sagot na ng isang good samaritan
23:25ang pang-araw-araw niyang allowance
23:27sa school.
23:28Hanggang ikaw ay makapagtapos
23:30ng pag-aaral sa senior high.
23:32Sana mag-aral ka ng mabuti.
23:34Thank you, ma'am.
23:36Maraming salamat
23:37sa tumutulong sa amin
23:39lahat-lahat.
23:40Maraming salamat po
23:41sa nagbigay ng sponsor
23:43at allowance ko po.
23:45Ang sponsor ni Joel,
23:47piniling hindi magpakilala,
23:49pero may mensahe raw siya
23:51para kay Joel.
23:52It was nice knowing your story
23:54and a privilege to help out
23:55in ways that I can.
23:56Many people resonated with you
23:57because you are a great example
23:59of true Filipino courage.
24:01Padayon sa pagpamingkamat
24:03doong
24:04tagangga at suportanin.
24:08Gaano mang kahirap ang buhay,
24:10basta't lumalaban ng patas.
24:13Ayon siya,
24:15nakabay ulit.
24:16Meron
24:17at merong mabuting loob
24:19na handang umagapay.
24:21Isang lalaki ang sugatan
24:28ng balikan
24:29ang nasusunog nilang bahay.
24:31Hindi para maisalba
24:33ang mga gamit,
24:34hindi para isalba
24:35ang kanyang mga aspir.
24:40Habang ang marami sa atin
24:42nakakapit sa bagong pag-asang
24:44dala ng bagong taon,
24:46kasama ang pamilya
24:47at mga mahal sa buhay,
24:49may ilan naman
24:52na tila maaga rin
24:53sinusubok ng taon.
24:58Naging laman ng balita
25:00ang sunog na ito
25:01sa Cagayan de Oro
25:02sa unang linggo
25:03ng taong 2026,
25:05kung saan isang bahay
25:06mula Barangay Puntod
25:08ang natupo.
25:12Pero ang isa
25:13na nakatawag ng pansin
25:14ang kabayanihan
25:15ng fur dad na ito
25:17na sugatan
25:18matapos balikan
25:19sa nasusunog
25:20nilang bahay
25:21ang mga alagang
25:22aso at pusa.
25:28Hindi na raw
25:29maalala
25:30ng 25 anyos
25:31na si Jake
25:32kung kailan siya
25:33nahilig
25:34sa pag-aalaga
25:35ng hayop.
25:36Bata pa lang kasi,
25:37namulat na siya
25:38sa pagiging pet lover
25:39ng kanyang ina.
25:40Kasi yung pamilya
25:41namin,
25:42meron na talagang
25:43mga aso noon,
25:44meron mga pusa.
25:45Hanggang sa pagtanda
25:46namin,
25:47kahiligan na talaga
25:48namin sila.
25:49Dalawa lang daw
25:50silang magkapatid
25:51kaya ang mas
25:52nagpapasayaraw
25:53sa maliit nilang
25:54pamilya
25:55ang limang aso
25:56at tatlong pusa
25:57na mga alaga nila.
25:58Minsan,
25:59may mga problema
26:00sa mga financial
26:01o sa mga mental
26:02mga anxiety
26:03ganon.
26:04So, pag nilalaro
26:05namin yung mga aso
26:06namin,
26:07sila ponyo,
26:08sa isip yung mga problema
26:09namin.
26:10Pag nakakabanding
26:11namin sila.
26:12Kung ituring
26:13na nga raw ni Jake
26:14ang mga ito,
26:15parang baby.
26:16Pagka umaga po,
26:17minsan sila pa
26:18nagigising sa amin,
26:19dinadilaan nila kami.
26:20Tapos pagkabi,
26:21ganon din po yung routine.
26:23Manonood ng movie,
26:24kasama rin sila.
26:26Sa limang aso ni Jake,
26:27pinakamakulit daw
26:29ang dalawang lalaki
26:30na sina Snoopy
26:31at Ponyo
26:32na mga anak din
26:33ng isa pa nilang aso.
26:35Tatlong taon na raw
26:36ang mga ito.
26:37Si Ponyo po
26:38at si Snoopy,
26:39katalbi talaga namin sila
26:40matulog.
26:42Pero ang pag-aakala ni Jake
26:43na masayang taon
26:44para sa kanila
26:45ng mga alaga,
26:50e maagang tinupok
26:51ng apoy
26:52nang ang bahay nila
26:53masunog.
26:55Galing kami sa
26:57Kogon Market
26:58noon
26:59sa kasama
27:00aking nanay.
27:01Pero after nang pag-uwi namin,
27:02yung mama ko
27:03nag-idlip
27:04muna.
