00:00Mga kapuso, posibleng ginamit lamang na panakot.
00:03Yan ang hinala ng pambansang pulisya sa dalawang Improvised Explosive Device o IED
00:07na nakita malapit po sa Department of Justice at Senado kahapon.
00:12Nagbabalik si June, Penerasyon.
00:17Batay sa embestikasyon ng pulisya,
00:19walang mga shrapnel ang mga Improvised Explosive Device o IED
00:24na sumabog malapit sa entrada ng Department of Justice o DOJ sa Maynila
00:28at ang namataang pampasabog mahigit sa 100 metro mula sa gate ng Senado kahapon.
00:34Shrapnel ang tawag sa mga maliliit na piraso ng bakal na inilalagay sa bomba
00:38na siyang tumatarsik pag sumabog para makapaminsala, makasugat o makapatay ng mga nasasabugan.
00:46Kaya hinala ng Philippine National Police o PNP, panakot lang ang parehong IED?
00:51That's the most logical pong makikita natin.
00:55Wala namang ibang rasyon siguro, kundi manakot to create fear during the day itself
01:02nung zona po ng ating presidente.
01:04Halos parehong oras iniwan ang mga IED ayon sa PNP.
01:08Pero sa ngayon,
01:09hindi po natin masasabi pa whether it's connected or it's been done by the same group
01:13or even one group or kung may group man.
01:16Again, dito po lalabas lahat yan sa ginagawa po natin sa investigation.
01:21Ang natitiyak ng PNP, wala nang nakaumang nabanta sa DOJ at Senado.
01:27We will make some small tweaks or adjustments to deal with this new threat.
01:33Tiniyak din ang hepe ng PNP sa publiko na mananatiling alerto ang mga polis
01:38laban sa mga posibleng pag-atake.
01:40June Veneration Nakatutok, 24 Horas.