- 3 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong July 1, 2026
- QC DPOS: Rally sa PPM, hanggang mamayang gabi lang pinayagan; posibleng ma-extend kung susunod sila sa mga kondisyon
-Concrete barriers sa bahagi ng EDSA malapit sa PPM, iniurong ng pulisya para makadaan ang mga motorista
-Ilang miyembro ng INC at iba pang grupo, nagkampo sa Liwasang Bonifacio para ituloy ang kilos-protesta ngayong araw
-Paligid ng Mendiola, bantay-sarado ng pulisya; ilang papasok sa trabaho at eskuwelahan, inagahang bumiyahe
-Ilang estudyante, isinakay sa mga kalabaw at kabayo para itawid sa rumaragasang ilog sa Brgy. Polayagan
-PAGASA: Bagyong Henry, magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon
-Planong pagsasampa ng kasong plunder vs. Sen. Rodante Marcoleta, tinututulan ng Iglesia ni Cristo
-Sparkle April to June Birthday celebrants, nagsama-sama
-Impeachment trial ni VP Sara Duterte, sisimulan na sa Lunes
-Senate Pres. Gatchalian: On track ang paghahanda para sa simula ng impeachment trial sa July 6, 2026
-4, patay matapos araruhin ng delivery truck ang isang bahay; 9, sugatan
-Ilan sa mga raliyista sa Liwasang Bonifacio, bibiyahe ngayong umaga papuntang People Power Monument
-AFP, isinailalim sa red alert status ang mga unit sa NCR kasunod ng kilos-protesta sa EDSA People Power Monument
-Ginang at 3 niyang anak, natagpuang patay sa kanilang bahay; live-in partner ng babae, person of interest sa krimen
-INTERVIEW: PMGEN. ANTHONY ABERIN, CHIEF, NCRPO
-Ph tennis star Alex Eala, aabante sa 2nd round ng 2026 Wimbledon
-Kilos-protesta sa PPM na nilalahukan ng ilang INC members, nagpapatuloy
-PAGASA: Water level sa Angat Dam, bumaba sa 159 meters o low critical level
-Ombudsman: Mga testimonya ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, gagamitin sa binubuong kaso vs. Rep. Martin Romualdez kaugnay sa 2025 budget
-2 scammer umano na sangkot sa panloloko sa customer at ilang negosyante, arestado
-Pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban, tinatalakay sa pagdinig ng Senado;
-Shocking twists, napanood sa latest episode ng "The Master Cutter"
-Tanong ng isang anak sa kanyang magulang tungkol sa pagiging single, kinagigiliwan online
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
- QC DPOS: Rally sa PPM, hanggang mamayang gabi lang pinayagan; posibleng ma-extend kung susunod sila sa mga kondisyon
-Concrete barriers sa bahagi ng EDSA malapit sa PPM, iniurong ng pulisya para makadaan ang mga motorista
-Ilang miyembro ng INC at iba pang grupo, nagkampo sa Liwasang Bonifacio para ituloy ang kilos-protesta ngayong araw
-Paligid ng Mendiola, bantay-sarado ng pulisya; ilang papasok sa trabaho at eskuwelahan, inagahang bumiyahe
-Ilang estudyante, isinakay sa mga kalabaw at kabayo para itawid sa rumaragasang ilog sa Brgy. Polayagan
-PAGASA: Bagyong Henry, magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon
-Planong pagsasampa ng kasong plunder vs. Sen. Rodante Marcoleta, tinututulan ng Iglesia ni Cristo
-Sparkle April to June Birthday celebrants, nagsama-sama
-Impeachment trial ni VP Sara Duterte, sisimulan na sa Lunes
-Senate Pres. Gatchalian: On track ang paghahanda para sa simula ng impeachment trial sa July 6, 2026
-4, patay matapos araruhin ng delivery truck ang isang bahay; 9, sugatan
-Ilan sa mga raliyista sa Liwasang Bonifacio, bibiyahe ngayong umaga papuntang People Power Monument
-AFP, isinailalim sa red alert status ang mga unit sa NCR kasunod ng kilos-protesta sa EDSA People Power Monument
-Ginang at 3 niyang anak, natagpuang patay sa kanilang bahay; live-in partner ng babae, person of interest sa krimen
-INTERVIEW: PMGEN. ANTHONY ABERIN, CHIEF, NCRPO
-Ph tennis star Alex Eala, aabante sa 2nd round ng 2026 Wimbledon
-Kilos-protesta sa PPM na nilalahukan ng ilang INC members, nagpapatuloy
-PAGASA: Water level sa Angat Dam, bumaba sa 159 meters o low critical level
-Ombudsman: Mga testimonya ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, gagamitin sa binubuong kaso vs. Rep. Martin Romualdez kaugnay sa 2025 budget
-2 scammer umano na sangkot sa panloloko sa customer at ilang negosyante, arestado
-Pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban, tinatalakay sa pagdinig ng Senado;
-Shocking twists, napanood sa latest episode ng "The Master Cutter"
-Tanong ng isang anak sa kanyang magulang tungkol sa pagiging single, kinagigiliwan online
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30Alas 8 ng gabi, pinayaga ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang kinus protesta.
00:35Diyan po sa People Power Monument ngayong araw.
00:38Pusibli raw mapahabang pinayagang pecha sa rally permit kung susunod ang organizers sa inilatag na kondisyon ng mga otoridad.
00:46May ulat on the spot si June Venerasyon.
00:49June!
00:53Rafi, Connie, sa original request ng Iglesia Ni Cristo sa Quezon City Government,
00:57ay hanggang biyernes masana nila gustong mag-rally dito sa may EDSA People Power Monument.
01:03Pero sabi ni Retired General Elmo San Diego, ang jefe ng QC Department of Public Order and Safety,
01:10isang araw lang kanilang pinagbigyan.
01:12Mula yan 8am hanggang 8pm ngayong Mertules.
01:15Pero sabi ni San Diego, pwede naman ma-extend ang rally permit.
01:19Kung masusunod ang mga inilatag na kondisyon sa mga rally organizer,
01:23gaya ng pagkikiyak na walang may sasarang kalsada at magiging maayos ang kilos protesta.
01:30Dagdag pa ni San Diego, apat na araw ang gusto ng INC dahil inaasahan nilang aabot sa 100,000 ang
01:36mga dadalo.
01:38Sa ngayon ay nasa 3,000 ang crowd estimate dito, 2,000 naman ang mga nagbabantay na polis.
