Skip to playerSkip to main content
-5 kabaong na may larawan ng Chinese officials at anti-China message, natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Kamaynilaan; NCRPO, iniimbestigahan ang pag-iwan ng mga kabaong sa ilang lugar sa Metro Manila; Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, ready nang i-share ang kanyang unfiltered life sa "Celeste Unscripted;" VP Sara Duterte sa kanyang impeachment trial: Klarong may nangyayaring "bending the law;" Ph Statistics Authority: 2.3% GDP growth nitong 2nd quarter, pinakamabagal simula noong Covid-19 pandemic; INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA; Batang babae, patay matapos makuryente sa nagkaaberyang clip fan; lola at kapatid niya, nakuryente rin; Cinemalaya 2026, pormal nang buksan kahapon; Film entries, mapapanood hanggang August 18


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:005 Kabaong ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.
00:05Bukod po sa nakasulat na anti-China message,
00:08nakadikit din sa mga Kabaong ang mga litrato ng ilang Chinese officials.
00:13Ang mainit na balita hatid ni Jomer Apresto.
00:22Nagdulot ng takot sa ilang motorista at mga naglalakad ang Kabaong na yan,
00:26na iniwan sa bageta ng Rizal Avenue Extension bandang 7th Avenue sa Kaluokan kaninang madaling araw.
00:31Ayon sa uploader ng video, hindi nila malapitan ng Kabaong dahil sa pangambang may bomba sa loob nito.
00:39Sa kuha ng CCTV ng Baragay 54 pasado alas 2 ng madaling araw kanina,
00:44may kitang isang kulay puting van na huminto sa kalsada.
00:47Maya-maya, limang tao ang lumabas sa van at sinetap ang Kabaong bago sila tuluyang umalis sa lugar.
00:56Pwede pulisman, lahat ng mga anggulo.
00:59Anyway, ang CCTV namin open.
01:03Lahat po mga anggulo, makikita natin yung band kung baka makikita natin rin ang plate number at din ma-report
01:09natin sa LTO.
01:11Pasado alas 3 ng madaling araw ng kuning ng mga otoridad ng Kabaong.
01:15Sa Quezon City naman, isa ring Kabaong ang iniwan sa gitna ng Boy Scout Circle sa Timog Avenue mag-aalas
01:213 ng madaling araw kanina.
01:22Ayon sa barangay officials, nakita na mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department o TTMD ang mga nag-iwan
01:29sa Kabaong.
01:30May tatlong tao na naglapag.
01:35Isang babae, dalawang lalaki. Tapos ba na puti na walang plate number.
01:40Tinanong siya nung TTMD, yung babae, sabi naman sagot nila babalikan din daw nila.
01:46Inisip namin na may tao eh kasi pero wala naman po, litrato lang.
01:51May ilang litrato na nakadikit sa mga Kabaong. May nakasulat din dito na Chinese Communist Party at mga salitang greedy
01:59at salot.
02:00Pasado alas 3 ng madaling araw ng kuning ng Kabaong ng Quezon City Police.
02:04Sa di kalayuan, mayroon ding mga bulaklak ng patay sa Center Island.
02:08Hindi raw malinaw kung kasama itong iniwan sa lugar dahil wala o manong playback ang CCTV ng barangay.
02:15Sa Makati, may kaparehong Kabaong na nakita sa bahagi ng Buendia na ayon sa Makati City Police ay malapit sa
02:22Chinese Embassy.
02:23Iniinspeksyon nito ng polisya at bomb squad. At nang buksan ay walang laman kundi papel.
02:29Pareho rin ang nakalagay sa mga nakitang Kabaong. May nakasulat na Chinese Communist Party.
02:34Ang mga larawan naman, kamukha ni na Chinese President Xi Jinping, Chinese Foreign Minister Wang Yi, at Chinese Ambassador to
02:42the Philippines Jing Chuan.
02:44Ang buwan dito, establishment dito, ito yung Chinese Embassy natin.
02:48Kung naroonan po dito ang Kabaong ay malapit sa Chinese Embassy.
02:52So meron mo bang coordination sa inyo yung Embassy o ano ang...
