- 11 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Pinagtatapon na lamang ang mga wombok na yan sa gilid ng kalsada sa Sabangan Mountain Province.
00:06Paliwanag ng mga magsasaka, hindi kasi nila nabenta ang mga wombok o pechay bagyo
00:11dahil hindi raw pasado ang kalidad nito ng dalhin sa Agricultural Terminal.
00:16Pwede raw sanang ipamigay ang mga gulay pero gagastos pa sila dahil malayo ang kanilang bayan.
00:22Labis ang panghihinayang ng mga magsasaka na dalawang araw daw bumiyahe patungong Agricultural Terminal
00:29pero hindi sila kumita.
00:31Walang detalye kung gaano karami ang itinapong wombok.
00:34Sa bantay presyo po ng Department of Agriculture,
00:37nasa 40 hanggang 130 pesos ang kada kilo nito sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
00:45Patay ang isang lalaki matapos mahulog ang kanyang minamanehong kotse
00:48mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Makati.
00:52Iniimbisigahan pa ito ng mga otoridad.
00:55Balitang hatin ni JP Soriano.
01:01Mula sa isang gusali, isang kotse ang nahulog sa Jimenez Street sa Makati City.
01:09Halos mapipi ito at naggalat sa kalsada ang mga bahagi ng kotse.
01:15Sa lakas po ng impact ng pagbagsak ng sasakyan ay umabot po na may 15 to 20 meters
01:20yung mga debris o salamin na nabasag dito po sa bahagi ito ng Jimenez Street
01:25dito sa barangay San Lorenzo sa Makati City.
01:28Agad binawian ng buhay ang lalaking driver ng kotse.
01:32Ayon sa ilang saksi, may narinig silang malakas na tunog sa building bago ang pagbagsak.
01:38Batay sa police report, mag-alas 12 ng tanghalik dumadaan ang 55 years old na biktima
01:43sa driveway mula sa 5th floor patungo sa 4th floor parking area.
01:48Bumanga o malo ang sasakyan sa pader ng gusali kaya nawalan ng kontrol ang driver.
01:54Tumama ang sasakyan sa ballard at patuloy na umabante hanggang mahulog mula sa ika-apat na palapag.
02:00Yung impact muna ng pagtabanggan niya, yun muna.
02:04Tapos maya-maya, yung pinakamalakas yung bagsak na ng kotse niya.
02:08Kaya nagtakbuhan kami.
02:13Hindi pa malina kung paano at bakit nahulog ang kotse.
02:17Yung paglalaglag sa parking lot, actually, maandar siya dahil spiral driveway siya.
02:23Yung mismong parking?
02:24Yeah, nakatapat doon sa paikot.
02:26So malamang maandar yan.
02:28Did they have a medical situation?
02:30Di natin alam.
02:31Kaya nawalan ng kontrol.
02:34Inaabangan pa ang resulta ng pagsusuri na mga dumating na membro ng scene of the crime operatives o SOCO.
02:41Ayon sa pamunuan ng gusali pagmamayari ng isang tenant,
02:44ang sangkot na sasakyan, nakikipagtulungan na raw sila sa mga otoridad
02:48at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga sangkot habang gumugulong ang imbistigasyon.
02:53Nagpahatid naman ng pakikiramay sa pamilya ang Southern Police District.
02:57Hinikayat din nila ang mga motoristang gumagamit ng multi-level parking facilities
03:02na sumunod sa mga protokol gaya ng speed limit at directional signs para maiwasan ang disgrasya.
03:09Patuloy ang imbistigasyon ng pulisya.
03:12JP Sorian, nagbabalita para sa GMA News.
03:48Ipinadala naman sa email ang supina kay Dr. Lourdes Tingson-Lebosada,
03:54ang sinasabing naging kasosyo ni 2nd Gentleman Attorney Manz Carpio sa Calye 88.
03:59Batay sa naunang testimonya ni DTI Undersecretary Seferino Rodolfo,
04:04ang kahulugan ng kalye sa Calye 88 ay Carpio at Lebosada.
04:08Letestigo naman si Lebosada tungkol sa organizational structure at business operations ng kumpanya.
04:16Aprobado na ng Senado ang panukalang 2027 budget ng iba't ibang tanggapan ng gobyerno,
04:22kabilang nga-anga sa Office of the Vice President.