01:45Sabi naman ni NCR Police Office Spokesperson Major Hazel Asilo,
01:51narilis na ang apat na naaresto sa kaguluhan kahapon.
01:54Yung bus driver na nakatrasay sa babaeng polis ay pinatawad na ng kanyang biktima.
02:00Yung tatlong iba pa ay narilis pero for further investigation.
02:06Yan muna ang latest mula rito. Balik sa Connie.
02:08John, may mga namamataan ka ba ang malalaking personalidad na nariyan ngayon sa People Power Monument?
02:18Sa ngayon, Connie ay wala pa naman.
02:21Actually, kahapon, nabigla rin din tayo sa dami ng mga VIP na sumalang doon sa Entablado
02:26na inilatang dito sa may EDSA People Power Monument.
02:30Pero kanina o ngayong sa mga sandali ito, Connie, ay wala pa tayong namamataan.
02:35Pero tuloy-tuloy pa rin yung mga nagpe-perform sa Entablado.
02:38So, actually, kung mga gustong mag-perform ay magpapalista lang at pwede silang sumalang sa stage
02:45at doon ipakita ang kanilang talento sa pagkanta, Connie.
02:49May mga indikasyon ba na magtatagal pa ang mga nagra-rally dyan sa People Power Monument?
02:53Even after yung deadline, 8pm?
02:57Connie, ang talaga tinitignan ng QCDPOS na indikasyon ay kung dadami yung mga tao dito.
03:04So, gaya ngayon na sabi ko kanina, ang crowd estimate nasa 3,000 hanggang 4,000 sa ngayon.
03:10Malayo yan doon sa 15,500 na peak nung mga tao na pumunta dito sa may EDSA People Power Monument
03:17kagabi.
03:18Pero masyado pa namang maaga, Connie.
03:21At saka, kung mapapasin nyo, napakairit ang panahon ngayon.
03:24Hindi ka gaya kahapon na makulimlim.
03:27Siguro baka yan ay naging factor din.
03:29Pero tingnan natin mamaya kung dadami pa yung mga tao.
03:32So, gaya nga na sabi ko, sa original nga ng plano ng INC, ay gusto nilang magra-rally dito hanggang
03:38sa araw ng biyernes.
03:40Connie.
03:40Marami salamat, June Veneracion.
03:44Magdamad na nanatili ang ilang nagtipon kahapon sa People Power Monument sa bahagi ng EDSA sa Quezon City.
03:50Ang ilan, nagtayo pa ng tent.
03:52Balita natin ni James Agustin.
03:57Maghahating gabi kanina, matindi pa rin ang traffic sa northbound lane ng EDSA papalapit sa People Power Monument sa Quezon
04:03City.
04:03Dalawang lane lang ng EDSA nang daraanan ng mga motorista, kabilang na ang busway.
04:08Inilipat ng MMDA ang mga concrete barrier para mas maraming lane na madaanan.
04:13Ang isang bus na nakapwesa sa EDSA, pinakiusapan ng mga polis na alisin.
04:17Pero hindi pumayag ang mga nagkikilos protesta.
04:20Sa White Plains Avenue, kanya-kanya ng latag na mahigaan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.
04:25May mga nagtayo pa ng mga tent.
04:27Ang iba galing sa malalayong lugar.
04:29Gaya ni Roland at kanyang mga kabarangay,
04:32na bumiyahin mula sa Tarlac para makiisa sa kilos protesta.
04:35Anda po kami, rain or sign, talagang anda po kami.
04:38Talagang transparency na hinahanap natin.
04:41At walang ano talagang, kasi nagiging parang seleksyon yung justice din.
04:47Kung minsan, na sanasabi nila, sana maging patas talaga.
04:51Galing namang Dasmarinas Kabite si Josifer at kanyang mga kaanak.
04:54May baon silang mga pagkain at pananggalang sa ulan.
04:57Suot pa niyang t-shirt na may nakasada mga katagang transparency at accountability.
05:03Lagana po yung corruption sa ating bansa po.
05:08Pilit natin nilalaban po yung karapatan natin.
05:13Kung sino pang tama, yan pang kinakasuhan po.
05:18Ang mga mali po, sila pang namamayani.
05:25Kaya nandito kami, paripaglabang namin ang karapatan bilang isang mamayang Pilipino po.
05:32Madaling araw na may mga dumarating pa rin para makiisa sa ikalawang araw ng programa.
05:37Kabilang na magpinsang Carlo Atrayan na galing Marilaw, Bulacan.
05:41Nag-leave na raw sila sa kanilang mga trabaho ngayong araw.
05:44Sa panawagan po ng Inglesya ni Cristo, transparency and democracy.
05:50Galing sa trabaho, syempre.
05:52Tsaka medyo talagang traffic talaga kanina.
05:55Medyo nagpaluwag muna kami ng kalsada.
05:58Pero hindi pwedeng lumagpas yung pagkakataon na ito na hindi makipagkaisa.
06:02Ayon sa QCPD, nasa 2,500 na mga pulisa nakadeploy sa People Power Monument para magbigay siguridad.
06:10James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
06:15Tuloy rin ang kilos protesta ng ilang miyembro ng Iglesya ni Cristo at ipapaggrupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
06:21Ayon sa team leader ng mga aralista, mahigit limang daan sila roon.
06:26Ang ilan sa kanila sa Liwasang Bonifacio nagpalipas ng magdamag at nag-set up ng tent.
06:31May mga galing pa rao sa 1st District ng Matangas kaya nagkampo na lang doon.
06:36Ayon sa ilang nagrarally, didiretso sila sa People Power Monument sa Quezon City para makilahok sa pagtitipon doon.
06:45Mas maagang bumiyahe ang ilang papasok sa trabaho at eskwelahan dahil bantay sarado rin ang ilang kalsada sa paligid ng
06:52Mendiola sa Maynila.
06:53Sabi na ilang papasok na estudyante at empleyadong nakausap ng GMA News, mas malayo ang lalakarin nila dahil sa mga
07:00isinarang kalsada.
07:01Hilagyan ng mga barikada, yero at barbed wires ang ilang bahagi ng Recto Avenue, Legarda Street at Casal Street bilang
07:08bahagi ng siguridad ng pulisya.
07:11Ayon kay Manila Police District Spokesperson Philip Ines, hinihigpitan nila ang siguridad sa paligid ng Mendiola tuwing may malalaking kilos
07:18protesta, lalo na't malapit ito sa Malacanang.