02:56Wala pa ma'am, makipag-coordinate pa tayo sa kanila.
02:58Na-verify naman ma'am, walang laman, pero as of now, ginagawa natin yung operating procedure na ipapasokoy mo natin
03:06tapos papanin natin sa UOD para...
03:11May iniulat ding nakitang Kabaong sa Santa Cruz sa Maynila.
03:16Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
03:21Iniimbisigahan na ng National Capital Region Police Office ang tungkol sa mga Kabaong na iniwan sa ilang lugar sa Kamaynilaan
03:28na may litrato ng ilang Chinese officials.
03:31Ayon sa NCRPO, limang Kabaong ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Kaluokan, Quezon City at Makati.
03:39Sinadyang iwan daw ang mga Kabaong kaninang madaling araw.
03:43May mensahe ang mga Kabaong na kontra CPP-NPA at kontra China.
03:48Sinisilip na rin ng NCRPO ang mga CCTV sa lugar na pinag-iwanan ng mga Kabaong.
03:54Sabi naman ang Department of Foreign Affairs tungkol sa mga Kabaong na may mensahe kontra China,
03:59hindi nito pinahihintulutan ang anumang aksyon o banta ng karahasan laban sa sinumang individual o opisyal.
04:07Hindi rin ito sumasalamin sa posisyon ng gobyerno at hindi rin ito ipinapakita kung paano maglahad ng kritisismo ang mga
04:15Pilipino kahit sa mga sensitibong issue sa politika.
04:19Nakikipag-ugnayan din ang DFA sa mga otoridad, kaugnay sa tinawag nitong Reckless Act.
04:25Wala pang pahayag ang Chinese Embassy, kaugnay sa mga iniwang kabaong na may mensaheng kontra China.
04:38Friday latest mga kapuso, ready nang i-share ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang kanyang unfiltered life sa
04:48isang docuseries.
04:49Narito ang latest ni Athena Imperial.
04:54Mula pageants to entrepreneurship hanggang sa pagiging ina.
05:00Yan ang matutungahayan sa 8-part docuseries na Celeste Unscripted na tungkol kay beauty queen at numang Celeste Cortesi.
05:08In pageantry, when I do interviews and I do my own thing, I am very scripted.
05:15So this is the first time that people really get to see my private life and everything that happened after
05:22Miss Universe, more of my personality.
05:25Produced and directed ang docuseries by Filipino Emmy winner Michael Carandam, na nakatrabaho na ni Celeste nang sumali siya sa
05:33Miss Universe Philippines 2022.
05:35Celeste asked me to do her video for Miss Universe Philippines, like we did the catwalk challenge, and we did
05:42also the fashion film challenge.
05:45The shoot chop, the face, the face, and we won.
05:49Kabilang sa mga pag-uusapan sa series, ang pagkabigo ni Celeste na mapabilang sa top 16 roster ng Miss Universe
05:562022, na pumuto sa 12-year consecutive semi-final straight ng Pilipinas sa Miss Universe.
06:02Even in the moment I asked her for the first time, she really feels uncomfortable talking about it.
06:08And as somebody who is passionate also, I think the reason why is she really cared a lot.
06:13And it really meant a lot to her. And it meant a lot to her to make the Philippines proud.
06:18Like I was really inspired how Celeste manages some of the biggest, I would say failures in somebody's life.
06:24If you would think, like I am somebody that also embraces failure.
06:27I think because I've become better after a failure.
06:30Sabi ni Celeste, naisip na niyang sumali uli sa pageant.
06:34Pero thankful na raw siya ngayon sa nangyayari sa kanyang buhay.
06:37But I think now I reached a point where I feel at peace with what happened.
06:42I really gave my best. Like I really fought for it so much.
06:47And I prepared for it for more than a year, to be honest.
06:50And I'm just very grateful to about like where I am right now.
06:56And I think like also looking back, it was just not meant for me.
07:03Mapapanood ang Celeste Unscripted simula August 8 sa GTV at August 15 sa GMA Life TV.
07:11Athena Imperial nagbabalita para sa GMA News.
