00:00Nababahala ang ilang environmental groups sa itinatayong Artificial Intelligence o AI Hub ng Amerika sa New Clark City sa Tarlac
00:07dahil sa epekto nito sa kalikasan at mga kalapit na residente at katutubo.
00:11Pagtitiyak ng Basis Conversion and Development Authority o BCDA na nangangasiwa sa proyekto, susunod sila sa environmental regulations.
00:20Balita ng atid ni Marie Zumal.
00:26Sa isang bahagi ng New Clark City, sinisimulan nang i-develop ng Amerika ang isang Artificial Intelligence o AI Hub
00:33sa ilalim ng Pax Silica Initiative.
00:45Kabilang din ito sa mga pinag-usapan ni Pangulong Bombong Marcos at U.S. Security of State Marco Rubio,
00:50Ang ideya, maglalagay rito ng mga AI Processing o Data Centers na may mga supercomputer na totoong nag-iisip at
00:57naghahanap ng mga sagot sa mga tanong nyo sa AI o gumagawa ng mga AI photos at video.
01:03Hindi pa kasi yan kaya ng mga chip o utak ng ating mga cellphone kaya doon ipinapadala.
01:08Pero kailangan din ng mga chip o utak ng mga supercomputer ng AI Data Centers kaya tumaas lalo ang demand
01:15at presyo nito worldwide.
01:16Sa planong Pax Silica sa AI Hub na rin sa New Clark City gagawin ng mga chips na nangangailangan ng
01:22mga mineral.
01:23Nang ilan, pwedeng minahin na lang at iprosesa sa Pilipinas.
01:27Tatlong industriya agad ang lilikha ng trabaho dahil sa Pax Silica na magdaragdag ng kita sa ekonomiya at sa tax
01:34collection.
01:34Ang pinaka-importante dito, our critical minerals, tapos number two, our world-class workers, tapos number three, yung ating strategic
01:44location.
01:44Hindi na natin sila i-export ng unprocessed, mapaprocess natin sila rito. Yung value add ay nandito sa Pilipinas.
01:52Pagkakataon din ito para di mahuli ang Pilipinas sa mga bansang bahagi ng world ship market at maturuan tayo sa
01:59research and development.
02:00Gusto natin dito rin magtayo sila ng R&D. Bago palang magawa yung produkto ay pinag-aralan na dito. Merong
02:07susuportang local talent para magawa yan.
02:10Pinulong kapalit, dahil supercomputers nga ang ginagamit ng AI, takaw kuryente ang mga ito.
02:16Ang tanong sa isang AI chat app, halimbawa, sampung beses na mas power hungry kasa sa tanong sa search engine.
02:23Mas matindi ang AI photos at videos.
02:25Pero giit ng Department of Trade and Industry o DTI, may hiwalay na pagkukuna ng kuryente ang AI hub.
02:32These are additional pagdating sa mga power. Hindi ito yung mga kukuha dun sa ating existing power na mga power
02:40capacity.
02:41Gayon man pangamba ng mga kabayan block, maaaring itulak nito ang singil sa kuryente sa Pilipinas sa pinakamahal sa buong
02:48Asia.
02:49Takaw tubig din ang AI hub. Kung ang cellphone kasi nagiinit pag sobrang ginagamit, lalo ang AI centers.
02:56Kaya may cooling system ito na sa ilang malalaking center ay gumagamit ng hanggang limang milyong galon ng tubig kada
03:01araw.
03:02Kailangan kasing malinis lagi ang tubig nito para walang duming bumara.
03:06Kaya nangangambang ilang environmental group.
03:08Hindi natin kailangan ng verbal assurance. Ang kailangan natin, scientific data. Saan kukunin yung water supply.
03:17Ayon sa Basis Conversion and Development Authority o BCDA, na mga ngasiwa sa proyekto, hindi sila aagaw sa groundwater ng
03:24komunidad, kundi gagamit ng tubig ulan.
03:26Magkakaroon tayo ng impounding technology o impounding dam area. So upunoyin natin ang mga yan para yan ang magamit.
03:35Kung may surplus kami, pwede pa namin i-share ito sa mga community around.
03:41Pero paano kung tagtuyot? Sabi ng palasyo tiniyak ng National Water Resources Board na may sapat na water source sa
03:47lugar at prioridad ang mga residente.
03:49Sinagot din ang BCDA ang pangambang may mga maaagawan ng lupa.
03:53Around 20,000 Aitas ang madidisplace dito sa pagpasok ng Paxilica. At syempre, hindi lang mga Aita, kundi mga magsasaka.
04:03Hindi po totoo ito. Ang proyekto pong ito, una-una ay nakatitulo na sa BCDA. So it's a public land.
04:12Wala pong ancestral domain title doon.
04:15Kaugnay naman ng mga agricultural land na maapektuhan, may mga nakahandang livelihood program at modern urban farming.
04:22Alam po, isang po dito ang maapektuhan ng farmers pero more than 200 naman po ang ma-degenerate na employment.
04:29Dagdag epekto sa kalikasan ng posibleng ingay ng mga cooling systems, generators at mga industrial fan.
04:35Makari talagang ma-epektohan halimbawa yung mga ibon. It's very disturbing. Meron pa siyang i-e-emit na noise pollution.
04:44Lahat po ng mga projects namin, kumukuha ng ECC. We will comply with the for sustainability in the compliant kami
04:51sa environmental regulations.
04:54Giit pa ng DTI, bagaman may mga data center, mga pabrika ng computer chips ang talagang fokus.
05:00Hindi ito tungkol sa pagtatayo ng data center dito sa Pilipinas. Ito ay pag-manufacture ng mga components.
05:09Ibang issue pa kung babaratin ba ang Pilipinas sa makukuhang mineral, gayon din sa bayad sa paggamit ng lupa.
05:15Halimbawa, dalawang taong rent-free ang AI Hub. Pero ayon sa DTI, karaniwan ito sa malalaking land project dahil wala
05:22pa namang kita sa unang mga taon ng pagpapatayo.
05:25At kung gusto raw malaman talaga kung logi ang Pilipinas sa kasunduan, nakapost sa website ng Board of Investments,
05:32ang madokumentong kaugnay ng framework. Bagaman inaayos pa ng BCDA ang panghuling lease agreement.
05:38Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.
05:44Mariz Umali, nagabalita para sa GMA News.
Comments