07:21Sabi naman ng palasyo, walang banta sa Pangulo pero hinigpitan din ang pagpasok sa Malacanang.
07:30Kaninang umaga rin, sumikip ang dinaraanan ng mga motorista sa EDSA White Plains Northbound.
07:35Lumagpas kasi sa concrete barriers ang isang bus na sinakyan ng mga nagkilos protesta.
07:40Bago magalas 8.30 na umaga kanina, iniatras na ang bus at iniusog na ng MMDA ang concrete barriers.
07:46Kaya mas maluwag na ang daanan ng mga motorista.
07:57Sa gitna ng malakas na ulan at agos ng ilog, isa-isang isinakay sa kalabaw at kabayo.
08:03Ang mga estudyanteng yan para makatawid sa ilog sa Alamada, Cotabato.
08:07Ang ilan naman, binuhat at inalalayanan ang mga estudyante sa pagtawid.
08:12Ayon sa uploader ng video, walang tulay at ibang ruta kaya tumatawid sa ilog ang mga estudyante para makapasok sa
08:18eskwelahan.
08:19Hiling nila, kung hindi malalagyan ng tulay, sana raw ay magkaroon na lang ng extension ng paaralan sa Barangay Polayagan.
08:27Naiparating na yan sa barangay at lokal na pamahalaan at aalaning daw nila ang sitwasyon sa lugar.
08:35Lampas tuhod na baha naman ang pumasok sa ilang bahay sa Barangay Taguhoy, Talaingod, Davao del Norte.
08:42Ang mga residente, kanya-kanya nang salba ng kanilang mga gamit.
08:46Ayon sa mga residente, mabilis umapaw ang isang sapa roon, kaya sila binaha.
08:51Humupa rin naman yan pagdating ng gabi.
08:55Sa Davao Occidental, pero wisyo naman ang dulot ng pagulan sa evacuees na nananatili sa Barangay Nuwing sa Jose Abad
09:03Santos.
09:03Pinasok na kasi ng tubig ang kanilang mga tent at nabasa ang kanilang mga gamit.
09:09Dahil diyan, nagsisiksika na sila sa iisang higaan para makatulog.
09:13Dagdag pahirap pa ang lamig at lamok pagkatapos ng ulan.
09:18Rumagasari ng baha sa Barangay Butulan at pinasok nito ang mga tent sa evacuation center.
09:24Ang ilang apektado, nakikituloy na muna sa mga tent ng kanilang kakilala.
09:31Dahil din sa malakas na pagulan, binaha ang paradahan na yan sa Barangay Katangawan sa General Santos City.
09:38Nalubog sa tubig ang mga nakaparadang sasakyan, kabilang ang ilang minibus.
09:42Humupa naman kinaumagahan ng baha.
09:47Hulikam ang pagtangay ng rumaragasang ilog sa kubo na yan sa Barangay Malo sa Chateau Negros Oriental.
09:53Kasamang natangay ang isang lalaking senior citizen na nasa isang duyan sa loob ng kubo.
09:58Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
10:02tumambay sa kanyang kubo ang nasabing residente na biglang rumagasa ang tubig.
10:07Patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad sa nawawalang residente.
10:13Sa Barangay Mantuyop, hindi bababasa sampung bahay ang nalubog sa biglang pagragasan ng tubig.
10:20Natangay rin ang ilang alagang hayop ayon sa MDRRMO.
10:23Wala namang nasaktan o nasawing residente.
10:26Patuloy pa ang assessment ng mga otoridad para sa agarang tulong sa mga binaha.
10:31Naka-alerto na rin ang Department of Social Welfare and Development para magbigay ng tulong sa mga apektado ng pagulan
10:38sa Luzon at Visayas.
10:40Ayon sa pag-asa, low pressure area at localized thunderstorms ang nagpaulan sa mga binanggit na lugar.
10:47EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
10:52Mga kapuso, tropical depression na ang binabantayang low pressure area na nagpaulan kahapon sa Metro Manila at ilan pang bahagi
10:59ng bansa.
10:59Kinawag yung Bagyong Henry.
11:02Kanina nakataas na ang wind signal number 1 sa southwestern portion ng Zambales, western Bataan at sa lubang islands ng
11:09Occidental Mindoro.
11:11Namataan ang pag-asa ang bagyo 220 kilometers west-southwest ng Abukay Bataan, bandang alas 8 ngayong umaga.
11:18Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour.
11:23Base sa pinakahuling forecast, hindi maglalandfall ang Bagyong Henry.
11:27Kikilos ito papuntang West Philippine Sea.
11:30Bukas, posibleng nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Henry.
11:35Posible rin itong lumakas pa bilang tropical storm.
11:39Sa mga aalis papuntang skwela o trabaho, maiging magbao ng payong o kapote.
11:44Uulinin pa rin ang Bagyong Henry ang Metro Manila, Calabarzon, Zambales, Bataan, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at
11:54Marinduque.
11:56Hanging habagat naman ang magpapaulan sa ilan pang panig ng Saldo Luzon, Visayas at Mindanao habang mas makaaasa sa maayos
12:03na panahon ang natitirang bahagi ng bansa pero posibli pa rin ang mga local thunderstorms.
12:09Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
12:15Ibig sabihin, posibli po ang biglang ulan na may pagkulog at pagkidlat hanggang mamayang alas gis ng gabi.
12:25Giyit ng Office of the Ombudsman, may tuturing pa rin plunder ang pagtanggap ni Sen. Rodante Marcoleta ng 75 milyon
12:31pesos na donasyon itong 2025 kahit nang galing ito sa pribadong pondo.
12:36Kasunod yan ang pagkwestiyon ng Iglesia Ni Cristo sa planong pagsasampah ng plunder case kay Marcoleta.
12:41Ayon naman sa Malacanang, niririspeto ni Pangulong Bongbong Marcos ang karapatang magtipo ng INC.
12:47Balitang hatid ni Ivan Mairina.
12:57Transparency, accountability, justice and peace.
13:00Ito rin ang pinaglalaban ng mga miyembro na Iglesia Ni Cristo kaya sila nagrarally.
13:05Pinututulan nila ang nakaambang pagsasampah ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
13:09Si Sen. Dante Marcoleta ay nanguna sa pag-iimbestiga sa isa sa pinakamalaking pandarambong na naganap sa ating kasaysayan.
13:21Bakit siya na nagsusulong sa pag-expose ng mga sangkot sa napakalaking pagnanakaw sa Pilipinas,
13:29ang kakasuhan at ipakukulong sa halip na ang mga na-expose.