07:22Natutuwa raw si Vice President Sara Duterte sa ipinapakitang performance ng kanyang defense team sa impeachment trial.
07:28May puna naman ang bisya sa takbo ng paglilitis at sa ilang personalidad.
07:33Balitang hatid ni Darlene Kai.
07:38Sa panayam kay Vice President Sara Duterte, nagpakawala siya ng batiko sa kinahaharap niya ngayong impeachment trial.
07:46Napaka-klaro naman yung bending the law dyan sa impeachment na yan.
07:50Ang sabi niya, bending the law o pagbali ng batas.
07:54The third impeachment complaint.
07:57Kabilang sa mga pinatungkulan niya ang kuenestyon niyang impeachment proceedings sa Kamara.
08:02Petisyong ibinasuran na ng Korte Suprema dahil boot na ang issue.
08:05Pati na ang magkasamang pagupo sa rostrum ni na Senate President Sherwin Gatchalian
08:10at Presiding Officer Senator Cheese Escudero sa kanyang impeachment trial.
08:13Simula pa sa House of Representatives hanggang sa pagkakaroon ng dalawang tao na nakaupo doon sa stage or rostrum or
08:26elevated platform.
08:29Hindi na kailangan guluhin ang impeachment dahil magulo na siya sa bending the law.
08:35Tumangging magkomento si Duterte sa pagbasura ng Korte Suprema
08:39sa kanyang petisyong kumwestyon sa proseso ng Kamara sa pag-impeach sa kanya.
08:44Pero naghayag siya ng pagkatuwa sa ipinapakitang performance sa kanyang defense team.
08:49Nagpapasalamat lang talaga ako dahil merong mga abogado na tinanggap ang aking kaso
08:54at they are diligent and passionate enough to defend.
08:59Ayon din sa BISE, narinig daw nila na may iniyahan ng kaso ang National Bureau of Investigation.
09:05Hindi malinaw kung tungkol saan pero matatanda ang iniimbestigahan ng NBI
09:09ang umano'y banta ng BISE sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
09:13Usaping bahagi ng mga akusasyon sa kanyang impeachment trial.
09:17Naghahanda na raw ang kanyang abogado kung meron mang kasong isasampa.
09:21Dili naman siguro nakatingalad at sa nakita na ito sa mga kadaghan-daga nag-efile nila ang kaso sa,
09:27as I said, mga tao nga dili musunod kay BBM.
09:32Darlene Kai, GMA News.
09:36Patuloy po namin ihahatid ang mga pinakahuling pangyayari sa The Vice President on Trial.
09:41Umaga po yan tuwing lunes hanggang miyerkules sa livestream.
09:45Napapanood din po yan dito sa GTV simula 9.45 ng umaga, lunes hanggang miyerkules.
09:55Mainit na balita, nagtala ng pinakamabagal na paglago ang ekonomiya ng bansa simula noong COVID-19 pandemic.
10:03Sa tala ng Philippine Statistics Authority, 2.3% ang gross domestic product growth nito pong second quarter.
10:11Pinakamabagal simula noong first quarter ng 2021 na negative 3.8%.
10:16Ayon pa sa PSA, pinakamalaki ng ambag sa paglago ng ekonomiya noong second quarter
10:22ang wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles, education at manufacturing.
10:30Sabi ng Malacanang, mas mabagal kaysa sa kanilang inaasahan ang maitalang GDP growth.
10:36Pero hindi raw nito itinatakda ang pangmatagalang direksyon ng bansa.
10:41Anya, pansamantala lamang daw ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya na resulta ng ilang unusual events
10:47gaya ng gulo sa Middle East at pagtamlay ng infrastructure spending sa gitna ng aksyon ng gobyerno laban sa korupsyon.
10:57Kamusayin na po natin ang magiging lagay ng panahon ngayong weekend.
11:01Makakapanayin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
11:05Magandang umaga po sa inyo, sir.
11:07Magandang umaga, Ms. Connie, at sa lahat po ng ating mga taga-so, bye-bye.
11:10Tila mabilis po yung tuluyang pag-dissipate ng bagyong Maymay. Ano ang nakikita niyong dahilan niyan?
