Narito ang mga balita ngayong July 16, 2026
-PNP: 3 sa 4 na suspek sa pagpatay kay American Marine Biologist Dr. Kent Carpenter, hawak na ng pulisya
-Pulis, sugatan matapos hatawin ng tubo ng isang lalaki sa loob ng presinto; Lalaking nanghataw sa pulis, arestado; nahaharap sa patong-patong na reklamo
-Gabriel Go ng MMDA, pansamantalang sinuspinde sa clearing operations matapos video-han ang paninita sa isang guro at nag-viral
-Mangingisda, natagpuang patay matapos tangayin ng rumaragasang ilog; Lalaki, patay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Brgy. E. Alegado;
-PAGASA: Batanes at Babuyan Islands, apektado ng Habagat; Metro Manila at iba pang panig ng bansa, pinaaalerto sa local thunderstorms
-Bahay na ginagamit umanong drug den sa Brgy. Pantal, sinalakay ng PDEA; 5 arestado
-Ilang mangingisda malapit sa Angat reservoir, nahihirapang maghahanapbuhay dahil sa patuloy na pagbaba ng water level nito
-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, 2 beses nagtala ng Strombolian activity kanina
-Pag-subpoena sa tax records ni VP Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio, pinagdebatehan ng prosecution at defense sa Day 6 ng paglilitis;
-5 pang testigo, binawi ng prosekusyon para sa pagtalakay sa alegasyong grave threats laban kay VPSD;
-Next Gen Leaders, creators at innovators, tampok sa "The Young Achievers Podcast" ng GMA Lifestyle
-Ilegal na karera ng mga motorsiklo, nahuli-cam
-Lalaking 16-anyos, patay sa pananaksak ng kapwa-menor de edad; Menor de edad na nanaksak, nakatakdang ilipat sa kustodiya ng DSWD
-School principal na akusado sa pagpatay sa isang guro, arestado
-Iregularidad umano sa pagpapagawa ng New Clark City Sports Complex na ginamit sa 2019 SEA Games, iimbestigahan ng NBI;
-INTERVIEW: PROF. MARIA FE MENDOZA, PROFESSOR EMERITUS, UP-NCPAG
-Maglolo, hinabol ng bison habang namamasyal; matanda, tumilapon nang masuwag nito
-Kalakalan, kalusugan at social development, kabilang sa mga tinalakay nina PBBM at Singapore Prime Minister Lawrence Wong
-Bea Alonzo, ibinahagi ang civil wedding photos nila ni Vincent Co;
Ilang Kapuso stars, nagpahatid ng pagbati sa newly-weds na sina Bea Alonzo at Vincent Co
-INTERVIEW: PCOL. JOHN GUIAGUI, CHIEF, CIDG-NCR
-Walkthrough sa session hall ng Kamara, kasama sa mga paghahanda sa SONA ni PBBM sa July 27
-PBBM: Mga manggagawang may mababang kita, makatatanggap ng tig-P2,000/buwan hanggang Disyembre; PBBM:
-Lalaking 16-anyos, sugatan sa pananaksak ng estudyanteng minor din; away ng dalawa, nag-ugat daw sa masamang tinginan
-Mga rido o away ng mga angkan, layong resolbahin sa sistemang bubuuin ng DOJ at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity
-Dingdong Dantes, may instant bonding with Zia Dantes at Sienna Stevens
-Machine prototypes na gawa ng mga estudyante sa Naga National High School, patok online
Comments