13:36Ang nakaambang kaso ay kaugnay ng pagtanggap ni Marcoleta ng 75 milyon pesos mula sa tatlong individual noong January 2025,
13:44panahong kongresista pa siya.
13:47Ayon sa Ombudsman, hindi tamang tumatanggap ng ganong kalaking halaga ang isang opisyal ng gobyerno.
13:52Pero tanong ni INC spokesperson Brother Edwin Sabala.
13:56Paanong naging plunder ang pagtanggap ng campaign donation o campaign contribution?
14:03Hindi naman galing sa kabangyaman ng Pilipinas ang tinanggap niyang donation.
14:09Pero sabi ng Ombudsman, hindi kailangan galing sa kabanang bayan ang perang tinanggap para ituring itong plunder.
14:15Alangan naman po, yung gift ay galing din sa public funds.
14:18So, ang definition po ng plunder also includes private funds.
14:23Pag binasa mo talaga yung batas, nandyan ho yan na kahit private funds po pwede.
14:31It's just that, kadalasan ang nafa-file ho yung public funds.
14:36Binalikan din ang INC ang pag-abswelto ng Commission on Elections kay Marcoleta tungkol sa tinanggap na pera.
14:42Hinihingan namin ng pahayag ang COMELEC.
14:43Sa pahayag nila noong Marso, sinabi nitong bagamat na akong pirmang tumanggap si Marcoleta ng pinansyal na kontribusyon na kakahalaga
14:50ng 75 milyon pesos.
14:52Nangyari ito bagong simula ng campaign period kung kailan hindi pa maituturing na kandidato si Marcoleta.
14:58Kaya hindi maituturing na election offense ang non-declaration.
15:01Pero paglilino ng COMELEC, maring may iba pang batas na nakasasakop dito.
15:06Hindi tutol ang Iglesia ni Kristo sa pagpapatupad ng batas.
15:12Pero tutol kami sa pagbaluktot sa batas.
15:18Lalo na kung ang layunin ay para pagtakpan ang katiwalian.
15:24Gusto naming ipaalam sa kanila na isang injustice ang selective justice.
15:30At hindi kami mananahimik sa harap nitong napakalaking pagyurak sa katarungan na hinihingi ng ating mga kababayan.
15:43Ang isinagawang rally sa EDSA, iniugnay ni Vice President Sara Duterte sa anya'y poor governance ng Administrasyong Marcos.
15:50Sa halip daw na tugunan ng mahalagang suliran ng kinaharap ng bansa,
15:54ginagamit umano ng Administrasyon ang Sistema ng Hustisya laban sa mga tao ng sasalita tungkol sa umanig katiwalian,
16:01pumupunas sa kakayahan ng pamahalaan o bumabati ko sa Pangulo.
16:04Sabi pa ng Bicen, nagbunga ng mas mapaniil na sitwasyong pampolitika
16:08ang estilo ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos,
16:11kung saan ang mga kritisismo ay sinasagot ng pananakot.
16:14Pagdidiin pa ng pangalawang Pangulo,
16:17hindi na lang tungkol sa politika ang usapin kundi ang kinabukasan ng bansa at ng mga Pilipino.
16:21Nag-ugat ang mga usapin ito dahil sa pagpapatupad ng Pangulo ng Batas.
16:34Sa mabilisang pagpapanagot sa mga taong sangkot.
16:38Walang sinisino, walang kulay.
16:41Wala pang isang taon.
16:42Pero naiinip ang karamihan.
16:44Pero hindi sila naiinip sa 6 na taon ni dating Pangulong Duterte na walang halos na gawang pag-iimbestiga.
16:53Ayos sa palasyo, walang banta sa Pangulo.
16:55Pero hinigpitan din ang pagpasok sa Malacanang.
16:58Ito po ang pinaka-opisina ng ating Pangulo.
17:02So dapat din po natin itong proteksyonan.
17:04Kahit ano pang klaseng rally yan, maliit, malaki,
17:07dapat natin proteksyonan.
17:09At ito po ay parte na po ng siguridad.
17:12Pinagtataka raw ng Pangulo, ang basihan ng kinos protesta.
17:15Nagtataka siya na dahil masasampahan ang kaso si Sen. Marcoleta
17:23or na nasasangkot sa isang kaso si Sen. Marcoleta
17:29ay kailangan ng maglunsad ng ganitong kalaking rally.
17:35At still, ang Pangulo po ay nakikinig, iginagalang sila.
17:39Ang tangi lamang niyang hiling ay igalang natin lahat.
17:44Yung mga naaapektuhan na dapat ay hindi naaapektuhan.
17:47Ayos sa palasyo, nirerespeto ng administrasyon ng karapatan ng Iglesia ni Cristo
17:51na magtipon at magpahayag.
17:54Suportado rin ang Pangulo ang panawagan nila para sa pananagutan,
17:57kustisya at kapayapaan.
17:59Ang Pangulo po ay naniniwala sa paninindigan ng INC.
18:03Okay, ipatupad ang batas, transparency, accountability, managot ang dapat managot.
18:09At yan po yung ginagawa ng administrasyon.
18:12Kung dapat managot ang isang Sen. Marcoleta na nagkataon na miyembro ng INC,
18:18hindi po ba dapat na ipush din natin yun?
18:21Utos sa Pangulo sa Polisya, maximum tolerance at paggalang sa karapatan ng mga nagpoprotesta.
18:26Pasabay nito ay ang utos na ipatupad ang batas at pangalagaan ng karapatan ng ibang naaapektuhan.
18:33Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
18:41Wednesday latest, jam-packed with performances ang recently concluded birthday launch na hosted ng Sparkle Management.
18:51I stayed once seven days
19:00I must have coming back to you
19:07I wanted only, wanted only
19:16Yan ang ubing serenade ni The Clash Team's Clash Master Julian San Jose sa Sparkle Birthday Launch kahapon.
19:24Dinaluhan niya ng April to June Celebrants at ni Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
19:31Bukod sa pag-flex ng kanilang singing prowess, nagpamalas din ang dance moves ang iba pang celebrants.
19:39May nakakakilig pang eksena si The Master Cutter Star Shuvie Etrata at si Anthony Constantino.
19:46Ang Sparkle Birthday Launch ay isang way to give time para makapag-pause sa kanilang busy schedule ang Sparkle Artist
19:53at makaminggle ang kanilang kapwa-artista.
20:00Ito lang talaga yung give back din siguro ng Sparkle to our loyal artists na sobrang sipag.