11:16Well, Connie, kung nakita nga natin, tumawid ng Northern Luzon area bilang isang tropical storm category itong bagyong si Maymay.
11:24And alam naman po natin na yung Northern Luzon area ay may mountainous regions.
11:30So normally, kapag isang bagyo, lalo na kung hindi naman kalakasan,
11:34ay tumama po sa mountainous regions ng Northern Luzon, may tendency pong mabasag yung sirkulasyon ng hangin ito.
11:40At bukod pa dyan, nawawalan na na supply ng moisture.
11:44Kasi karaniwan po, yung mga ganyang landmass ay mababa ang moisture content ng hangin.
11:50At iyon po isang source ng lakas ng bagyo.
11:52Kung kaya't iyon yung naging daylan kung bakit since last night hanggang kaninang umaga,
11:57ay tuloy na naging isang low-pressure area na lamang itong dating bagyong Maymay.
12:01Mananatili ho bang malakas ang habagat naman ngayong weekend?
12:04At ano-ano ho yung mga lugar na uulanin kung sa kasakali?
12:08Tama po sila, no?
12:09Dahil bagamat wala ng bagyo, yung bagyo naman na napakalayo,
12:14nasa labas ng FAR, na may international name na Dolphin,
12:17ay patuloy na nagpapaibay ng habagat.
12:19So ngayong araw hanggang bukas, asahan ng mga pagulan,
12:21posibleng umabot na hanggang 100 to 200 millimeters
12:24dito sa lalawigan ng Abra, Ilocosur, Laonion, Benguet at Sambales.
12:29100 millimeters naman sa ilang lugar, gaya nga na Ilocos Norte,
12:32Apayaw, Kalinga, Mountain Province, Ipugaw.
12:36100 millimeters din, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan at Occidental Mindoro.
12:42At inaasaan po natin nga na sa Sabado at sa darating na linggo,
12:47ay posibleng pang manatili itong epekto ng pinag-ibayong habagat.
12:51At sa Sabado nga inaasaan natin na kasama na ang Metro Manila
12:54sa posibleng ulanin ng mula 50 to 100 millimeters of rain.
12:59Kaya patuloy yung paalala natin sa ating mga kababayan,
13:01bagamat wala ng bagyo, yung pinag-ibayong habagat,
13:04pwede pa rin po magdulot ng mga pagbaha, lalo na sa low-lying areas,
13:07pag-uho ng lupa sa mga lugar na malapit po sa paana ng bundok,
13:10lalong-lala po kung ilang araw nang nag-uho lang sa kanilang lugar.
13:13Marami pong salamat sa inyong paalala na yan. Thank you.
13:18Marami salamat, Maganda Araw.
13:20Yan po naman si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
13:26Ganito kasigla ang labing isang taong gulang na si May,
13:29pero ang kakulitan niyang ito, isang talang alaala ngayon.
13:33Nakaburol siya ngayon sa Las Piñas matapos makuryente
13:35dahil sa isang nag-malfunction na clip fan.
13:38Electric fan nga daw po ang sun heat doon sa magkakuryente
13:42kasi yung dulo niya, naputol po eh.
13:44Naputol bali yung dulo.
13:46Ngayon yung kaputol nun, dumikit po dun sa double deck namin.
13:50Ngayon nung dumikit yun dun sa ano, hindi nakadikit,
13:53eh itong anak ko naman kasi basa.
13:57Tapos basa na rin yung flooring kasi nga nagigib siya na wala kasi kami ng tubig,
14:02naputulan kami, gawa nang sa hirap nga namin.
14:05Sa lakas doon ang pagkakuryente ni May,
14:07nadamay din ang kanyang lola at kapatid.
14:10Sumigaw daw.
14:12Aray daw. Nakita nanay ko, nanginginig na.
14:15Sabi ng nanay ko, kulot, huwag ka magbibiro.
14:19Ginawa nanay ko, hinawakan siya.
14:21Kala niya, nagbibiro lang, hinawakan.
14:23Eh nakuryente na rin siya.
14:24Tapos sumawak din yung si Bibi, nakuryente na rin yung bunso ko.