04:25Dumalo si Vice President Sara Duterte sa budget deliberation.
04:29Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
04:34Dumating si Vice President Sara Duterte sa Senado para sa pagsalang sa plenaryo
04:40ng 785.2 million peso budget ng Office of the Vice President para sa 2027.
04:48Kinamayan siya ni na Senate President Sherwin Gatchalian,
04:52Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri,
04:54at Senate President Pro Tempore Tito Soto mula sa mayorya.
04:58Gayun din si na Senador Robin Padilla at Senador Bongo ng mirorya.
05:06Kasama ng bisi ang Chief of Staff na si Attorney Zulaika Lopez
05:10at Assistant Chief of Staff na si Lemuel Ortonio
05:13na minsan ang humarap sa impeachment trial bilang hostile witness.
05:18We welcome our Honorable Vice President, Vice President Sara Zimmerman Duterte.
05:23Welcome to the Senate, ma'am.
05:24Umupo ang bisi sa tabi ni Senate Finance Committee Chairman J.V. Ejercito,
05:29ang sponsor ng budget ng OVP.
05:31Pero matapos lang ang ilang segundo.
05:34Mr. President, no member wishes to ask or propound any questions.
05:40This is a courtesy that we give to the Office of the Vice President.
05:44Therefore, I move that the budget of the Office of the Vice President be deemed submitted.
05:50Is there any objection?
05:51Hearing none, the budget of the Office of the Vice President is hereby deemed considered.
05:58Matapos ito, kinamayan at binati ng mga Senador si VP Sara
06:02na lumabas din agad sa session hall.
06:05Merry Christmas!
06:07Lusot na rin sa plenaryo ng Senado ang 14.99 billion peso budget ng Commission on Audit
06:14at ang 1.28 billion peso budget ng Commission on Human Rights.
06:20Wala naman labing limang minuto, ay aprobado na rin ang halos 335 billion peso budget
06:27ng Department of Interior and Local Government at attached agencies nito,
06:32kabilang ang Philippine National Police.
06:34Inabot naman ng 3 minuto ang pag-aproba sa 6.4 billion pesos na budget
06:40ng Department of Human Settlements and Urban Development
06:44dahil walang nagtanong na Senador.
06:46Lusot na rin sa plenaryo ang 28.41 billion peso budget
06:51ng Department of Environment and Natural Resources.
06:55Kalahati ng budget hike na iyan ay dagdag pondo sa ating water agencies.
07:00Ngayong nagsisimula ng maramdaman sa iba't ibang bahagi ng bansa
07:04ang tag-tuyot na hatid ng Super El Nino.
07:09Pagsalang naman ang budget ng Department of Transportation
07:12na talakay ang hindi umano sapat na pondo sa Davao Public Transport Modernization.
07:19Sabi ni Sen. Ping Lakson,
07:21ito ang dapat pondohan imbis na mga ayuda
07:24o mga financial assistance to local government units.
07:27I was so surprised, but I was disappointed to hear
07:31that the SWD itself wanted it retained in AYX.
07:38AYX pa lang yun, yung 48.14 billion.
07:43So, na-discuss din natin during the general principles,
07:47yung falgu.
07:50Ito yung lump sum.
07:52I hate to say this, but this is actually pork barrel po ito eh.
07:58And again, I hate to say this, this is a presidential pork.
08:03Kasi walang merong menu, walang allocation.
08:07Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
08:11Taugnay naman sa ipinapasaole ng ERC sa Meralco
08:14na halos 2 bilyong piso para sa Meralco customers.
08:18Makakapanayin po natin si Atty. Francis Saturnino Juan,
08:21ang chairperson ng Energy Regulatory Commission.
08:24Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hallie, sir.
08:27Magandang umaga po, Nia, sa lahat ng mga nakasubaybay.
08:30Opo. Pakipaliwanag lamang po kung papaano ba ibabalik.
08:34Ito pong sinasabing sobrang nasingil ng Meralco
08:39sa mga kanilang mga consumers.
08:41Yung pagbabalik ay sa pamamagitan ng pag-implementa
08:45ng rate reduction.
08:46On average, ang rate reduction will be 15 centavos.
08:50But yung rate reduction na yan, iba-iba
08:53kada customer class.
