00:00Sa bawat sakuna, mahalaga na lahat tayo may sapat na kalaman at kasanayan sa paghahanda.
00:06Isang inklusibong talakayan ang naganap sa Emergency Preparedness Forum 2026 for Senior Citizens and Persons with Disabilities.
00:15Para sa buong detalye, panuorin natin ito.
00:21Kapag tumama ang sakuna, hindi natin maikakaila na ang ating mga senior citizen at persons with disabilities o PWD ang
00:30kabilang sa pinaka-vulnerable.
00:32Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction,
00:36ang mga nakatatanda at PWD ay 2 to 4 times na mas mataas ang tsansang mapahamak tuwing may disaster kumpara
00:44sa general population.
00:47Kaya napakahalaga na may sapat silang kaalaman, kasanayan at akses sa impormasyon para makapaghanda.
00:54Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pagsusulong ng inclusive disaster resilience sa bansa.
01:00Isa na rito ang Emergency Preparedness Forum o EPF 2026,
01:05kung saan humigit kumulang 3,500 senior citizens at PWDs ang nakiisa at natuto.
01:12Ang malaking hamon po sa amin at may kalamidad is yung hindi nakahanda.
01:22Ayun yung the best na ano kasi pag hindi ka nakahanda talagang parang worse na ang mangyayari, natataranta na.
01:30Siniguro ng forum na mababawasan ang kanilang pagkataranta kapag naging pamilyar sila sa mga tamang hakbang tuwing may sakuna.
01:38Nagkaroon din ng mga actual demonstration sa tamang paglikas.
01:47Pagbibigay ng paunang lunas at paggamit ng emergency kit.
01:58Ang EPF 2026, ang kinikilalang Philippines' largest inclusive emergency preparedness forum for senior citizens and persons with disabilities
02:09na mahigit isang dekada na nilang ginagawa simula pa noong 2015.
02:14You know, the PWDs and the senior citizens are really very close to our hearts.
02:19Two of the major advocacies are towards PWDs and senior citizens.
02:24Something that we have been doing since the early 2000s.
02:28Something that we will be doing particularly for many more years to come.
02:33Ang forum na ito ay ginanap din bilang suporta sa pakikiisa sa National Disability Rights Week.
02:40Naging matagumpay ito sa tulong ng National Council on Disability Affairs, PIVOX at DOST Pag-asa.
02:47We partner with the different government units in order to make it happen.
02:51They have the expertise, we have the space, we have the platforms, and basically we have the publics that they
03:00can educate.
03:00Ang pinagsamang pwersa ng pamahalaan at pribadong sektor ay malaking tulong para masiguro natin na ang ating mga lolo, lola
03:09at mga kababayang PWD ay may kakayahang protektahan ng kanilang sarili tuwing may emergency.
03:15Sa oras ng sakuna, ang inklusibong paghahanda ang totoong nagliligtas ng buhay.
Comments