Skip to playerSkip to main content
Sa pagdinig din sa Senado, nabunyag ang kalakaran ng hiraman ng lisensya ng mga kontratista ng DPWH; gayundin ang alegasyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco na nagsingit daw ng bilyon-bilyong piso si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa pagdinig din sa Senado, nabunyag ang kalakaraan ng hiraman ng lisensya ng mga kontratista ng DPWH.
00:07Gayun din ang aligasyon ni Navotos Rep. Toby Tianco na nagsingit daw ng bilong-bilyong piso sa Ako Bicol Partilist Rep. Zaldi Ko.
00:16May report si Sandra Aguinaldo.
00:18Ang budget noong 2025 para sa Occidental at Oriental Mindoro na 2.5 billion pesos lang, naging 20 billion pesos daw ayon kay Navotos Rep. Toby Tianco.
00:33Nagulat ako. Hindi kayang gawin ng regular congressman na magdagdag. Hindi naman po sila membro ng Committee of Operations. Parin ang first-term congressman po yun.
00:48Anya, proponent ng insertion, si Ako Bicol Partilist Rep. Elizalde Ko, ang House Appropriations Committee Chair noong 19th Congress.
00:57Sa research na ibinahagi ni Tianco, maygi 13.8 billion pesos ang mga proyektong isiningit ni Ko sa 2025 budget. Ang insertion, hindi lang daw nangyayari tuwing buy cam.
01:09Sa lahat ng batas na ginagawa, no touch tapos ng second reading.
01:15Yung buy cam, kasi po binigyan ng authority yung small committee only for the budget, nagkakaroon ng ganon.
01:22Papaanong naging mas powerful yung apat na tao kaysa doon sa inaprobahan ng plenary.
01:28Ang tinutukoy na small committee ay binubuo ni na Ko, dating Senior Vice Chairman Stella Quibbo, dating Majority Leader Manuel Delipe, at dating Minority Leader Marcelino Libanan.
01:40Wala lang daw detalye kung ano ang mga isiningit at pinalitan sa small committee dahil walang record kahit sa archive ng kamera.
01:47Bukod sa mga distrito, may mga party list groups din daw na lumobo ang budget.
01:53Ang party list ni Ko, na ako Bicol, nakakuha umano ng mahigit 2 billion pesos.
01:58Gayun din ang BHW party list.
02:00Eh ang alam ko po, Your Honor, ang party list congressman, ang allocation po yata, kung di ako nagkakamali but I'm sure you know better, is 100 to 150 million lang.
02:12Ipinaliwanag din itiyang ko na sa kamera may tinatawag na parking at sagasa sa paglalaan ng pondo sa mga kongresista.
02:18Ang yung parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa district congressman, kumayag yung district congressman.
02:25Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
02:29Dalawang term po yan, Your Honor.
02:31Isang parking, isang...
02:33Kasi madidinibol sa congressman eh, nasagasaan kami.
02:35Paano naman kayo nasagasaan?
02:37Eh binatuhan kami ng pondo na hindi naman namin alam.
02:42Maring pinabuluanan na ni Ko ang mga akusasyon.
02:45Tinawag niya itong sabi-sabi lang at pamumulitika para lukuhin ang publiko at ilihis ang pananagutan.
02:51Aprobado naman daw ng Kamara at Senado ang 2025 National Budget, bagamat na veto ng Pangulong ilan itong probisyon.
03:00Pero hindi raw siya makapagkomento tungkol sa validity ng 2025 National Budget dahil may kaso rito na nakasalang sa Korte Suprema at Ombudsman.
03:09Sinusubukan pa namin hingingan ng pahayag ang iba pang mga binanggit na kongresistan ni Tiangco.
03:15Nabunyag din ang kalakaran ng hiraman ng lisensya para sa DPWH projects.
03:20Sabi ng may-ari ng SIMS Construction Trading na si Sally Santos,
03:25inutusan siya ni na-engineer Bryce Hernandez at engineer JP Mendoza na maghanap ng kontratistang magpapahiram ng lisensya sa kanya.
03:35Nahiraman niya ng lisensya ang Wawa Builders ni Mark Arevalo.
03:39Bakit ikaw pong inuutosan na manghiram ng lisensya? Bakit? Kasosyo mo yung mga yan?
03:44Ako daw po yung pwede niya pong kausapin para manghiram.
03:48Eh nakikisuyo po sa akin. Siyempre po ako po. May takot din po ako.
03:52Sinusunod yung utos nila kasi natatakot ka. Baka hindi ka na makakuha ng proyekto. Ganun ba?
03:56Yes, Your Honor.
03:57Ang Wawa Builders nakakobra ng porsyento sa proyekto.
04:012.8% sa paghiram ng inyong lisensya.
04:04Ang pagkakasabi po nila ay para daw po sa buwis.
04:07Wala po kayong magawalan sa takot.
04:09Maging si Santos, nagpahiram din daw ng lisensya para sa mga proyektong ginawa ni na Hernandez at Mendoza.
04:15Sino gumawa po nitong project sa Baliwag, Bulacan?
04:19Actually po ang gumawa po ng project ko sa Baliwag is si E.J. Bryce Erickson Hernandez at saka po si J.P. Mendoza.
04:26Hindi raw alam ni Santos na ghost project ang ilan.
04:29Ang parte raw ng mga taga DPWH, cash kong ibigay.
04:33Sinabi mo kasi you delivered 245 million in one day.
04:37Yes, Your Honor.
04:38Ilang boxes yun?
04:40Marami po. Mga boxes lang po ng mga noodles.
04:42Inahati ko lang kasi hindi po pwedeng sambol to.
04:45So, dun sa loob ng tatlong ton, just give me a ballpark figure. May isang billion ba na bigay mo?
04:52Meron naman po.
04:53Itinuro ni Hernandez na nag-utos umano ng hiraman ng lisensya ang boss niya noong si dating Bulacan 1st District Engineer, Henry Alcantara, na tumatanggap din daw ng pera ng mga kontraktor.
05:05Ang madalas ko pong bigyan ay si E.J. Bryce Erickson Hernandez.
05:08Yung natanggap mo yung pera galing kay Sally, sinarili mo na lang yun? Wala ka na ibang binigyan?
05:16Actually, hindi ko po binibigay. Kinukuha po hindi Alcantara sa office ko yun.
05:19Inaamin ko po na may pagkukulang ako. Ako po ang huling pumipirwa.
05:23Yung pagtitiwala ko po sa mga tao ko, yun po ang naging kasalanan ko rito.
05:27Wala ka talagang natanggap?
05:29Yes, Sir Honor.
05:30Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:35From Minority Leader to Senate President real quick.
05:39Balik sa Lenerato ng Senado si Tito Soto.
05:43Pinalitan niya si Sen. Cheese Escudero na naluklok sa pwesto noong Mayo 2024.
05:48Si Sen. Ping Lakson ang bagong Senate President pro tempore.
05:53Papalitan din niya si Sen. Rodante Marcoleta bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.
05:58Habang bagong Majority Leader si Sen. Mig Zubiri na nagbosyon para mabakante ang Senate Presidency.
06:04Walang ibang nominado sa pwesto maliban kay Soto na nakakuha ng 15 boto.
06:10Nagpasalamat si Soto sa mga kasama at tiniyak na magiging cooperative pero independent ang Senado.
06:16Nagpasalamat din si Escudero sa mga kasamang Senador na nakatuwang niya mula 19th Congress.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended