00:30Hinihikayat niya rin ang publiko na magparehistro bilang miyembro ng PhilHealth para matanggap ang mga kinakailangan serbisyo ng gobyerno.
00:38Sa ngayon libre ang check-up, malinis may limampung bed capacity, emergency room at iba pang pasilidad ang tatlong palapag na ospital na nakapagservisyo na sa mahigit 7,000 residentes simula ng buksa nito noong Setiembre.
00:53So ay ginawa ng ating local government. Kami naman sa national government. Lahat ng suporta, lahat ng benepisyo na maaring gawin ng pamahalaan ay gagawin natin.
01:04Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na wala pa silang natatanggap na anumang kumpirmadong report hinggil sa mga Pilipinong nasawi o nasugatan
01:15sa nangyaring level 5 na sunog sa residential complex ng Tai Po sa New Territories, Hong Kong.
01:21Sinabi ng DFA na dahil sa laki ng sunog, posibleng abutin pa na maraming oras bago malaman ang danyos at ang bilang ng mga nasaktan.
01:31Tiniyak ng kagawarang patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Hong Kong Police Force at nakahanda silang tulungan ang mga Pilipinong posibleng naapektuhan ng sunog.
01:42Sa huling tala, nasa 44 na ang nasawi sa sunog at halos 300 individual pa ang nawawala.
Be the first to comment