00:00Samantala na pigilan ng Philippine Coast Guard ang pag-usad ng isang Chinese Coast Guard vessel sa karagatan ng Zambales.
00:07Ayon sa PCG, kasabay ito ng patuloy na pagbabantay sa dalaw pang CCG vessels sa lugar.
00:13Kaugnay nito, napanatili ng barko ng PCG na BRP Cabra ang protective buffer na 85 to 100 nautical miles
00:21sa pagitan ng mga barko ng China at labas na boundary ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:28Patuloy na iginigiit ng PCG na iligal ang pagpasok ng mga barko ng China Coast Guard
00:33at malinaw na paglabag sa Philippine Maritime Zones Act, United Nations Convention on the Law of the Sea at sa SAA 2016 Arbitral Award.
00:43Muli namang tiniyak ng PCG na nananatiling matatag ang kanilang commitment na depensahan ang karapatan ng Pilipinas sa horisdiksyon nito.
00:51Giit ng ahensya, ang patuloy na presensya ng BRP Cabra sa karagatan ng Luzon ay nagpapakita ng dedikasyon na
00:59pagtibayin ng international law kasabay ng pagsusulong ng mapayapa at naayon sa batas na solusyon.
Comments