20:07So ito yung time na mag-bonding din sila.
20:09Kaya I'm very happy tuwing may Sparkle Birthday Launch kasi lahat, bata, matanda, yung mga teens natin, yung mga dalaga
20:18natin, nagkikita-kita at nagsasama-sama.
20:27Sa lunes, July 6, sisimulan na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
20:32Inaakusahan ang visa ng culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption, betrayal of public trust, at other high
20:41crimes.
20:42Ang basihan po niya, nahahati sa apat na articles of impeachment.
20:46Article 1, ang misuse and misappropriation of confidential funds.
20:53Kaugnay po yan sa maliumanong paggamit ng bisi sa 500 million pesos na confidential funds ng Office of the Vice
21:00President
21:01at mahigit 112 million pesos na confidential funds ng Department of Education noong siya pa ang kalihim nito.
21:08Ikalawa, tungkol sa hindi umano maipaliwanag na yaman ni Duterte at ang hindi umano makatotoha ng pagdeklara ng yaman niya
21:17at ng kanyang asawa sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-N.
21:23Hindi rin umano nag-divest ng interest sa kanyang mga negosyo ang bisi-presidente nang maupo siya sa pwesto.
21:30Article 3, bribery and corruption. Dahil yan, sa pagbibigay niya umano ng regalo o bayad sa ilang DepEd officials
21:39para mahikayat na hindi sundin ang procurement laws.
21:43Panghuli namang Article of Impeachment, ang kaugnay sa pagkontrata umano ng Vice President Duterte ng isang assassin
21:50para patayin si Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Araneta Marcos at Nooy House Speaker Martin Romualdez kung papatayin daw
21:59siya.
22:00Hihimayin po yan, isa-isa sa paglilitis pero batay sa pre-trial order, hindi sa pagkakasunod-sunod ng Articles of
22:07Impeachment.
22:10Samantala, unang tatalakayan sa impeachment trial ang umano'y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa Pangulo at ilan niyang
22:18kamag-anak.
22:19Batay po sa pre-trial order na inilabas ng Senate Impeachment Court.
22:23Ayon kay Senate President Wynn Gatchalian, on track ang Senado sa paghahanda nila para sa paglilitis.
22:29Balitang hatin ni Tina Panganiban Perez.
22:35Ininspeksyon ni Senate President Sherwin Gatchalian, ang mga pisikal na paghahanda para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara
22:43Duterte.
22:44Pareho ang ayos nito sa Impeachment Court ng litisin si dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.
23:03Naipadala na rin sa prosekusyon at depensa ang pre-trial order na pirmado ni Senate President Gatchalian kung saan nakalista
23:11lahat na mga testigo, exhibit at mga minarkahang ebidensya at schedule ng pagpipresenta ng ebidensya.
23:18Malaking bagay yun para malinaw sa korte kung anong mga bagay na napagkasundaan ng mga partido, kung ano ang mga
23:26exhibits na namarkahan at mga testigo.
23:28Ayon sa pre-trial order, may labimpitong common witnesses o mga testigo ang parehong gustong iharap ng prosekusyon at depensa.
23:37Kabilang dyan ang umano'y naging bagman ng bise na si Ramil Madriaga, dating Sen. Antonio Trillanes IV, dating Budget
23:45Secretary Amena Pangandaman,
23:47Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Buenaventura at Atty. Gloria Camora ng Commission on Audit.
23:55Hindi bababa sa 57 ang inilista ng prosekusyon ng mga witness sa apat na Articles of Impeachment, kabilang si Mary
24:04Grace Piatos,
24:05ang sinapak na si dating Davao City Sheriff Abe Andres at isang psychiatrist.
24:11Hindi naman bababa sa 45 ang inilistang witnesses ng defense team, kabilang si dating Executive Secretary Lucas Bersamin
24:19at ilang empleyado ng Davao City Local Government at Office of the President.
24:25Sa open court, ihaharap ang mga testigo.
24:28Ang expectation po ng Senate Impeachment Court, dapat yung pong kada witness ay maisalang po ng isang araw lamang.
24:36Ibig sabihin, yung pong direct at cross ay dapat matapos po within the entirety of a day.
24:43Siyak ng sa July 6, magsisimula ang impeachment trial. 2pm ng lunes, martes at mierkoles.
24:51Pero pagkatapos ng State of the Nation address ng Pangulo, ay magiging 3pm tuwing martes, mierkoles at webes na ang
24:59trial.
25:00Ilang buwan nang naghahanda ang House Prosecution Panel para sa impeachment trial.
25:04Kaya handang-handa na raw sila para sa pagsisimula ng paglilitis sa lunes.
25:09Article 4 na tungkol sa pagbabanta ng bise, ang unang isasalag ng prosekusyon.
25:16Kinuha namin ang panig ng mga abogado ng bise, pero wala silang tugot.
25:21May hanggang webes ang prosekusyon at depensa para magkomento sa pre-trial order.
25:27Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
25:36Dead on the spot, ang apat na tao matapos araruhin ang delivery truck ang isang bahay sa pagbilaw, Quezon.
25:42Sa kuha ng CCTV, binabaybay ng truck na galing Bicol ang kahabaan ng Maharlika Highway sa barangay Ibabang Palsabango nitong
25:49lunes ng gabi.
25:50Unti-unting lumipat sa kaliwang bahagi ng kalsada ang truck hanggang nasalpok ang bahay.
25:56Siyam ang sugatan na dinala sa paggamutan.
25:59Wasak din ang ilang tricycle na nakaparada sa labas ng bahay na may pinaglalamayan noon.
26:04Batay sa report ng pulisya, posibleng nakatulog ang pahinanting pinagmaneho ng truck.
26:09Wala pang pahayag ang kumpanya at mga kaanak ng mga biktima.
26:13Pero sabi ng mga otoridad, nakikipag-usap na ang kumpanyang may-ari ng truck sa mga kaanak ng mga biktima.
26:21May mga ralista rin nagkampo nitong magdamag sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
26:26Update tayo sa ulat on the spot ni Bea Pinlang.
26:30Bea!
26:35Raffi, humigit kumulang dalawandaang ralista ang nagsimula ng bumiyahe mula rito sa Liwasang Bonifacio papunta sa People Power Monument sa
26:42Quezon City
26:43para makiisa sa isinasagawang kilos protesta doon.
26:49Ayon sa grupo na nagpalipas ng magdamag rito, galing pang unang distrito ng Batangas,
26:54kalahati sa kanila ang babiyahe pa People Power Monument sa kayin ng mga bus.
