00:00Mas pinatibay na relasyon at kooperasyon ng Pilipinas at Singapore
00:03pagdating sa kalakalan, pamumuhunan at artificial intelligence.
00:07Ilan lang yan sa naging bunga ng tatlong araw na working visit
00:10ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa Singapore.
00:13Ang detalye mula kay Kenneth Pasyente.
00:19Pagpapalawak ng relasyon ng Pilipinas at Singapore,
00:22John Sumentro ang naging pag-uusap ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:26at Prime Minister Lawrence Wong sa Istana bilang bahagi ng tatlong araw
00:30na working visit ng Pangulo sa naturang bansa.
00:33Ayon sa Presidente, kanilang natalakay kung paano mapapalawig
00:36ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan,
00:39paghikayat ng mas maraming mamumuhunan,
00:41pagpapatibay ng ugnayan hinggil sa kalusugan at social services,
00:45gayon din sa kung paano ang tamang pag-adopt sa artificial intelligence.
00:49Napagtibay din ang partnership ng dalawang bansa
00:52matapos mapagkasunduan na magkaroon ng mga panibagong bilateral agreement,
00:55binigyang diin ang Pangulo na walang patid
00:58ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Singapore
01:00para mapanatiling mapayapa, matatag at bukas ang ASEAN sa mga oportunidad.
01:05Binati rin ng punong ministro ang Pangulo
01:07sa pag-angat ng bansa sa upper middle income status.
01:10Ayon sa Prime Minister,
01:12maituturing na respectable growth
01:14o matatag na pag-unlad ng Pilipinas
01:17ang pagiging upper middle income country
01:19sa likod ng mga pagsubok,
01:22dulot ng kaguluhan sa Middle East.
01:24Nabanggit din ang Prime Minister
01:25ang paghanga sa Pinay tennis star na si Alex Ayala.
01:28Tiwala ang Prime Minister na si Alex Ayala
01:31ang magiging kauna-unang Southeast Asian
01:34na mag-uuwi ng Grand Slam title sa Wimbledon.
01:38Bagay na sinangayunan ni Pangulo Marcos Jr.
01:42Kapwa nagpaabot ng paghanga
01:44ang dalawang leader sa tagumpay
01:46na dala ni Alex Ayala sa Southeast Asia.
01:49Kabilang naman sa naging aktibidad ng Pangulo
01:51ang pakikipagpulong sa mga business sector sa Singapore,
01:53kabilang na ang ABC Impact
01:55na nagpaabot ng commitment
01:57sa patuloy na pamumuhunan sa bansa.
01:59Ang pakikipagtulungan ng ABC Impact
02:01sa AC Health ng Ayala Group
02:03ay makatutulong sa pagbibigay ng dekalidad
02:05at abot kayang serbisyong pangkalusugan
02:07sa mga Pilipino.
02:08Nangako rin ang AC Health
02:09na palalawakin pa ang operasyon nito sa Pilipinas
02:12upang mas maraming Pilipino
02:14ang magkaroon ng mas madaling akses sa healthcare.
02:16Sa pamamagitan nito,
02:18sinabi ng punong ehekutibo
02:19na masusuportahan ang ekspansyon
02:21ng sampung ospital,
02:22mga klinik at pharmacy sa susunod na taon
02:25at makabubuo ng nasa sampung libong trabaho
02:27sa healthcare at retail.
02:29Nagkaroon din ang pulong
02:30si Pangulong Marcos Jr.
02:31sa Singtel Group
02:32na siniguro ang ekspansyon
02:34ng data center sa Pilipinas.
02:36Binigyang diin sa pulong
02:37ang patuloy na kumpiyansa
02:38ng Singtel sa merkado ng bansa
02:40na makikita sa matagal na nitong
02:42pakikipagtuwang
02:43sa iba-ibang local telecommunications company.
02:45Muli ring pinagtibay ng Singtel
02:47ang pangako nito
02:48na palalawakin pa
02:49ang pamumuhunan at operasyon nito sa bansa.
02:52Patunay ito ayon sa Pangulo
02:53na patuloy na nagiging kaaya-aya
02:55ang Pilipinas bilang investment hub
02:57pagdating sa digital economy.
02:59Makatutulong anya
03:00ang ekspansyon ng Singtel
03:01sa pagbuo ng mga trabaho
03:03at mapagtitibay nito
03:04ang digital backbone ng bansa
03:05na makatutulong sa mga negosyo
03:07at paglago ng ekonomiya.
03:09Nakiisa rin ng Pangulo
03:10sa Milken Institute Roundtable discussion
03:12kasama ang ilang regional business leaders
03:14kung saan ipinagmalaki niya
03:15ang patuloy na paglago
03:17ng ekonomiya ng Pilipinas.
03:18Binigyang diin din niya
03:19ang Build Better More Infrastructure Program
03:21na may halagang
03:23170 billion US dollars
03:24at binubuo ng mahigit
03:26dalawandaang proyekto
03:27kabilang ang Luzon Economic Corridor.
03:30Kenneth,
03:31pasyente,
03:32para sa bayan.
Comments