00:00Marinding kinondina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panibagong pagharas ng China Coast Guards sa tropa ng Philippine Navy
00:07sa Union Shoal.
00:09Ayon sa Malacanang, gate pa ng palasyo, hindi ito katanggap-tanggap at dapat sundin ang umiiral ng mga polisiya gaya
00:16ng 2016 Arbitral Ruling.
00:18May detalyes si Kenneth Pashente.
00:23Kinokondina po ng Pangulo ang mga ganitong klaseng pangyayari.
00:26Iyan ang naging reaksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pinakahuling panghaharas ng Chinese Coast Guards sa mga
00:33tauhan ng Philippine Navy sa Union Shoal.
00:36Sabi ng palasyo, hindi katanggap-tanggap ang bayolenting aksyon ng CCG.
00:41Kasabay ang pagbibigay din na marapat lamang nasundin ang mga umiiral na polisiya, lalo na ang Arbitral Ruling noong 2016
00:48na nagbibigay ng maritime entitlement sa Pilipinas sa loob ng 200 nautical mile EEZ nito.
00:54So, hindi po din ninanais ng Pangulo ang ganitong mga klaseng insidente na siyang nagbibigay ng polisiya na dapat tayo
01:07ay tumugon sa mga ganitong klaseng mga insidente through a diplomatic manner.
01:14So, hindi po talaga katanggap-tanggap itong nangyayari sa pagitan po ng Bansada po natin at ng China.
01:22Sinalag din ang Malacanang ang naging pahayag ng Chinese Embassy spokesperson na ang Philippine Navy umano ang nag-udyok sa
01:29CCG kasunod ng pagbaliwala umano nito sa kanilang mga babala.
01:33Kung ano po ang kanilang naratibo, ganyan po ang kanilang maaaring sabihin. Hindi po natin ito sa cloud.
01:39Pero ang pinaninindigan po natin, kung ano ang karapatan natin at kung anong dapat lamang gawin ng ating mga opisyal
01:47at mga Filipino personnel padating po dyan.
01:50So, sinusuportahan po natin ang mga ginagawa ng ating mga Filipino officials.
01:55Sa harap ng mga panibagong harassment, natanong ang palasyo kung kailangan na bang palitan ang estrategiya ng pamahalaan sa pagtugon
02:02sa mga ganitong insidente.
02:03Pero binigyang diin nito na mananatiling diplomatiko ang pamamaraan ng Pilipinas.
02:09Hindi po nadadaan sa dahas ang anumang pakikipaglaban sa karapatan.
02:16Hindi pinag-uusapan dito ang laki ng iyong teritoryo, ang lakas ng iyong pwersa, kundi pakikipaglaban sa katotohanan at kung
02:27ano ang iyong karapatan.
02:28Kinumpirma rin ni Castro na ipinatawag sa Malacanang si Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Kuan.
02:33Wala pang detalyeng ibinibigay ang palasyo patungkol sa napag-usapan sa pagkikita ng Pangulo at ng Ambasador.
02:39Sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte,
02:44sinabi ng Malacanang na may kapangyarihan ng Senado bilang impeachment court
02:48na maglabas ng sabpina para sa tax at bank records ng Vice Presidente kung kinakailangan sa pagdinig ng impeachment case.
02:55Sa ngayon, wala pa raw natatanggap na request si Pangulong Marcos Jr. para sa pagpapalabas ng naturang mga record.
03:02Mas nararapat din daw na ang impeachment court mismo ang mag-issue ng kinakailangan sabpina o court order.
03:07Dagdag pa ni Castro, ang paghingi ng pag-aproba sa Pangulo ay maaaring magdulot ng mga issue sa mga susunod
03:14na kaso
03:14dahil isa rin siyang impeachable official sa ilalim ng konstitusyon.
03:18Sa ngayon, ang Senado ay kumakatawan at pumapapel bilang impeachment court.
03:25At sila ang mayroong karapatan at mandato kung paano nila ipatutupad ang kanilang proseso.
03:32Patungkol naman sa nalalapit na zona ng Pangulo,
03:35kinumpirma ng Malacanang na ang PCSO Coral ang aawit ng lupang hinirang
03:39sa ikilamang State of the Nation address ng Pangulo.
03:42In-house director mula naman sa RTVM ang siyang mga ngasiwa sa kabuuan ng aktibidad.
03:47Bahagi ito ng kagustuhan ng Pangulo na maging simple ang kanyang zona.
03:51Yan po talaga ang plano at yan din po ang gusto ng Pangulo.
03:57Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments