00:00Kung binabaha ang ilang lugar sa bansa, halos matuyot naman ang ilang reservoir sa Luzon gaya sa Pantabangan kung saan
00:08limang metro na lang e nasa critical level na ito.
00:11Tanaw na nga muli ang lumang bayan ng Pantabangan na dati ng pinalubog para sa dam.
00:16Sinilip yan at tinutukan ni Jonathan Andal.
00:22Sa gitna ng tubig ang labi ng isang simbahan.
00:27Minsan lang ito mangyari, ang paglitaw ng lumang bayan ng Pantabangan na nakalubog sa gitna ng Pantabangan Dam.
00:34Ngayong Hulyo, muling nagpakita ang mga bakas ng lumang munisipyo, simbahan, entablado at ang bantayog ni Jose Rizal.
00:42Mula ng palubogin noong 1970s para bigyang daan ang pagpapagawa ng Pantabangan Dam,
00:48pang limang beses pa lang itong lumitaw ngayon na nangyayari lamang tuwing may El Niño.
00:53Ibig sabihin, lumilitaw ito kapag nauubos ang tubig sa Pantabangan Dam.
00:59Magbabangka sana kami papunta doon sa may lumang bayan ng Pantabangan na lumitaw,
01:03pero pinagbawala kami ng Coast Guard.
01:04No-sail zone daw dahil signal number one ang Nebai Sia.
01:07Ipapakita ko po sa inyo ngayon kung gano'n nakaraming tubig ang nawala dito sa Pantabangan Dam.
01:12Ito pong inatatayuan ko, pati po lahat ng lupa na nakikita nyo sa likod ko at sa inyong screen.
01:18Lahat po ito nakalubog last year, November 2025, pero dahil po sa El Niño, ganito na ang nangyari sa Pantabangan
01:26Dam.
01:27Nag-start po ito noong November 14, yung start po ng dry cropping period po namin.
01:33Dire-diretsyo na pong pababa hangga ngayon po.
01:36Mula noong November 2025, nawalan na ang dam ng mahigit 37 meters ng tubig.
01:43Katumbas yan ng 1.5 trillion na litro ng tubig o 630,000 na Olympic-sized swimming pools.
01:50Hanggang dito po sa ilalim ng tulay na uubos ang tubig.
01:54Ito pong inatatayuan ko.
01:56Punong-puno po ito ng tubig last year 2025.
01:59May kita po ninyo yung marka pa dyan sa may kulay puting ng pader na yan.
02:03Yung view deck ayun, nasa taas.
02:04Sa ngayon, below normal na ang water level sa Pantabangan Dam, 176 meters.
02:11Halos 40 metro na ang layo mula sa normal level na 216 meters.
02:165 metro na lang mapupunta na ang dam sa critical level na 171 meters.
02:22Pag nangyari yan, pati ang hydroelectric power plant sa Pantabangan Dam, hindi nagagana.
02:27Pero naniniwala ang pamunuan ng Pantabangan Dam na hindi naaabot dyan ang sitwasyon.
02:32Dahil panahon na ng tag-ulan at magka-cloud seeding na rin sila sa Agosto.
02:36Hindi po po tayo aabot sa critical level.
02:40Ang pinaka-mababa po natin ng critical level ay 171.50.
02:46Kaya yung limang metro pa po, makakaasa po ang magsasaka.
02:50Kaya pa po natin magpaduloy ng patubig.
02:54Sa Pantabangan Dam, umaasa ang 152,000 hectares ng sakahan ng buong Nueva Ecea at ilang bayan sa Bulacan, Tarlac
03:02at Pampanga.
03:03Pero sabi ng pamunuan ng dam, walang dapat ikabahala ang mga magsasaka sa irigasyon na galing sa dam.
03:09Ang rain pool po, parang forecast po ng pag-asa, from July, August, 100% pa rin po yung rain
03:17pool na makakaasa po tayo na babagsak dito po sa Nueva Ecea,
03:22especially sa Pantabangan Dam sa area.
03:25And then yung September, October po, halos 90 to 80 to 90% pa rin po yung rain pool na
03:34makakaasaan natin base sa forecast po ng pag-asa, sir.
03:39Ayon sa pag-asa, Hydro Meteorology Division, normal lang ang paglitaw ng mga istruktura sa Pantabangan Dam.
03:45Kahit po saan mga dams natin, ganun po. Pagka sumadsad po talaga yung elevation niya, may makikita tayo mga istruktura
03:53diyan na lumilitaw.
03:56Pero di lang ang Pantabangan Dam ang nakakaranas nito.
03:59Ang level ng tubig sa Anggat Dam sa Bulacan patuloy rin bumababa.
04:03Kamakilan niya, nag-viral ang video na ito ng isang netizen.
04:07Duly 20, 2026.
04:11Ayan na po yung kalagayan dito sa daik.
04:15Tuyot na.
04:17Nanakitang tuyot na ang dulong bahagi ng Anggat Dam.
04:20Nasa 150.98 meters ito as of 8am ngayon na all-time low mula sa 151.45 meters kahapon.
04:30Malayo pa sa normal high water level na 210 meters.
04:34Mula sa Pantabangan Nueva Ecija, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
Comments