00:00Hindi lang infrastruktura at negosyo ang sukatan ng pag-unlad ng isang bansa.
00:05Mahalaga rin pagtunan ng pansin ng mga tao sa likod ng ekonomiya mula sa kalidad ng edukasyon
00:11hanggang sa paghahanda ng mga manggagawa para sa mga trabaho sa hinaharap.
00:16Tama ka, Janice. Dahil kapag mas napauunlad ang kakayahan ng bawat Pilipino,
00:20mas nagiging matatag din ang ating ekonomiya para mas mapalawak pa.
00:24Ang ating talakayan tungkol dito ay makakasama natin si Dr. John Paolo Rivera.
00:29Good morning, Doc. JP. At welcome po sa Rise and Shine, Pilipinas.
00:32Magandang magagapot, lalo na rin sa inyong mga taga-panood.
00:35Doc, madalas nating marinig na lumalago ekonomiya dahil nakatungtong na tayo sa upper middle class income status.
00:42Ano bang ibig sabihin nito at bakit may mga Pilipino na nahihirapang makahanap ng magandang trabaho hanggang ngayon?
00:49Siguro na unang-una gusto kong bigyang diin na isang mahalagang achievement
00:54ang pagiging upper middle income country status para sa Pilipinas
00:58dahil nangangahulugan na lumago ang ating ekonomiya
01:03at nagkaroon ng mga developments sa ating mga sistema dito.
01:08Ngunit kailangan natin rin maunawaan na ito ay isang income classification
01:13ayon sa pamantayan ng World Bank.
01:16Kaya napaka-importanting sagutin din yung katanungan na paano ba natin matatranslate itong paglaki na ito,
01:24itong pag-undad na ito, na maramdaman naman ng ating mga kababayang Pilipino.
01:28Di ba ang tanong nitong mga nakaraang buwan, upper middle income country tayo,
01:32pero gusto ko maramdaman na tayo ay upper middle income country.
01:36So mahalagang sagutin yung katanungan ngayon.
01:39Sir JP, dito po sa usapin ng human capital,
01:42ano po bang ibig sabihin nito at bakit po sinasabing ito ang pinakamahalagang investment ng isang bansa?
01:48Ah, napakagandang tanong.
01:50Kasi yung human capital, ito yung edukasyon, ito yung kalusugan,
01:55ito yung kasanayan ng ating mga kababayan, ng yamang tao, ng human resource,
01:59para mas maging produktibo pa sila.
02:02So ito yung mga intangible na ginagamit natin bilang isang manggagawa,
02:06bilang isang tao, para mapaunlad yung ating mga sarili.
02:09Kaya kung meron tayong magandang edukasyon, malusog na kalusugan,
02:13mas nakakapag-contribute tayo sa kaunlaran.
02:16Hindi lamang ng ating ekonomiya, kundi para na rin sa ating mga sarili.
02:20Okay, Doc. Kapag naman narinig natin ang public-private partnership o PPP,
02:25madalas infrastruktura ang naisip natin.
02:28Bukod sa mga kalsada at tulay, paano pa ito nakatutulong sa pag-unlad ng mga tao?
02:33Ang satulang tama yan, kapag PPP, laging infrastruktura, tulay, building.
02:39Pero ngayong taon na ito, sa pag-aaral ng PIDS,
02:42isinama namin yung public-private partnership sa larangan na rin ng edukasyon at kalusugan.
02:48Dahil ang gobyerno at saka ang pribadong sektor,
02:50maari yung mag-partner na maaring mag-collaborate
02:53para mapaganda pa ang kalidad ng edukasyon,
02:56mapaganda yung mga serbisyong pangkalusugan ng ating mga pampublikong ospital.
03:00Okay, speaking of collaboration,
03:01bakit pumalaga yung collaboration ng gobyerno at ng private sector?
03:06Ano naman, napakahalaga nun?
03:07Kasi unang-una, hindi naman kayang gawin ng gobyerno lahat.
03:11Pangalawa, hindi rin naman kayang gawin ng pribadong sektor ang lahat.
03:15So kasi ang gobyerno, yan na nagbibigay ng polisiya,
03:18nagbibigay ng direksyon,
03:20ng mga basic services na kinakailangan ng pribadong sektor.
03:23Yung pribadong sektor naman,
03:25meron silang pondo, may sapat na teknolohiya at inobasyon
03:28para mas mapaganda pa itong mga serbisyong nandito na para sa atin.
03:34So, Dok, bilang panghuli na lamang,
03:36panghuling mensahe,
03:37bakit mahalagang makiisa ang publiko sa pagdiriwang
03:40ng Development Policy Research Month sa darating na Setiembre?
03:44Ang napakahalaga ng partisipasyon ng ating mga kababayan
03:47dahil unang-una, yung mga pananaliksik kasi yung mga pag-aaral na yan,
03:51unang inaakala natin,
03:52para lamang yan sa mga akademiko,
03:54para lamang sa mga gobyerno,
03:56pero kailangan natin maunawaan na
03:58na bawat polisiya ng ating bansa,
04:00ito ay nagmumula sa mga pag-aaral.
04:03Dahil yung polisiyang ito,
04:04ang maapektuhan nito tayo.
04:06So, napakahalaga nito ang mga pag-aaral na ito
04:08para makonsulta, no?
04:10Malaman, ano ba yung kailangan mo?
04:11Ano yung kailangan ko?
04:12At maisama ito sa polisiya.
04:14At ngayong darating na Development Policy Research Month,
04:17napakahalaga na makiisa ang ating mga kababayan
04:19dahil sila yung apektado ng mga polisiya
04:22at marapat lamang na alam nila
04:23kung ano yung nangyayari
04:24sa likod ng mga polisiyang ito.
04:26At ito rin yung magpapatibay ng pundasyon
04:28para sa susunod na henerasyon.
04:30Tama yan.
04:30Yes.
04:31Well, on that note,
04:31maraming maraming salamat po
04:32sa pagbibigay sa amin ng kaalaman at informasyon,
04:35Dr. J.P. Rivera.
04:37Maraming salamat.
04:38Thank you, Doc.