Skip to playerSkip to main content
#UlatBayan | PBBM, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea matapos

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kabilang ang Estados Unidos sa Komondena sa panibagong harassment ng China sa West Philippine Sea,
00:06kung saan tatlong mangingisdang Pinoy ang sugatan habang tiniyak ng pamahalaan na hindi uurungan
00:12ang tungkuling protektahan ng kanapatan at soberanya ng bansa.
00:16Yan ang ulit ni Patrick DeJesus.
00:30Kasunod ng muling pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa Sabina o Escoda Show noong biyernes,
00:41kung saan tatlong mangingisdang Pinoy ang sugatan,
00:44pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaligtasan ng ating mga kababayan
00:50na naghahanap buhay sa West Philippine Sea.
00:53Rumesponde sa insidente ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard
00:57at nabahagi ng tulong sa mga mangingisda.
01:00Direktiba ng Pangulo ay unahin ang kaligtasan ng ating mga kababayan,
01:05ang mga mangingisda na minsan ay nanganganibang kanilang buhay.
01:11At pinag-utos din po na magkano ng deployment sa mga strategic location
01:17para mabantayan at mabigyan proteksyon ang ating mga mangingisda.
01:20At sinusuportahan po ng Pangulo ang pagbili ng mga Coast Guard vessels
01:26para mas marami po na makapagbantay din po sa ating interes at interes ng ating mga kababayan.
01:34At ito po ang panahon upang ang bawat Pilipino ay magkaisa,
01:39iangat ang interes ng bansa natin, iangat ang interes ng kapwa Pilipino natin.
01:47Nanindigan din ang National Maritime Council na iligal ang anumang aktibidad ng China
01:53sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
01:57Ito ang unang beses na direktang tinarget ng water cannon ng China Coast Guard
02:01ang bangka ng mga mangingisda Pilipino sa West Philippine Sea.
02:05Tama yung sinabi ng Philippine Coast Guard na ngayon lang direkta at malapitang pinatamaan ng ating mga mangingisda.
02:14Alam mo, ngunit noong mga 2015, nang ako pa ay commander ng Western Command,
02:19may nai-report na rin na meron na rin nag-water cannon sa ating mga mangingisda ng mga China Coast Guard.
02:27Pero yung mga incidenting na yun na hindi malapitan at paulan lang ang pagbugaan ng tubig sa ating mga mangingisda.
02:36Yung nangyari sa Escoda ay talagang malapitan at direkta.
02:40Kaya nasugatan ang tatlo nating mangingisda at nakasira ng kanilang mga sasakimang mangingisda.
02:46Kaya nga tayo po ay nababahala at kinukundi na ang pangyayaring ito.
02:50Mula sa mainland Palawan, 70 nautical miles ang distansya hanggang sa Escoda Shoal,
02:57kumpara sa 648 nautical miles o higit isang libong kilometro mula sa Hainan Province na pinakatimog na bahagi ng China.
03:06Noong nakaraang taon ay nagkaroon din ng tensyon sa Sabina Shoal,
03:10kung saan limang buwan na natili ang BRP Teresa Magbanuan ng Philippine Coast Guard
03:14para bantayan at pigilan ang posibleng reclamation activities ng China.
03:20Ang mga pagkumpulan o presensya ng mga sasakimang pandagat ng China ay sa kanilang ambisyon na talagang sakupin
03:28at angkinin nila ang buong, ang lahat ng nasa South China Sea at West Philippine Sea
03:34na atin namang tinututulan at ipinaglarapan sa legal at mapayapang pamamaraan.
03:40Sa ating mga kababayan, lalong-lalong na sa ating mga bagong bayaneng mangingisda,
03:48sa gabay at pag-uutos ng ating Pangulo ng Bansa, si Pangulong Bongbong Marcos Jr.,
03:54pagamat meron tayong hinaharap na malaking hamon sa West Philippine Sea,
03:59huwag po tayong mangamba at ipagpatuloy natin ang ating pangingisda sa West Philippine Sea.
04:05Nasa panig po tayo ng legal?
04:08Kasabay ng pagkondena sa mapanganib na aksyon ng China,
04:11tiniyak ng Kalyadong Estados Unidos ang pagsuporta sa Pilipinas.
04:17Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended