00:00Sa ibang balita, isang linggong paghahanda para sa nalalapit na pasukan o ang Brigada Eskwela umarangkada na ngayong araw.
00:08Mga beneficiaryo ng 4Ps kabilang sa mga tumutulong sa pag-aayos sa mga silid pa-aralan.
00:14Si Sheila Natividad sa Sentro ng Balita.
00:19Isang linggo bago ang pagsisimula ng school year 2026 to 2027,
00:24umarangkada na ang Brigada Eskwela sa pangunan ng Department of Education
00:28Kasabay ng National Kick-Off na pinangunahan ni Education Secretary Sonia Anggara,
00:33nakiisa rin ang mga paaralan sa iba't ibang bahagi ng bansa sa taon ng bayanihan
00:37para sa paghahanda ng mga silid-aralan bago ang pagbubukas ng klase.
00:41Sa Bagong Silangan Elementary School sa Quezon City,
00:45maagang nagtungo ang mga guro, magulang, mag-aaral at mga buluntaryo
00:49upang makibahagi sa paglilinis at pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan.
00:53Layunin din kasi ng Brigada Eskwela na matiyak na ligtas, malinis at maayos sa mga paaralan
00:59para sa pagbabalik ng milyon-milyong mag-aaral sa susunod na linggo.
01:03Mahalaga ma'am para makatulong din sa paglilinis ng classroom
01:07at makilala kung sino yung advisor.
01:11Sinulit na rin ang ibang magulang ang pagkakataon
01:13para tingnan sa mga nakapaskil na listahan ang pangalan ng kanilang mga anak.
01:17At bagamat may kaunting takot para sa kanyang anak dahil tumataas din ang grade level nito,
01:22kumpiyansa naman si Rocha na dekalidad pa rin ang edukasyon na makukuha ng kanyang anak.
01:26Sana makayana niya yung grade 1 kasi hindi ko na siya mahahatid siya susunod sa loob ng school,
01:33hindi katulad nung kinder siya.
01:35Naniniwala naman ang principal ng eskwelahan na si Dr. Wilma Rosal
01:38na walang batang dapat mapag-iwanan para sa darating na taong pampanuroan.
01:43Ito naman brigada ay taon-taon natin ginagawa
01:45at syempre ang ating bago naman tayo mag-umpisa,
01:50of course, nagkaroon kami muna ng mga series of meetings
01:53and we top different stakeholders to coordinate and support our brigade eskwela.
02:00Dapat ang isang bata ay mainggan nyo sila na mag-aral
02:03sa pamamagitan ng pagmaaliwalas,
02:06malinis ang kanilang classroom,
02:09at ready-ready ang ating mga kaguruan.
02:12Siyempre, ang bata ay excited na papasok
02:15para sa ganoon ay walang batang QC na mapag-iiwanan.
02:19Binisita rin ni Department of Social Welfare and Development
02:22Secretary Rex Gatchalian ang bagong silangan high school
02:25na nagsagawa rin ng brigada eskwela
02:27kung saan may mga four-piece beneficiary na nakilahok.
02:30Masaya po, kung masayang masaya po.
02:32Binibigyan ko po talaga ng oras ang pagkakataong ito
02:34kasi hindi naman po ito araw-araw.
02:36Bira lang po, isang taon lang po ito mangyari sa isang beses, sa isang taon.
02:40Samantala, inaasahan naman ng DepEd ang patuloy na pakikipagtulungan
02:44ng mga local government unit,
02:46pribadong sektor,
02:47at iba't ibang organisasyon upang matugulan ng mga pangangailangan
02:50ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase.
02:53Kapag usapin ang edukasyon,
02:55lumalabas ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng brigada eskwela.
02:59At sa sanib na puwersa ng pamahalaan,
03:02iba't ibang sektor ng lipunan,
03:04kabilang ang mga guro, magulang at kabataan para sa iisang layunin.
03:07Ang matiyak na handa ang bawat paaralan at mag-aaral
03:11sa pagbubukas ng panibagong pahina ng pagkatuto.
03:16Shilan Natividad,
03:17para sa Pambansang TV,
03:20sa Bagong Pilipinas.
Comments