14:29Binitawan.
14:29Sabi nung anak ko ng bunso, yung kapatid niya,
14:32na lumabas na dyan, kuryente yan.
14:35Namamasado noon si Noel bilang tricycle driver na maaksidente ang anak.
14:39Sa ospital na lang niya inabutan ang anak na wala ng buhay.
14:42Pinipisil ko para umaray ba.
14:45Sabi ko, laban ka naman na, huminga ka, sige na, gumalaw ka kahit isa lang, ayaw talaga.
14:52Wala ka pa masabi sa kanya.
14:54Malambing po siya.
14:56Yung pagka, yung darating siya sa terminal ni, nabiyay ka ron,
15:01hingi po ng baon.
15:03Pag nakita ko, yayakap na yan sa akin, tapos ikikiss niya ako niyan.
15:07Hingi naman ang kiss naman yan.
15:08Tapos, yung buho ko kasi ito, gayo ito, mahaba.
15:11Susuklay niya ito.
15:12Ito yung mismong clip fan na ayon sa ama ng biktima,
15:15naging sanhi ng aksidente.
15:17At ito yung dulo ng kable na natuklap at na-expose.
15:20Kaya naging simula ng pagkakuryente ng biktima.
15:26Problema pa sa ngayon ng pagpapalibing kay May.
15:28Botante po siya ng Las Piñas.
15:31So, ina-expect po namin na siya ay makaka-awail ng libring-libing.
15:36Pero, ang naging conflict according to Kuya Noel,
15:40na hindi nga daw po ito sa funeraryan ng Las Piñas,
15:44kundi sa Bacoor.
15:45So, paglapit naman niya ng Bacoor,
15:47ang sabi naman po ng barangay ng San Nicolás,
15:50according sa kwento ni Kuya Noel,
15:52ang address naman niya ay Las Piñas.
15:54Kaya hindi rin din daw po ma-avail ang libring-libing.
15:58Nanawagan ako,
15:59nagkaroon kami ng pag-uusap kanina,
16:02nag-post po ako sa social media,
16:04sa FB ko,
16:05na may hindi kami ng tulong sa mga kinauukulan
16:08para naman ma-avail po nila yung libring-libing,
16:11either Bacoorman ito,
16:12or Las Piñas.
16:14Iba yung ingat din ang paalala ng pamunuan ng barangay
16:17sa paggamit ng mga dekuryente yung gadgets sa bahay.
16:19Katulad po nung clip fan na ito,
16:22which is nakita po natin,
16:24ang dami,
16:24halos lahat po ng kabahayan ay gumagamit po nito.
16:27At ang mga minor de edad,
16:29ang mga bata po ay,
16:32kanila pong ano,
16:33sila na yung nagpa-plug na nito,
16:35at napaka-delikado,
16:36baka may mga sugat na wire,
16:38na alam naman natin na,
16:39baka mamaya under-size po yung mga wires nito.
16:42So, maging ano po tayo mapagbantay.
16:45Sinusubukan pa namin makuhana ng pahayag ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas.
16:50Bamalagro, nagbabalita para sa GMA News.
16:55It's official, binuksan na ang 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
17:01Present sa opening kahapon ng Cinemalaya 22 Real Reflections,
17:05si sparkle artist Rocco Nasino.
17:07Bida si Rocco sa film entry na Tiric.
17:10Naroon din ang ilang bigating direktor,
17:12kabilang si Kapuso Award-winning screenwriter and director Zig Dulay.
17:16Hosted ang event ni sparkle actress Clea Pineda,
17:19kasama ang co-host na si Janela Salvador.
17:22Bukod sa Tiric, kasama rin sa entries this year,
17:25ang pelikulang Hand of God ni Hari ng Tondo Star, Ruro Madrid.
17:29Family drama na tayo lang ang nakakaalam
17:31ng nagbabalik Cinemalaya na si Martin Del Rosario.
17:35At two valid IDs ni Kapuso Comedian Pocuang,
17:39mapapanood ng Cinemalaya hanggang August 18.
17:49APOI PING Nicateden –
Comments

Recommended