00:01Likas na sa ating mga Pilipino ang pagmamahal sa kultura at tradisyon.
00:06Isa sa mga pinakatanyag na pagdiriwang nito ay ang Santa Cruzan,
00:10isang makulay na parada na sumasalamin sa pananampalataya, kasaysayan at kagandahan ng mga Pilipina.
00:17Sa isang press conference na ginanap kamakailan sa Museo de Intramuros,
00:22inanunsyo ng isang travel agency association,
00:25katuwang ang Department of Tourism, ang kanilang collaboration para sa nalalapit na Grand Santa Cruzan 2026.
00:55Tingin ng importansya ng kultura, importansya ng kasaysayan, importansya nito sa ating identity as Pilipino.
01:05Layunin ang inisiyatibong ito na iangat ang Santa Cruzan bilang isang world-class cultural tourism event.
01:12Hindi lamang ito para sa mga lokal,
01:14kundi pati sa international visitors na nais maranasan ang lalim ng kulturang Pilipino.
01:19Bahagi rin ng plano ang pagbibigay ng guided cultural tours sa loob ng Intramuros,
01:25kung saan tampok ang kasaysayan at pamanan ng bansa.
01:28Sa pamagitan nito, nabibigyan ng oportunidad ang mga local tour guides
01:33na maging bahagi ng mas malawak na tourism experience.
01:36It's very important, especially in a challenging time like this,
01:41that we stay tuned to what we have learned from our ancestors, di ba?
01:46Tampok din sa event na ito ang Reyna Hispano-Americana 2017 na si Winwin Marquez,
01:53na gaganap bilang Reyna Elena.
01:55One fun fact, I was talking to them kanina.
01:58This is actually my first time to be part of Santo Cruzat
02:03because in Paranaque, the only thing that I've been part of is called Suluwa.
02:08So it's very different.
02:10So I'm just very lucky to be here to see the tradition and the heritage to be celebrated this way.
02:16Layunin din ito na kilalaning ang kahalagahan ng mga pista at religious celebrations
02:20bilang pangunahing tourism drivers.
02:22Isinusunong din ito ang mas malawak na tourism network na naguugnay sa mga travel agencies
02:28at local tourism partners sa iba't ibang panig ng bansa.
02:32Inaanayahan po namin kayo ng PTAA, ng Philippine Travel Agencies Association
02:37at ng Intramuros Administration sa The Grand Santa Cruzan
02:42happening on May 22, 2026 right here in the walled city of Intramuros.
02:48Ang Grand Santa Cruzan 2026 ay hindi lamang isang selebrasyon.
02:53Isa rin itong paanyaya upang muling tuklasin ang ating pinagmulan,
02:57ipagmalaki ang ating kultura at ipakita sa mundo ang puso ng pagiging Pilipino.
Comments