08:54Kaya for residential customers,
08:56nasa mga 26 centavos yan.
08:58Ang ipapatupad ng Meralco na refund
09:01at ipatupad niya ito sa loob ng mga tatlong buwan
09:05hanggang maisauli niya yung kabuhaang 1.99 billion
09:08na ipinasasauli namin.
09:10So, ito ba ay para sa lahat ng mga Meralco customers?
09:15Lahat po ay makakatanggap ng refund?
09:18Oo, para sa lahat yan ng Meralco customers.
09:21Okay, at bukod po sa refund,
09:22ano po ang chance naman daw na bumaba kaya
09:24ang singil ng kuryente?
09:25Kasunod po ng mga rollback naman
09:26ng mga produktong petrolyo.
09:28Ito ay titignan pa natin kung ano ang magiging
09:32efekto niyan doon sa pangkalahatang generation cost
09:35ni Meralco.
09:37At kung mayroong magiging pagbaba,
09:39ito naman ay otomatikong may patutupad din
09:41ng Meralco.
09:43Pero kung, alimbawa, tulad nung nangyari
09:45nung nakaraang buwan,
09:46na nakita natin pataas pa rin
09:48ang singil sa generation charge ni Meralco,
09:50dahil doon sa mga fuel adjustment
09:54na ipinatupad,
09:55at gayon din ang mas mataas na singil
09:58sa Wessel.
09:58So, kung ganyan pa rin ang
10:01pangyayari sa susunod na buwan,
10:03makikita pa rin natin sa December billing
10:05na mayroong efekto yan.
10:08Kaya binadali na ng komisyon
10:09yung pag-aaral at pag-depesisyon
10:12dito sa refund na ito ng Meralco.
10:14Sa gano'n, may sigurado tayo
10:16na makikita ang reduction.
10:18Kaya kung ano man ang mangyari
10:20sa generation charge,
10:21magkakaroon ng offsetting
10:23and mitigation ito.
10:24Yung sa area naman po ng Visayas
10:27ay nakakabahala dahil parating
10:28naka-red o yellow alert
10:30yung kanilang estado doon.
10:31Paano po natin kaya mabibigyan
10:34ng mas magandang servisyo
10:35ito po nga nasa Visayas?
10:38Yung pagdating sa Visayas,
10:40mayroon na rin naman mga programa
10:41ang Department of Energy
10:43at sumusuporta tayo
10:45sa Department of Energy
10:46tungkol dito
10:47tulad nung pangukontrata
10:48ng NGCP
10:49ng kanagdagang reserves.
10:51Sa gano'n,
10:52ay magkaroon ng kanagdagang kapasidad
10:54sa tuwing magkakaroon
10:56ng pagtaas sa demand sa Visayas.
10:58Lalo na doon sa late afternoon
11:00hanggang early evening.
11:01Kasi yung batteries na yan,
11:02maaaring makapag-store
11:04ng kuryente during daytime
11:07kung mayroong excess.
11:08At itong may-store niya na kuryente,
11:11maaaring kung magamit
11:12during early afternoon
11:13or early evening
11:15na nagkakaroon ng pag-pick
11:17sa demand sa Visayas.
11:18Okay.
11:18Paano pinaghahandaan ngayon
11:20ng ERC,
11:21o energy sector,
11:22particularly yung posibleng effect
11:24ng Super El Niño
11:25sa mga consumer?
11:26Bukod doon sa suporta natin
11:29na ibibigay doon sa programa
11:31ng Department of Energy
11:32sa pangungontrata ng NGCP
11:34ng mga additional na AS agreements
11:37kasi kakailanganin ito
11:39ng pag-aproba ng komisyon.
11:41Maglalabas ang komisyon short food
11:43ng kanyang energy storage system framework.
11:47Nang sa ganon,
11:48mas marami ang mahikaya tayo
11:50ng mabuhunan dito sa sektor na ito
11:52sa mga talagdagang energy storage capacities
11:56dahil madali lang itong maitayo
11:58at kung aabot dito sa pagtaas
12:01ng demand natin
12:02dulot ng El Niño
12:03ay makakatulong ito
12:05para maibsan yung pagtaas sa demand.
12:08Okay.