26:58Pero ang ilan sa kanila, naging hihintay pa ng masasakyan.
27:01Kapag naging mabuti raw ang dulot ng pakikisa nila sa protesta sa People Power Monument,
27:06lano raw nilang pasunurin ang matitirang batch dito.
27:10Kaninang umaga, nagdaos ng maikling programa rito na dinaluhan ni Congressman Leandro Leviste.
27:19This is the time, I think, na paraan para kami po ay umusad papunta sa EDSA.
27:25Kami po ay hihintay lamang nagaantabay ng aming masasakyan.
27:30Pero kung kami po ay walang masasakyan, kung kailangan maglakad magmula dito sa Liwasang Bonifacio,
27:35papuntang EDSA gagawin po namin yan para po sa mamamayang Pilipino.
27:44Raffi, ayon sa Manila Police District, nasa 230 ang bilang ng mga relilihista dito sa Liwasang Bonifacio.
27:52Pero sa bilang ng grupo, nasa 500 daw ang tala nila.
27:57Yan ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa'yo, Raffi.
28:00Maraming salamat, Bea Pinla.
28:04Isinailalim ng Armed Forces of the Philippines sa Red Alert status ang mga unit nito sa Metro Manila.
28:09Kasunod po ng kilos protesta sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.
28:14Kabilang ang ilang membro ng Iglesya ni Cristo sa mga kalahok sa rally na nagsimula pa kahapon.
28:20Ayon sa AFP, ang Red Alert status ay para matiyak na handa ang kanilang mga tauhan at assets kung kinakailangan.
28:28Patuloy rin daw na nakikipag-ugnayan ang AFP sa Philippine National Police
28:32at iba pang ahensya ng gobyerno para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
28:38Sinabi rin ng Philippine National Police na naka-full alert status ang NCR Police Office
28:43at Police Regional Offices 3 at 4A dahil din sa pagtitipon sa EDSA People Power Monument.
28:57Natagpo ang patay ang isang ginang at tatlo niyang menor de edad na anak sa Josefina Zamwanga del Sur.
29:04Tagtad po ng saksa at apat na bangkay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay sa barangay Liptapan.
29:11Ayon sa polisya, person of interest sa krimen ang live-in partner ng ginang na ilang araw pa lang niyang
29:18kinakasama.
29:19Pinaniniwala ang nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.
29:22Pinuntahan na ang person of interest sa kanyang address pero hindi natagpuan doon.
29:27Patuloy ang paghahanap sa kanya.
29:35Hanggang mamayang alas 8 ng gabi lang, efektibo ang permit ng mga ralista sa People Power Monument.
29:40At kaugnay niyan, kausapin natin si NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin.
29:45Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
29:49Magandang umaga rin po at sa lahat po na ating magiging kinakasama.
29:54Opo. Ano po ang latest crowd estimate niyo sa People Power Monument at maging doon sa Liwasang Bonifacio?
30:01As of this time po, dito po sa People Power Monument, may 4,000 po na crowd estimate and it's
30:12growing number.
30:13Sa Liwasang Bonifacio, we will take you later kasi hindi ko ba po na-re-receive yun yung report ng
30:19crowd estimate.
30:20Nabanggit niyo po, lumalaki yung bilang ng mga ralista dyan sa People Power Monument.
30:24Pero aabot po ba ito sa 50,000 o mas malaki pa mamayang gabi?
30:30Hindi ko po. As of this time, hindi ko po masabi.
30:33Then we will just wait and see po kung aabot.
30:37Sakaling mapaso po yung permit, mamayang alas 8 po ng gabi dahil lang ang alas 8 lang yung pinayagan ng
30:42LGU.
30:43Ano po mangyayari dito sa sinasagawang rally?
30:47Mamayang alas 8 po ng gabi ay mapapasok po yung permit.
30:51However, may kulatilya po kasi doon na renewable.
30:54We will wait po doon sa possible issuance of another permit po.
30:59At kung wala pong may issue, ay makikipusap po tayo sa mga rally organizers po.
31:07Kung ano yung hakbang natagawin natin.
31:09Pero dispersal is out of the question po?
31:13Napakalaki yung number po ito para gawin natin, para i-disperse po ito.
31:17We will be expecting ng malaking kaguluhan po pag mag-disperse po tayo.
31:22Sa inyo yung information po ba? Hanggang kailan sila ang mananatili dyan?
31:26At hanggang kailan nila hihingin yung permit mula sa LGU?
31:32Kailan sila magtitipon dyan sa People Power Monument?
31:36May unconfirmed report po na hanggang 3 but this remains to be confirmed po.
31:42Kasi yun po yung naririnig natin dito na hanggang 3.
31:46Until sa time na wala pong confirmation on their parts,
31:50ay hindi po natin matasabi kung hanggang po kailan po talaga yung rally po nito.
31:55Kung sakaling hanggang 3 o Friday nga po ito, handa po ba ang PNP para rito?
32:02Napakaganda pong talong yan. Parte po ng trabaho namin dito.
32:05And kahit, kagaya ng sabi ko kanina, kahit abutin po ng buwan nito,
32:09handa-handa po ang NCRPO sa mga ganitong pagtitipon.
32:12Kumusta naman po yung mga nag-rally ngayon?
32:14Kahapon kasi nagkaroon ng agirian at may inaresto pa.
32:18Sa ngayon po, ano po yung situation dun sa area?
32:21Mas maganda po yung situation natin ngayon kaysa kahapon.
32:24Considering na may permit po.
32:26Dahil sa permit po, may nakalagay po kasing kondisyon po dito.
32:30So, i-involve lang po natin yung kondisyon at with the help of their leaders on the ground,
32:36ay na-involve po natin yung mga kondisyon.
32:39At kahapon nga po, may nasaktan pang polis.
32:41Pero ang sabi ay pinatawad na nung polis yung driver na muntik nang makaipit sa kanya.
32:46Pero yung pagharang po mismo ng bus doon sa EDSA, meron ho bang asunto ito?
32:51May pinag-aaralan po ng ating legal team yung possible na pwede nga-charge.
32:56But of course, we have to accumulate dividends po para makapagdayan ang kaso if ever for.
33:03At yung pinalaya pong apat na inaresto kahapon, hindi na sila po pananagutin?
33:11Yung usapin po na yan, wala po kasi akong natatanggap na formal report about it
33:16dahil si Taon yung district director kung ano po yung top date nung insinigay.
