00:00Mga kapuso, sa bilis po ng mga balita, bawal maiwan.
00:03Kaya ang pinakamahalagang detalye ibigay namin sa loob ng ilang minuto dito sa UH Summary.
00:12Narito po ang mga naganap sa Day 11 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:17In summary, ipinresinta kahapon ng prosekusyon ang 15 boxes o 15 kahon
00:24na naglalaman-umanon ng mga ebidensya na misuse at misappropriation ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
00:32Humarap na rin si dating Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Office State Auditor Roderick Wamil bilang testigo.
00:40Pinalakay niya ang mga dokumentong taliwas sa set of rules o guidelines sa tama paggamit ng confidential funds.
00:48Inisaysa ni Wamil kung saan lang pwedeng gamitin ang confidential funds ng government agencies
00:53at sinabing for strict compliance ang mga ito.
00:57Ayon kay Wamil, simula nang magsilbi siya sa COA-EQFAO,
01:02si Vice President Duterte lang ang na-audit niyang may confidential funds
01:06dahil siya lang ang may appropriation nito kumpara sa ibang mga dating vice presidents.
01:11Ayon pa sa kanya, hindi compliant ang pinakitang dokumento ng OVP
01:15dahil hindi naka-indicate ang specific na paggagamitan ng confidential fund.
01:20Maging ang time period na nakasulat sa disbursement voucher kung kailan gagamitin ang confidential fund ng DepEd.
01:28Gumastos din umano ang Office of the Vice President ng confidential funds para sa mga mesa, upuan at gamot ng
01:35walang resibo.
01:36Nag-object naman ang depensa tungkol sa pagsagot ni Wamil kaugnay sa pinaggastusan sa confidential funds.
01:43Para mapabilis naman ang paglalahad na impormasyon ginamit ng Impeachment Court,
01:48ang Rule of Voluminous Records kung saan hindi na iisa-isahin pa ang 845 acknowledgement receipts
01:57at nagpresenta na lamang ng ilan.
01:59Ipinakita sa korte ang acknowledgement receipt ng mga nagngangalang Mary Grace Piatos,
02:05Renan Piatos, Nova Santos, Miko Harina, Janice Marie Revilla, Patty Ting, Andy Lim,
02:14Alejandro Pickett, Fiona Byung, Sisfruño, Balsak at Gabriel Bisaya.
02:22Magpapatuloy po ngayong araw ang impeachment trial kaugnay pa rin sa Article 1
02:26o misuse of confidential funds ng OVP at DepEd nung kalihim nito si Vice President Sara Duterte.
02:33Mga kapuso, manatiling nakatuto para updated sa may init na issue ng bansa.
02:38Ito po si Mariz para sa UH Summary.
02:40Wait! Wait, wait, wait!
02:43Wait lang! Huwag mo muna i-close.
02:46Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
02:50para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
02:53I-follow mo na rin ang official social media pages na ang unang hirit.
02:58Thank you! O sige na!
Comments