12:09Marami pong salamat
12:10sa inyo pong ibinigay
12:11sa aming impormasyon na yan.
12:12Thank you, sir.
12:13Maraming salamat din, Bonnie,
12:14sa opportunity na makapagpaliwanag.
12:16Yan po naman si Energy Regulatory Commission
12:18Shareperson,
12:19Attorney Francis Atonino Juan.
12:26Numero uno na sa ranking
12:28ng World Nine Ball Tour
12:29si Pinoy Q artist
12:30Carlo the Black Tiger, Biado.
12:34Makasaysayan ito
12:35dahil si Biado
12:36ang kauna-unahang Pinoy
12:37na nakakuha
12:38ng top spot sa WNT rankings.
12:42Bukod dito,
12:43si Biado rin
12:43ang kauna-unahang Pinoy
12:45na dalawang beses nagwagi
12:46sa World Bowl Championship.
12:49Congratulations!
12:51Ito ang Rodrigo
12:53Roa Duterte.
12:58Sa lunes,
12:59November 30,
13:00na magsisimula
13:01ang pagdelete
13:01sa kasong crimes
13:02against humanity
13:03ni Pangulong Rodrigo Duterte
13:05sa International Criminal Court
13:06sa The Hague,
13:07Netherlands.
13:08Bago yan,
13:09iginiit ng defense team
13:10ng dating Pangulo
13:11na mayroon siyang
13:12cognitive impairment
13:14kaya limitado
13:15ang kanyang kapasidad
13:15na lumahok
13:16sa proceedings ng kaso.
13:18Halos hindi na raw
13:19makakaalala
13:20ang dating Pangulo.
13:22May mga panahon din
13:23umano na hindi niya
13:24makilala
13:25ang mga abogadong
13:26madalas niyang kausap.
13:27Naunang iginiit
13:28ni ICC Spokesperson
13:30Orian Maye
13:31na fit-to-stand trial
13:32ang dating Pangulo
13:34batay sa pagsusuri
13:35ng expert panel.
13:36Inatasan din
13:37ng Trial Chamber 3
13:38ang ICC Registry
13:40na regular na imonitor
13:41ang kalusugan
13:42ng dating Pangulo
13:43habang nasa
13:44ICC Detention Center.
13:46Ayon din sa ICC Spokesperson,
13:48may itatalagang
13:48medical personnel
13:49para kay Duterte
13:51sa gitna
13:51ng paglilitis.
13:57Dalawa ang patay
13:58nang maaksidente
13:59ang isang public utility van
14:01sa Coronadal
14:01South, Cotabato.
14:03Base sa inisyal na
14:04imbisigasyon
14:04ng Coronadal City Police,
14:06nakatunog ang driver
14:07ng van
14:08at mabilis
14:09ang takbo
14:09ng sasakyan.
14:10Nag-swerve ito
14:11at sumalpok
14:12sa isang puno
14:13sa National Highway
14:14sa barangay Sarabia.
14:16Sa lakas po ng impact,
14:17nayupi
14:18at nawasak
14:19ang sasakyan.
14:20Bukod sa dalawang nasawi,
14:21sugatan
14:21ang walong iba pang
14:22sakay ng van
14:23kabilang ang driver.
14:25Pawang magkakaanak
14:26ang mga biktima.
14:31Nasa Iloilo ngayon
14:33si Pangulong Bongbong Marcos
14:34para sa groundbreaking
14:35ng isang
14:36water supply project.
14:37Pinangunahan din
14:38ng Pangulo
14:39ang pamimigay
14:40ng laptop
14:40sa mga guru roon.
14:42May ulot on the spot
14:43si Zen Kilantang Sasa
14:45ng JMA Regional TV.
14:47Zen?
14:49Connie,
14:50nasa Iloilo
14:50sa ting ngayong araw
14:51si Pangulong
14:52Ferdinand Marcos Jr.
14:53kung saan
14:54pinungunahan niyang
14:54iba't ibang aktividad
14:55gaya na lang
14:56ng pamimigay
14:57ng laptop
14:58sa maguro.
14:59Pinungunahan
14:59mismo ni Pangulong Marcos
15:01ang ceremoniang turnover
15:02ng laptop
15:03sa maguro
15:03sa ilalim ng
15:04South Division
15:05Office
15:05sa Iloilo.
