Skip to playerSkip to main content
  • 4 weeks ago
Ilan nating kababayan, ikinatuwa ang pagpapatuloy ng administrasyon ni PBBM sa imbestigasyon sa flood control anomaly | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maraming proyekto ang nailahad ng Pangulong Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address, Osona.
00:06Pero ang pinaka tumatak sa ilan ating mga kababayan ang pagpapatuloy ng investigasyon sa maanumalyang flood control projects.
00:13Ang detali mula kay Sheila Natividad.
00:18Sa pagtatapos ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:23maraming proyekto ang nailahad mula sa isang taong bahagi ng kanyang termino.
00:27Pero ang pinaka tumatak para sa ilan ating mga kababayang sumubaybay sa Sona,
00:32ang pagpapatuloy ng investigasyon sa maanumalyang flood control projects mula sa kanyang linya noong 2025.
00:39Mahiya naman kayo sa inyong kapag Pilipino.
00:43Patungo sa...
00:45Lahat ng kailangan gawin ay ginawa natin upang matuntun ang punot dulo.
00:51Meron ng mga unang nakasyuhan at nakulong.
00:55Kaya naman ang residenteng si Paul na sa mismong tindahan na niya umantabay sa Sona,
01:00nagagalak sa pagpapatuloy ng investigasyon sa flood control projects.
01:05Dati pag binaba yun, isang linggo lang, ngayon, isang taon.
01:11Mahirap talaga.
01:12Yun nga ang dapat susukan yung mga 15 malamit flood control.
01:15Kasi talaga ang pahirap sa tao yun.
01:17Nabanggit din ang Pangulo ang loan payment relief measures kabilang ang extended repayment method sa mga banko,
01:24GSIS, SSS at pag-ibig na nagustuhan naman ni Nene bilang recipient ng SSS pension.
01:30Si Nene kasi, imbes na sa bahay manood ng Sona,
01:34sino ba'y bayan ang Pangulo sa malaking screen sa kahabaan ng Commonwealth Avenue?
01:37Ang pinakagusto ko doon yung about sa SSS.
01:41Dahil sa SSS, magkaroon din kami ng increase kagaya ko na survivor sa SSS pension.
01:50Ang ila naman sa mga pinalakpakan sa Sona ng Pangulo ay ang kanyang mga panawagan at direktiba.
01:56Kaunay ng pagsusuri sa Epiralo, system loss charges at 12% VAT sa kuryente.
02:01Pag-sasampa ng kaso laban sa dating House Speaker na nadadawit sa mga anomalya sa flood control projects,
02:07pag-audit sa mga naturang proyekto, paninindigan sa West Philippine Sea,
02:12at mga hakbang para sa pagpapalakas ng agrikultura at maging sa siguridad sa pagkain.
02:17Kumpiyansa naman ang ating mga kababayan na maipagpapatuloy pa ng Pangulo ang kanyang adhikain
02:22para sa mas transparent na pamamahala hanggang sa ikaanim at panghuli niyang Sona.
02:27Shiland Atividad, para sa bayan!
Comments

Recommended