00:00Inaprobaan ng Energy Regulatory Commission ang petisyon ng Miralco na pass-through charges o pagpasa sa mga customer na mga
00:08kapos na singilin.
00:09Kasama sa mga pinababayaran sa loob ng 36 buwan ang system laws at real property tax.
00:16Pati kustuloy ng isang kongresista, refund now, bowie later, dahil mababaliwala ang unang inanunsyong balikbayad ng Miralco.
00:24May report si Darlene Kai.
00:29Nitong linggo, ang utos ng Energy Regulatory Commission sa Miralco, isauli ang sobrang nasingil nilang 9.5 billion pesos sa
00:37lahat ng kanilang customers.
00:38Uutay-utayin ang balikbayad sa loob ng 6 buwan.
00:42Pinakamalaki ang refund rate sa residential customers, mahigit 58 centavos per kilowatt hour.
00:47Katumbas yan ng 117 pesos sa bill na mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
00:53Nangako ang Miralco na tatalima sa utos ng ERC.
00:57Anila, ang balikbayad ay kalakip ng dalawang refund application nila para sa mga period ng January to June 2025 at
01:04July to December 2025.
01:07Paliwanag nila, ang refund ay dahil sa malaking pagkakaiba ng actual weighted average tariff o mismong singil ng Miralco
01:14at ng aprobadong distribution tariff ng ERC sa mga panahon iyon.
01:19Bunsod ng lumaking konsumo ng kuryente ng mga residential customer.
01:23Pero hindi lang pala yan ang in-apply ng Miralco sa ERC.
01:26Inaprobahan din ng ERC ang pagsauli at pagkolekta ng Miralco ng pass-through charges mula February 2011 hanggang December 2022.
01:34Mahigit 30 million pesos ang ire-refund para sa mga pasok sa lifeline subsidy, senior citizen discount subsidy, at local
01:43franchise tax dahil sa over-recoveries o sobrang nasingil.
01:47Isang buwan ang balikbayad para sa subsidies at 36 na buwan para sa buwis.
01:52Pero mas malaki ang kanilang under-recoveries o singil na mas maliit kaysa aktual na gastos.
01:58Lagpas 8 billion pesos.
02:01Uutayin sa 36 na buwan ang sisinglin para sa generation o transmission costs, system loss, at real property tax.
02:08Ang sabi ng ERC, ang pass-through charges ay mga singil na kinokolekta para sa mga power generator, NGCP at
02:15gobyerno
02:16at hindi napupunta sa bulsa ng Miralco at mga gaya nilang distribution utility.
02:21Para maging transparent, inutusan ng Miralco na ilagay ang mga item na ito sa hiwalay na bahagi ng bill.
02:27Sinusubukan pa ng GMA News na makuna ng reaksyon ang Miralco, pati ang grupong National Association of Electricity Consumer for
02:34Reform o NASICOR.
02:35Pero sa isang post, sinabi ng NASICOR na nagsumiti sila ng position paper sa Office of the President at Energy
02:42Committees ng Kongreso
02:43para igiit na hindi lang refund ang solusyon kung hindi agarang rate reduction o pagbaba ng singilin.
02:50Puna rin ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women's Party Representative Sara Elago,
02:55mawawalang saysay ang Miralco refund dahil sa panibagong singil na babawiin din sa mga susunod na buwan at taon.
03:02Kasunod naman ang ikalimang sona ng Pangulo kung saan iginiit niyang dapat tanggalin ang system loss charge.
03:07May walo ng panukalang batas sa Senado ukol dito.
03:10Itutuloy ng Senado sa biyernes ang pagdinig dito.
03:14Ayon kay Senate President Wynne Gatchalian, kasama rin tatalakayin ang pagtitiyak na hindi maipupuslit sa bill ng distribution utilities ang
03:22system loss.
03:23Darlene Kai, GMA News.
Comments