15:06Sa Iloilo,
15:088,261 na laptop
15:09ang inilaan
15:10para sa mga teaching
15:11at non-teaching personnel.
15:137,090 dito
15:14ang para sa Iloilo Province.
15:16Ang bawat unit
15:17ay may built-in
15:18productivity tools
15:19at limang taong
15:20warranty.
15:21Prioridad ang mga
15:22paara lang
15:22walang naunang
15:23allotment
15:23at mga guru
15:24hindi pa nakatatanggap
15:25ng laptop
15:26mula sa gobyerno.
15:27Ayon sa mga guru,
15:28malaking bagay
15:29ang laptop
15:30upang mas mapahusay pa
15:31ng kanilang pagtuturo.
15:33Pinaalalahan na naman
15:34ni DepEd Secretary
15:35Sonny Angara
15:36ang mga guru
15:36na bawal ipahiram
15:38at ibenta
15:38ang laptop
15:39na para lang
15:40sa educational use.
15:41Pinangunahan din
15:42kanina ng Pangulo
15:43ang ceremonial
15:44groundbreaking
15:44ng 2.2 billion pesos
15:46na hala or bulk
15:47water supply project
15:48sa Santa Barbara
15:49Iloilo
15:50na inaasahang
15:51makapagbibigay
15:52ng 86 million liters
15:53per day
15:54na tubig
15:54sa mga residente.
15:56Connie,
15:56dadalo rin
15:57ang Pangulo
15:58sa inaugurasyon
15:58ng isang welfare center
16:00para sa mga
16:01OFW dito pa rin
16:02sa Iloilo
16:03na Setia.
16:04Connie,
16:04yan ang lita
16:04flora dito
16:05sa Iloilo
16:06na Setia.
16:06Maraming salamat,
16:07Zen,
16:08kilansang sasa
16:09ng GMA Regional TV.
16:15Anong ha sa iyo
16:16mga chinggu!
16:17Balik Pilipinas
16:18ang South Korean stars
16:20sa sina Han Sohee
16:21at Lee Dohyeon
16:22para sa grand opening
16:24ng isang Korean fashion brand.
16:27Napuno ng kilig
16:28at hiyawan ng fans
16:29ang isang mall
16:30sa Makati City
16:31kung saan ginawa
16:33ang event.
16:33Spotted din doon
16:35si sparkle artist
16:36Gabby Garcia
16:37na excited
16:38makita
16:38ang South Korean stars.
16:39So one-on-one
16:40interview ko
16:41kay Sohee
16:42ikinuwento
16:43ng aktres
16:43na masaya siya
16:44sa warm welcome
16:45at support
16:46ng Filipino fans.
16:47Tingin niya
16:48well-loved
16:49ang Korean fashion
16:50sa Pilipinas
16:50dahil na rin
16:51sa impact
16:52ng K-pop.
16:54Chika naman
16:54sa akin ni Dohyeon
16:56grateful siya
16:57sa never-ending support
16:58ng Philo fans
16:59sa kanyang projects.
17:00Kung mabibigyan daw siya
17:02ng free day
17:02sa Manila,
17:03gusto raw
17:04itry ng aktor
17:05ang local street food
17:06at
17:07hallo hallo
17:14I think I was here last year
17:17for the fan meet.
17:18It's been around one year
17:20since the last visit.
17:21Thank you so much
17:22for the big welcome
17:23and the cheers.
17:24I didn't really expect it I am really thankful that everyone liked and showing
17:30support even from afar to my Filipino fans I'm truly happy to meet you every
17:38time a new project was released I was always grateful for the warm support and
17:42love you sent from afar being able to look you into the eyes here and say
17:46thank you in person means so much to me ayon naman sa Malacanang dapat ay
17:53mag-high in ang motion for reconsideration ang mga kumikestyon sa
17:57desisyon ng Korte Suprema imbis na idaan sa media kasunod yan ng pahayag ni
18:01Vice President Sara Duterte tungkol sa pagbasura ng Korte Suprema sa
18:05habeas corpus petition ng kanyang mga kapatid para sa kanilang amang si
18:09dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay naman sa national sovereignty na
18:14binanggit ng bise pinigyang diin ni Palace Press Officer Claire Castro ang
18:18Section 17 ng RA 9851 of Philippine Act on Crimes Against International
18:24Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity. Anya nakasaad doon na
18:31maaring isuko sa isang international court ang isang akusado sa crimes sa
18:36Kasong Crimes Against Humanity. Nauna nang sinabi ni Attorney Paulo Panelo abogado
18:41ng isa sa mga petitioner na si Veronica Duterte na maghahain sila ng motion for
18:45reconsideration sa Korte Suprema.