33:21Kumusta naman po yung sitwasyon at pag-ubantay nyo sa liwasang Bonifacio sa Maynila at dun po sa Mendiola?
33:27Maayos naman po. Wala pong masyadong tao po doon.
33:31And just the same po, kahit na walang tao po, mananatili pong nakateploy po ang ating tabunisan.
33:35Lalong-lalo na po doon sa peripari po ng malakad niya.
33:38Meron ba kayong intel information kung lalawak pa ito dahil sa lunes na magsisimula?
33:43Yun namang impeachment trial sa Senado, meron ba magrarali doon sa area na yon?
33:47Patuloy po yung bakmumonitor po natin sa mga ganyang president.
33:52Pero just with my what to stress out na any scenario po,
33:56hanggang nanganda po ang inyong kapulisan para sa mga bagay po na ito.
34:00Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitanghali.
34:04Maraming salamat ito po.
34:05Yan po si NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin.
34:14Aabante si Pinay Tennis star Alex Ayala sa second round ng 2026 Wimbledon.
34:21Malakas ang ipinakitang laban ni Alex sa pagtatapat nila ni Renata Zarazua ng Mexico sa first round.
34:28Dalawang set lang ang laro na nakuha ni Alex sa scores na 6-1 at 6-2.
34:35Pinakauna itong panalo ni Alex sa Wimbledon.
34:38Noong nakaraang taon, pasok din sa torneo si Alex pero natalo siya sa opening round.
34:44Ngayong 2026, makakaharap niya sa susunod na round si Maya Joint ng Australia
34:50na nakalaban niya dati sa 2025 Eastbourne Open Finals.
34:56At may po tayo sa pagtitipon sa EDSA People Power Monument sa ulit on the spot ni Marise Omani.
35:02Marise!
35:07Conny, nagpapatuloy ang programa ng mga rallies na rito sa People Power Monument
35:12sa pangunguna ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo para ipanawagan ng transparency and accountability
35:17mula sa mga namumuno sa gobyerno.
35:20Dalawang sunod magagaling.
35:23Naghandog ng mga awitin ang ilang mga dumalo sa rally ngayong umaga.
35:27Free-flowing at open mic ang programa kung saan ang ilang mga nais mag-alay ng awitin
35:31ay hinikayat pang magpalista sa gilid ng stage.
35:35Di ininda ng mga rallyista matinding sikat ng araw para makiisa sa panawagan
35:39para sa transparency for a better democracy na naka-imprinta rin sa suot na t-shirt ng ilan.
35:46Sa kabila ng paliwanag ng ombudsman, kine-question pa rin nila kung bakit sa
35:50Sen. Dante Marcoleta ang kakasuhan ng pandarambong.
35:54Gayong privado naman daw ang pinanggalingan ng donasyon sa kanya.
35:58Nauna na rin sinabi ni Sen. Marcoleta na iniipit lang siya para di makalahok
36:03sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula na sa susunod na linggo.
36:08Habang umuusad ang araw ay nadaragdagan pa po ang mga nakikilahok sa kilos protesta.
36:14Ang ilan dito na nagpalipas ng gabi habang marami naman ang bumalik ngayong umaga
36:18o di kaya ay ngayon lang sumama.
36:20Ayon sa ilan nating nakausap, marami paraw darating ngayong araw.
36:24Nagsagawa naman ng adjustment ang mga otoridad para mas maging tuloy-tuloy ang daloy ng
36:28trafico rito sa may EDSA White Plains.
36:31Ang bus na kahapon ay nakabalandra o nakausli ang harapan sa may kalsada
36:36na iurong na po kaninang bago mag-alas 8.30.
36:39Pati ang mga concrete barriers sa bus carousel iniusog din para tatlong lane na ang madaraanan ng mga motorista.
36:47Bantay sarado ng mga polis ang buong perimeter ng People Power Monument.
36:51Nakabang din ang command post at first aid station para sa emergency pero sa kabutihang palad ay wala pa naman
36:57pong naitatalang isinugod doon.
36:59Sa mga sandaling ito, Connie, ipapakita ko lang sa inyo yung sitwasyon ngayon dito sa may EDSA White Plains.
37:03At makikita po natin na yung buong lahat ng tatlong lanes, umuusad ng tuloy-tuloy yung mga sasakyan.
37:10Bagamat nagkakaroon pa minsan-minsan ng build-up o volume, kumakapal yung volume ng mga sasakyan,
37:15tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan dito.
37:18At ganoon din po sa kabilang lane, pa southbound naman po yan, tuloy-tuloy rin po ang mga sasakyan doon.
37:25At meron din po mga nakabantay na mga traffic authorities, traffic personnel and of course yung mga polis
37:33para masiguro magtutuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan dito sa EDSA White Plains.
37:38At yung pinakasariwang balita mula pa rin dito sa People Power Monument, balik sa'yo Connie.
37:43Maraming salamat, Mariz Omali.
37:47Sumagsad na sa low critical level ang tubig sa Anggat Dam.
37:50Ayon sa pag-asa, mahigit 159 meters na water level ang naitala sa Anggat Dam kaninang alas 8 ng umaga.
37:57Mas mababa yan sa 160 meters na critical level ng Anggat.
38:02180 meters ang minimum operating level ng Anggat.
38:05May tinatawag ding rule curve elevation ang nagiging batayan kung dapat limitahan ang mga sinusuplayan ng Anggat Dam
38:12gaya ng pansamantalang pagputol ng alokasyon ng tubig sa mga erigasyon at power generation.
38:1990% ng water source sa NCR ay nanggagaling sa Anggat Dam.
38:23Ito rin ang pangunahing pinagkukunan ng supply ng tubig ng ilang bahagi ng Cavite at Rizal Province.
38:29Bukod sa Anggat, bumaba rin ang tubig sa Lamesa, San Roque, Pantabangan at Magat Reservoirs.
38:35Tumas naman ang water level sa Ipo, Angbuklaw, Binga at Caleraya Reservoirs.
38:51Ang kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez tungkol sa 2025 budget,
38:57ang isa po sa mga idinirhilan ng Office of the Ombudsman kung bakit gagawing state witness
39:03si dating DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
39:07Yung grand case of conspiracy and plunder na ang pinaka-punot-dulo nun ay si former Speaker Martin Romualdez.
39:19Yung budget po ng DPWH, yung budget ni former Secretary Manny Bonoan,
39:25yun po ang kinalikot na budget ng House leadership at that time.
39:58So, ang corruption mo kasi...
