00:00Sa unang tatlong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
00:05nanindigan ng prosekusyon na matibay ang naging testimonya ni NBI Senior Agent John Mark Calilong.
00:11Yan ang ulat ni Sheila Natividad.
00:15Hindi po natibag o hindi nabutasan ang testimonya na inilatag o binigay ng ating witness.
00:23Ito ang paniniwala ng House Prosecution Panel sa kanilang ipinresentang unang testigo na si NBI Senior Agent John Mark Calilong
00:31sa ikatlong araw at unang linggo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:37Sa naging cross-examination o pagtatanong ng depensa, siniyasat nila si Calilong tungkol sa mga dokumentong isinumitin nito,
00:44kabilang ang kanyang mga sworn affidavit at mga record mula sa investigasyon ng NBI.
00:49Nagpahayag naman ng objection o pagtutol ang prosekusyon.
00:54Ayon kay Private Prosecutor Atty. Amanda Virgin Ligutan,
00:57nang lilito lang ang ilang tanong ng defense team
01:00at nagbibigay ng mga impormasyong hindi pa naman na-aprobahan o napatutunayan sa impeachment court.
01:06For the record, Your Honor, please, that document is not yet presented in courts as a documentary evidence, Your Honor,
01:15please.
01:15So highly improper for the defense to elicit that document through this witness,
01:22precisely because this witness did not yet identify the affidavit of investigation.
01:29Pagkatapos naman ang pagdinig, sinabi ni House Impeachment Advisor Robert Ace Barbers
01:34na nabigo ang depensa na pahinain ang testimonya ni Calilong at i-impeach umano ito bilang witness.
01:41Dagdag pa niya, wala namang naging pagbabago o consistent ang mga pahayag ng testigo
01:47mula pa sa umpisa ng investigasyon hanggang sa pagharap nito sa impeachment court.
01:52Yan ay isang magandang development at aming nakita na sa susunod na mga araw,
01:59mailalatag pa rin ang mga ebidensyang inihanda ng ating prosecution panel.
02:04Nag-paalala naman ang House Prosecution Panel sa publiko na huwag mahusga agad o magbigay ng maagang desisyon
02:12dahil nag-uumpisa pa lamang ang impeachment trial.
02:15Ayon naman kay Impeachment Prosecutor Ramon Rodrigo Gutierrez,
02:19dapat tingnan ang proseso base sa lakas ng mga ebidensyang ipinipresenta sa korte.
02:24This is not the process, the whole process of impeachment trial is not about yung paramihan po ng mga motion
02:30na ito sa granted
02:31or paramihan po ng puntos na binibilang po ng ating mga kababayan na nanonood.
02:37But it's actually about the quality of the questions that are being asked.
02:40Samantala, humiling na rin ang sabpina ang House Prosecution Panel para sa kanilang mga susunod na testigo.
02:46Sa lunes, July 13, nakatakdang isa lang ng prosecution panel si NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotok.
02:53Kasunod naman ito si Atty. Zuleyka Lopez na tumatay ang OVP Chief of Staff sa darating na Martes, July 14.
03:01At maging si House Legislative Security Bureau Executive Director at former AFP Captain Belinda Belyo sa July 15, Merkoles.
03:10Samantala, ipaalam naman ang prosekusyon sa impeachment court sa susunod na linggo
03:15kung mayaharap nila bilang testigo si NBI Director Melvin Matibag.
03:20Sheila Natividad para sa Bayan.
Comments