18:50Kabilang sa mga tinalakay sa Senado kaninang umaga ang 2027 budget ng Department of
18:55Agriculture. May ulot on the spot si Jonathan Andal. Jonathan?
18:59Connie, pinag-uusapan na rao ng Department of Agriculture at Senate
19:03Committee on Agriculture ang pagbabalik sa merkado ng NFA rice. Sinabi ito
19:08ng Sen. Kiko Pangilinan, Chair ng Kumite at sponsor ng DA budget sa budget
19:14deliberation sa Senado. Ayon kay Pangilinan, gusto na nilang ibalik ang NFA rice sa
19:18merkado para mapababa ang presyo ng bigas. Sa ngayon, binabalangkas na rao ang mga
19:22amyenda o pagbabago sa RTL o Rice Tarification Law para may proteksyon kontra
19:27korupsyon sa NFA rice. Silalim kasi ng kasalukuyang batas ng RTL, pinagbabawalan
19:32ng NFA na magbenta na kanilang bigas sa palengke. Sabi ni Pangilinan, ginawa
19:36iraw ito dahil naging ugat ng korupsyon ng NFA rice na nire-rebag at ibinibenta
19:41bilang regular or well-milled rice sa merkado. Samantala, good news sa mga
19:45magbababoy o mga hug racer. Inanunsyo ngayon ng DA na nailabas na kagabi ng DBM o
19:51Department of Budget and Management ang 336 million pesos na ayuda para sa mga
19:57hug racer na naapektuhan ng African swine flu. Sisimulan na rao ang payout
20:00ngayong Desyembre. Samantala, Connie, dahil walang nagtanong ng Senador,
20:04parehong mabilis nakalusot sa plenaryo ng Senado ang mga panukalang pondo
20:08ng MTRCB at ng Judiciary kabilang ang Supreme Court, Court of Appeals at
20:12Sandigan Bayan. Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang budget deliberations
20:15ng Department of Agriculture. Connie?
20:18Marami salamat, Jonathan Andal.
20:21Pinalagan ng Chinese Embassy ang ulat ng Philippine Coast Guard kaugnay sa dalawang
20:26barko nila na iligal umanong pumuesto sa Territorial Sea ng Panata Island.
20:31Anila may sleding daw yun. Anila bahagi rao ng kanilang jurisdiction ang lugar
20:36at naayon daw para sa mga Chinese fishermen na mag-operate roon.
20:41Mariin daw nilang tinututula ng kanila unilateral actions ng Pilipinas
20:45laban sa mga mangingisdang Chino.
20:47Wala pang bagong komento ang PCG kaugnay rito.
20:50Pero nauna nitong sinabi na nagsagawa ng dangerous maneuver ang isa
20:55sa dalawang Chinese maritime militia vessel na ni-radio challenge
20:59at itinaboy ng PCG sa Territorial Sea ng Panata Island.
21:11Pause muna sa rehearsals si star of the new-gen Jillian Ward para makabonding ang kanyang fans.
21:17All smiles ang sparkle artist sa live ticket selling para sa kanyang self-titled solo concert sa December 8.
21:24Siya mismo ang tumulong sa pagbibigay ng tickets sa lucky fans with matching groupie at autograph.
21:29Chica ni Jillian excited na siya lalot makakasama niya sa iisang stage
21:34ang guests na sina Ogie Alcacid, Darin Espanto, Zephanie at Flo G.
21:40Isinare rin niya ang iba pang aabangan sa concert.
21:46Every day na po ako nagpa-practice.
21:49Nagsiswimming din po ako para mas lumakasiyus namin ako.
21:52Mayroon kaming mga gagawin ng dancers ko,
21:57ng banda ko po na mas malala pa, mas pasabog pa po.
22:02And talagang nagprepare po ako for my concert.