40:00GMA News ang mosyon ng Ombudsman para amyandahan ang case information sa mga kaso laban kay Bonoan.
40:07Hiniling nila sa Sandigan Bayan 2nd Division na humahawak sa graft case
40:11at sa 5th Division na humahawak sa plunder case na gawing state witness si Bonoan sa halip na akusado.
40:18Hawak na raw ng Ombudsman ang mga ebidensya,
40:21kaugnay sa implementasyon at koleksyon umano ng mga kickback mula sa mga proyekto ng DPWH.
40:27Ang mahirap daw ipakita ay ang pagpapasya sa pinakamataas na antas ng gobyerno,
40:32kaya nangyayari ang malawakang katiwalian.
40:35Dagdag ni Clavano, posibleng may papel si Romualdez sa hatian ng kickback sa mga proyekto ng DPWH.
40:42Sinisika pa ang kuna ng bagong pahayag si Romualdez.
40:46Dati na niyang itinanggi na may kinalaman siya sa budget insertions,
40:49kaugnay sa flood control projects.
40:58Mga kapuso, kilatising mabuti ang mga nakakatransaksyon para huwag maging biktima ng scam.
41:04Sa legalis, Iloilo, arestado sa entrapment alteration ng dalawang suspect.
41:09Sanang scam umano sa ilang customer at negosyante.
41:11Ayon sa pulisya, nag-aalok ng construction materials ang dalawa pero kulang ang idinideliver nila sa mga customer.
41:18Kapag nagreklamo naman ang mga biktima, nagtataguna sila.
41:22Ilang negosyo rin daw ang kanilang nabiktima,
41:24kabilang ang isang rent-a-car services na nirentahan nila ng sasakyan pero hindi binilik sa nakatakdang araw.
41:31Napagalaman na lang ng biktima na pinaparenta ng mga suspect sa iba ang sasakyan.
41:35Nasa kustodiyan ng pulisya ang mga suspect na maharap sa reklamong estafa.
41:40Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
41:44Inatalakay ngayon sa Senado ang pamamaril sa isang eskwelahan sa Tacloban
41:48at ang posibleng kaugnayan nito sa isang terrorist group.
41:52May ulot on the spot si Sandra Aguinaldo.
41:54Sandra?
41:56Yes, Connie.
41:57Sa pagdilig nga po ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality,
42:04tinalaking ngayon ang shooting incident sa Tacloban City,
42:07kung saan tatlong isturdiyante ang namatay sa pamamaril ng dalawang minor de edad.
42:12Sa opening speech po ni Committee Chairperson, Senadora Riza Ontiveros,
42:17nilinaw niya na ang hearing ay hindi para tutulan ang online games.
42:23Layunin lang daw ng hearing na makahanap ng solusyon para hindi na maulis yung nangyari sa San Jose National High
42:30School.
42:30Hindi raw online community ang kalaban, kundi tungkol ito sa panganib na kinakaharap ng mga kabataan,
42:38lalo na yung naglalaro at nakikipag-usap online.
42:41Ayon kay Ontiveros, mayroong indikasyon na may influensya ang nangyaring pamamaril sa 764,
42:48isang international network na nagsusulong umano ng extremism sa social media at gaming platforms.
42:55Ang suot daw na t-shirt ng suspect na si Alias Nash ay may logo ng German Industrial Metal Band
43:01na KMFDM.
43:03Ang banda raw na ito ay iniidulo ng maraming 764 members.
43:07Sa ngayon daw ang 764 members ay idideklara ng terrorist group ng ibang bansa.
43:13Dadalo rin online ang pamilya ng mga biktima sa Tacloban.
43:18Pino na rin po ni Sen. Rafi Tulfo na yung bahay pag-asa na pinaglalagyan ng mga minority edad na
43:24nakagawa ng krimen ay marami din umano ang nakakatakas.
43:28Emosyonal naman ang magulang na isa sa mga biktimang si Joanne C. Separa nang ipahayag ang kanyang samanan loob na
43:36hindi raw mapaparosahan ng sapat ang mga namaril na minority edad.
43:42Narito po ang pahayag.
43:43Ang modus ng grupong ito, maghanap ng mga vulnerable minors online at hikayatin na gumawa ng kahindik-hindik na bagay.
43:56Sabi mismo ng FBI,
43:59The leaders of the group are pushing victims to create graphic pornography, to harm family pets, to cut themselves.
44:21Twist after twist ang eksena sa latest episodes ng GMA Prime series na The Master Cutter.
44:27Kabilang sa Revelations, si Elaine, na ginagampanan ni Max Collins na may anak pala.
44:33Si Ibiang na role naman ni Jenna Stevens na kumbinsi na si Atoy, played by Ding Dong Dantes na pumasok
44:39sa eskwelahan.
44:41Chika ni Dong, staying true to its core, ang The Master Cutter bilang isang family series.
44:46Sa mga nahok sa adventures ni Atoy, mapapanood na rin ang series sa Heart of Asia, iHeart Movie at dito
44:53sa GTV.
44:57Masaya kami na mas mapapalawak pa ang reach at ang mga manonood ng Master Cutter.
45:03Kasi hindi lang sa GMA ngayon mapapanood ang The Master Cutter kung hindi sa apat na channel.
45:08So, mas may opportunity para mas marami makapanood.
45:18Sa mga kapusong single dyan, huwag pong madaliin ang inyong puso.
45:22Sabi nga, life is not a race. Kabilang dyan ang love life.
45:26Yan ang kwelang topic ng isang pamilya sa Dasmarinas, Cavite.
45:39Yan ang tanong ni Yung Scooper Angel Mirano sa kanyang mga magulang.
45:43Pabirong sagot ni Tatay Luis, eh di huwag concern lang naman daw at baka walang mag-alaga sa kanilang anak.
45:50Pagtanda.
45:51For the gatong naman si Nanay Amalia, eh baka raw uugod-ugod na sila at hindi na kayang alagaan si
45:57Angel kung tumandang dalaga.
46:00Paglilinaw ng 27-year-old na si Angel na happily taken o in a relationship siya.
46:06Natanong lang naman daw niya si na mama at papa dahil gusto niyang maging main character.
46:15At yan po ang mayiinit na balita ngayong tanghali. Ako po si Connie Cesar.
46:20Rafi Timo po.
46:20Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
46:22Ito po ang GMA News. Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
46:26Noon at ngayon, servisyong totoo.
46:41Paglilinaw ng 27-year-old na si Angel na.
Comments