27:05Tapos ako,
27:06nagpapakain
27:07sa aming mga aso.
27:08Tapos yung papa ko,
27:09nandun lang sa tindahan
27:10pa rin
27:11nagbabantay.
27:12Tapos mga ilang minuto lang,
27:13bigla na lang sumigaw
27:15yung pinsan namin na
27:16para daw may apoy
27:17sa itaas
27:18o usok.
27:19Dahil nasa isang compound lang
27:21ang mga bahay nilang
27:22magkakaanak,
27:23mabilis din silang
27:24naalerto
27:25nang mapansin
27:26ang kanyang pinsan
27:27ang suno.
27:28Pagtingin namin sa hagdan,
27:29andun na yung usok
27:30at yung apoy
27:31tapos bigla
27:32na kami lumabas.
27:34Sa sobrang taranta,
27:36ang tanging naisip
27:37talag daw ni Jake
27:38e makalabas silang mag-iinak.
27:42Pero parang
27:43nabuhusan daw
27:44ng malamig na tubig
27:45si Jake
27:46nang maalala niyang
27:47naiwan pa
27:48sa loob ng bahay.
27:49Ang kanyang mga alaga.
27:52Ayun, bumalik ako ulit.
27:53Kahit yung
27:54apoy na yun,
27:55ambilis lang na pangyayari.
27:56Andun pa yung
27:57apoy sa hagdan
27:58tapos
27:59pagbalik ko,
28:00andito na siya
28:01sa gitna ng sala namin.
28:02Si Jake
28:03handang ilagay
28:04ang isang paasa hukay
28:06sa pag-asang
28:07mailabas ng buhay
28:08ang kanyang mga alaga.
28:10Hindi ko pa naisip
28:11yung risk
28:12na gagawin ko
28:13kasi inisip ko
28:14yung buhay nila.
28:16Sumasalubong na yung
28:17apoy sa akin
28:18pero hindi ko pa rin naisip
28:20kahit na yung mga buhok ko,
28:21yung mga
28:22kilay ko sunog na
28:23doon,
28:24nabit-bit ko sila doon
28:25palabas.
28:29Nang makalabas,
28:30dalawa sa limang aso nila
28:32ang kanyang nailigtas,
28:33si Naptonyo
28:35at Snoopy
28:36habang isa
28:37sa tatlong pusa rin nila
28:38na si Orange
28:39ang nasagip.
28:40Sugat at paso sa mukha,
28:44braso, leeg at batok
28:46ang tinamo ni Jake
28:47mula sa sunog.
28:48Pero maliit lang daw ito
28:50kumpara sa pagmamahal niya
28:52sa kanyang mga alagang aso.
28:54Tunay kang fur dad hero.
28:58Binalikan ko talaga kasi
29:00parang pamilya na kasi
29:01namin talaga sila eh.
29:03Parang ang sakit naman
29:04pag sila lahat
29:05nawala talaga.
29:07Sa ngayon,
29:09nakikitira
29:10si na Jake
29:11sa bahay
29:12ng kanyang pinsan.
29:13Wala rin silang
29:14naisalbang gamit.
29:16Pero laking
29:17pasasalamat nila
29:18sa suporta
29:19at tulong
29:20ng mga kamag-anak.
29:21Nilamon man ang apoy
29:23ang dati
29:24masayang tahanan.
29:29Hindi raw nawawala
29:30ng pag-asa si Jake
29:32na balang araw
29:33makakabangon din sila.
29:35Basta't magkakasama silang
29:37pamilya,
29:38kapiling ang
29:39kanilang mga alaga.
29:41Ang good news,
29:42nagpaabot ng
29:43konting tulong
29:44pinansyal
29:45bilang kanilang panimula.
29:47Maraming salamat po
29:48sa binigay niyong
29:49cash assistance
29:50at gamot po.
29:52Thank you po.
29:55Sabi nga nila,
29:56may kanya-kanya tayong
29:57chosen family
29:58sa buhay.
29:59Gaya ni Jake
30:00na ang turing
30:01sa kanyang mga alaga
30:02e para na ring pamilya.
30:04na hinding-hindi
30:06niya iiwan
30:07sa gitnaman
30:08ng sakuna.
30:19Sana'y na good vibes po kayo
30:21sa good news naming handog.
30:22Hanggang sa susunod na sabado,
30:24ako po si Vicky Morales
30:25at tandaan,
30:26basta puso,
30:27inspirasyon
30:28at good vibes.
30:29Siguradong
30:31good news yan.
30:32Good news yan.
30:33Good news yan.
30:34Good news yan.
30:35Good news yan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended